Chapter 13

5 1 0
                                    

***
"Hoy gising na!" saad ni Yssa habang tinatapik yung pisngi ko.

"mhm...five more minutes.." inaantok kong tugon saka tinakluban ng kumot yung mukha ko.

argh... Ayoko pa bumangooon. I want to sleep more.

"I'll count to three, kapag hindi ka pa rin bumangon hihigitin na kita" aniya saka nagsimulang mag bilang.

"One.."

Ayoko pa din talaga bumangon. Tinatamad pa ako.

"Two.." patuloy nya saka nya hinila yung kumot na nakatalukbong sa mukha ko.

Bakit kasi kailangan pa naming magsimba ng maaga eh..

"Uy! Rain kanina ka pa ba dyan?" saad ni Yssa na syang ikinagulat ko.

DAPAK?! ANONG GINAGAWA NYA DITO EH ANG AGA AGA PA!!  Oh shi— I have'nt brush my teeth yet!

Dali-dali naman akong napabangon sa higaan ko kasi akala ko nandon talaga si Rain kaso wala pala.

"Yieee ikaw ah kailangan pa pala si Rain para bumangon ka" pang aasar  sakin ni Yssa.

"Ikaw ah! Napaka mo talaga!" sambit ko saka sya binato ng unan.

Kinabahan ako don tapos yun pala wala naman tsk hay nako! Bat ba ako concerned kung nandon sya or wala.

"6:15 am pa lang ang grumpy mo na agad HAHAHA" saad ni Yssa saka nya inayos yung kama.

"Heh! balakajan maliligo na muna ako" sambit ko saka kinuha yung towel na nakasabit sa likod ng pintuan.

"Good Morning bunso!"  bati sa'kin ni Ate Crimson na kakalabas lang din ng kuwarto nya.

"Good morning Ate" saad ko saka dumiretso sa banyo.

Mahigit isang oras rin ang itinagal ko sa loob ng banyo. Ang tagal kasi matuyo ng buhok ko,sobrang haba na kasi.

"Yssa, Rose bilisan nyo na dyan at nang makakain na tayo ng almusal!" rinig kong sabi ni Manang Selia habang abala sila sa pag aayos ng mga plato sa kusina.

"Hoy bilisan mo na daw!" bungad ko kay Yssa pagkapasok ko sa kwarto. Naghahanda sya ngayon ng susuutin nya.

"Oo na po eto na haha" aniya saka sya lumabas ng kwarto dala yung towel nya at bath robe.

Dahil magsisimba  lang naman kami, White Off shoulder dress na lang yung isinuot ko. Tinernohan ko naman iyon ng beige sandals saka white sling bag. 

Dahan dahan kong sinuklay yung buhok ko pagkatapos ay nilagyan ko ito ng clip. Hindi na ako nag make-up, pulbo lang saka liptint kasi sa simbahan lang naman kami pupunta.

"Taraaaay naka off-shoulder dress sya oh!" rinig kong sabi ni Yssa na kakatapos lang maligo. May nakabalot pa na towel sa ulo.

"Bilisan mo na dyan, mamaya ma-late pa  tayo sa misa" sermon ko sa kanya.

"Yes ma'aam!" aniya saka sya tumawa.

black pants, white shoes at pastel blue na off shoulder dress ang sinuot ni Yssa para raw matchy matchy kami.

Konting konti na lang pasado na ata kami bilang fraternal twins HAHAHAHA.

Ilang minuto lang naman yung itinagal ng pag aayos ni Yssa, after that we both go down and head to the dining room for breakfast.

"Good morning everyone!" bati namin ni Yssa sa kanila saka naupo sa dining table.

"Sila Rain po ba hindi sasabay sa atin?" Tanong ni Yssa saka sya naupo sa tabi ko.

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon