Chapter 16

2 2 0
                                    

***
"Woah, seryoso ba 'to?"

"Owemjieeeee"

"Ayieeee abay sa isa't isa din naman pala ang bagsak nyo sa huli."

Bungad nila sa'min pagkadating na pagkadating namin ni Rain sa hapag kainan.

Imbes na bumitaw sa kamay ng isa't isa, mas lalo pa naming ibinalandra sa harapan nila ang kamay naming hindi mapaghiwalay. Not that I'm enjoying holding hands with this guy, it's just that I'm enjoying seeing the reaction of Yssa, Ate Crimson, Manang Selia and Mang Nestor.

"Holy Mother of Potatoes, Are you sure about that Rose?" Tanong ni Yssa habang nakatingin sa'min ni Rain.

"Move on na kasi Yssa. Tanggapin mo na lang na wala talaga akong gusto sayo." Pang aasar ni Rain kay Yssa kaya naman napairap ito.

"Hindi ka ba nandidiri, Rose?" Banat ni Yssa pabalik while smirking.

Aso't pusa talaga tong dalawa na 'to.

"Aba! nananadya ka ata ah!" Saad ni Rain habang nakasimangot. Akmang babatukan nya si Yssa kaya naman agad kong kinurot ang bisig nya, "Aray! Oo na! Oo na! Hindi ko na papatulan si Yssa! Pa kiss na lang!"Aniya kaya naman agad kong pinisil yung pisngi nya. Loko talaga tss.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo" Nakangiting sambit ni Ate Crimson kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Tara na nga kain na lang tayo!" Saad ni Yssa kaya naman nagsimula na kaming kumain.

Biglang tumayo si Yssa saka nya ako ipinagsandok ng kanin, bagay na dapat sana ay gagawin ni Rain.

"Ako lang dapat nagsasandok ng kanin kay Rose!" saad nya kaya naman mas lalong napatawa si Rain. "Best friend nya kaya ako! Saka wag mo ngang ngitian ng ganya si Rose." Halos magsalubong na ang kilay ni Yssa. Parang bata na malapit na mag tantrums.

"Hindi ko kasalanan kung ma fall man si Rose sa mga ngiti 'ko, isa pa Rose is mine." pabirong sabi ni Rain kaya naman mas lalong nainis si Yssa at mas lalong natawa sila Ate Crimson.

"Hala? Anong sayo ako? Kapal ah!" Pabiro kong sambit kaya naman biglang nagbago ang expression ni Rain.

"Don't tell me that you forgot ?" Aniya saka sya nag pout. "Did you forget what happened between us last night? Diba—" bago pa man matapos ni Rain yung sasabihin nya ay agad 'kong tinakpan yung bibig nya saka sya pinandilatan ng mata.

"Teka, anong nangyari sa inyo kagabi?" Usisa nila Mang Nestor habang palipat lipat ng tingin sa'min ni Rain.

I looked back at Rain again and I know he's plotting something. I can clearly see his mischievous smile.

"What the eff?! May nangyari na agad sa inyo?" Sigaw pa ni Yssa na parang gulat na gulat sa nalaman nya. Agad naman akong napabitaw sa bibig ni Rain saka ako umiling. I crossed my hands in X-sign.

"No!! Nagkakamali kayo ng iniisip!" Giit ko. "Walang nangyari sa'min!" Dagdag ko pa.

"Tama ang iniisip nyo! 'Wag kayong maniwala kay Rose!" Giit ni Rain. Kung kanina sya yung inaasar ko, ngayon ako naman yung inaasar. 

Karma works way faster..

Even if I wanted to defend myself, I can't do anything. Nakakahiya naman kasi kung malaman nila yung tunay na ibig sabihin ni Rain— that I admitted that I needed him,confessed my feelings to and swallowed my own pride.

That's super embarrassing. Siguradong kapag nalaman iyon ni Ate Crimson at Yssa ay pagtutulungan nila akong asarin buong araw. 

"Kumain na nga lang tayo!" Pag iiba ko sa usapan. Napailing iling nalang sila habang tumatawa saka sila nagsimulang kumain.

Minsan, parang gusto ko na lamang bumuka yung lupa tas lamunin ako nito. Arg! Nakakahiyaaaa

For once, I am never afraid of dying.

I'm holding hands with the person that drives me and my heart crazy— I'm with him. I'm with my best friend who never fails to make me feel special. I have a loving sister and a caring family. I'm alive and most importantly I still have time to spend and create memories with these people standing before me. I'm more than happy.

God, thank you for letting me meet all these amazing people and thank you for my very existence...

***

Huminga ako ng malalim habang nilalanghap ang sariwang hangin habang nakaupo sa tabi ng dalampasigan kasama ni Rain.

While staring at the moon, I realized something. I wasn't the only person in the world that has a problem. Maybe some people had it worst. Maybe I'm still lucky.

"Here, wear this." Sabi ni Rain saka nya inilagay sa balikat ko yung jacket na dala nya.

"I don't have to." Giit ko. Aalisin ko na sana ito pero hinawakan nya ang kamay ko.

"You have to. Baka mamaya magkasakit ka pa. 'Wag na matigas ang ulo." Aniya kaya naman wala akong nagawa kundi suotin yung jacket na bigay nya.

"That's my girl." Mahina nyang sambit saka nya ako hinalikan sa noo.

There goes those butterflies in my stomach again. I never thought Rain was this sweet as a boyfriend. It's too good to be true.

"Look, the stars are already out." Saad ni Rain kaya naman napatingin ako sa kalangitan.

"Ang gandaaaa" walang pagsidlan ang tuwa ko.

"Sobrang ganda." Napatingin naman ako kay Rain na nakatitig sa'kin habang nakangiti ng napakalapad.

"May dumi ba ako sa mukha?" Nagtataka kong tanong saka napahawak sa pisngi ko kaya naman natawa sya.

"Cute." Aniya saka nya hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Korni mo!" I said and laugh.

"Admit it, you're madly in love with this corny guy." Taas noo nyang sambit habang nakaturo sa mukha nyang nakangisi. Natawa na lamang ako saka umiling iling. Baliw talaga tss.

"Bucket list number 1, check."

I looked at him with confusion ng bigla nyang banggitin ang tungkol sa bucket list ko.

"What did you say?" I asked.

"Sabi ko, nagawa ko na ang isa sa mga bucket list mo", itinuro nya yung mga bituin sa kalangitan, "star gazing. I've always wanted to do this but i could'nt for some reasons so now I want to try it. Nagawa mo na sya ngayon kaya crossed out na sya sa bucket list mo." Dagdag nya pa kaya nagulat ako.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa bucket list ko?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"I have my ways, darling." Aniya kaya naman napahawak na lamang ako sa mukha ko na ngayon siguro ay namumula na dahil sa lokong 'to.

I bet Yssa gaved her copy to him. Sabi ko na nga ba't may binabalak yung babae na yon eh.

"Nga pala, bukas maghanda ka." Bigla nyang sambit.

"Ha? Para saan?" Tanong ko.

"May pupuntahan tayo." Aniya kaya naman tumango tango na lamang ako.

While I was admiring the moon and the star's beauty, an idea suddenly came to my mind. I secretly smirked by the thought of it.

"Rain.." tawag ko sa pangalan nya.

"Yes, darling?"

"I love you.." I said and gaved him a quick kiss on his soft lips.

Na- estatwa naman sya ng ilang minuto bago nagsimulang mamula ang mukha nya.

I swear, his reaction is the cutest. It makes me want to tease him more.

"Shit..tangina kinilig ako don!" Sambit nya kaya naman napangisi ako.

Akala mo ba Rain ikaw lang ang marunong magpakilig? Ha! now you know how I feel every time you'd say something sweet.

***
Votes, Comments and Share are highly appreciated!

Maraming salamat sa pagbabasa! ;)♡

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon