Note:
For this chapter, Listen to Kiss the Rain by Yiruma while reading ;)***
I was just laying down in my bed. I couldn't walk or stand any more. Para akong lantang gulay. Hinang hina na din ang katawan ko, madalas akong nahihirapan huminga, one time I stopped breathing for a few minutes kaya naman magmula noon eh lagi na lang nasa tabi ko si Rain, maging sila Ate Crimson eh madalas na din ang pagbabantay dahil sa takot na baka tuluyan na akong tumigil sa paghinga.
Ilang beses ko na din naririnig ang mga paghikbi nila sa tuwing inaakala nila na tulog na ako. They look so fine in front of me pero alam kong ginagawa lang nila yon para mabawasan ang pag-aalala ko.
While I was filled with these deep thoughts, hindi ko namalayan na dumating pala si Yssa.
"Are you okay?" saad nya saka nya inilapag sa mesa yung bag nya.
"Yup..just filled with what ifs and deep thoughts" ngumiti naman sya saka sya naupo sa tabi ko.
"You know I'm always here. If something's bothering you, just tell me okay?" Tumango naman ako saka ko sya niyakap. Napapikit na lamang ako. Sumisikip na naman kasi yung dibdib ko.
"Thank you.." I said as we break the hug. Nakangiti man ako pero patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.
"For what?" Tanong nya.
"Thank you for being my friend. Thank you kasi you've been a good friend to me. Thank you for always having my back, for comforting me, for giving me strength and for never leaving my side kahit na sooner or later iiwan ko din kayo." Mangiyak-ngiyak kong sambit.
"Ako nga dapat mag thank you sayo eh." Panimula nya. Maging sya ang umiiyak na din. "Thank you for making me realize something."
"What did you realize..?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung may nagawa ba akong mabuti para sa kanya.
"Thank you for making me realize how important it is to spend time with my family. When you stopped breathing, I got really scared. Natakot ako kasi akala ko hindi na kita makikita. And then at that moment when that happened, I realized na hindi pala natin hawak ang oras. Any minute could be our last breath. Kaya simula non, I started rebuilding my relationship with my mom. Gusto kong bumawi sa kanya sa ilang years ng pag-iwas ko sa kanya. I want to treasure every moment that I spend with her." Sambit nya saka nya ako muling niyakap ng mahigpit.
Yssa may look tough and cold outside but she's actually fragile. She gets hurt easily and she's been through difficult times more than anyone.
"Promise me something Yssa." Saad ko saka ko pinunasan ang mga luha nya.
"What is it?" Tanong nya.
"Promise me that you'd be fine even when I'm not beside you anymore." I softly said while looking at her.
"Hindi ko ata kaya yan." Saad nya saka sya umiling.
"Yes you can." Giit ko.
"How?" Tanong niya.
"Just know that when I'm gone, I'm happy. I'm not suffering anymore and most importantly, I'm not in pain anymore."
***
"I missed you.." saad ni Rain saka niya hinalikan ang noo ko. Hindi sya nakadalaw kahapon dahil may kailangan siyang asikasuhin.
"Wala ka bang importanteng gagawin?" Tanong ko.
"Meron." Magsasalita na sana ako pero naunahan na nya ako. "Pero mas importante ka sa lahat Rose." Seryoso nyang saad. Dahan-dahan kong sinandal yung ulo ko sa balikat nya. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ang ulo ko kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...