Chapter 7

6 4 0
                                    

***
"Hindi mo iyan pwedeng gawin!"

"Bakit ba kasi hindi nalang kayo pumayag na bilhin namin ang lupa nyo?"

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa labas. Nagkusot ako ng mata at ng bumagon ako ay dumungaw ako sa bintana.

Napansin ko na parang may nag-aaway. Dali dali akong nagayos sa nagmamadali bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

"Kaya kong bilhin ang lupa nyo para ipaalala ko sayo Nestor!" Sigaw ng isang lalaki kay Mang Nestor.

"Alam ko iyon Arnel ngunit hindi ko ipinapagbili ang lupa ko. Regalo iyon sa akin ng mga Ferrer kaya't iniingatan ko iyon." Mahinahon ang pagkaka wika ni Mang Nestor ngunit may diin iyon.

Hindi nalalayo ang edad ng lalaki kay Mang Nestor at marami rin itong kasamang lalaki. Ano 'yon? bubugbugin nila si Mang Nestor kung hindi Ito papayag sa kagustuhan nila?

"Ang hinihiling ko lamang naman ay ibigay mo na sa akin ang lupang iyon. Kaya ko namang bilhin iyo, dodoblehin ko pa ang presyo"

"Hindi namin kailangan ng pera mo Arnel. Wag mo naman kaming mamaliitin, nakakaraos kami sa buhay kahit papaano kahit wala yang dobleng sinasabi mo"

"Lupa lamang ang hinihingi ko Nestor, bibilhin ko kahit magkano." tila frustrated na sambit ng Arnel na yon.

Mukhang desperado na talaga sya mabili ang lupang iyon.

"Mang Arnel, hayaan nyo na lamang po sila Mang Nestor. Wag nyo ng ipagpilitan pa ang gusto nyo. Parang awa nyo na, ibang lupa na lamang ang bilhin nyo"

Napatingin naman ako sa nagsalita at si Yssa pala yon. Napangiti ako, walang aura ng pagiging plastik sakanya at totoo ang emosyon na ipinakikita nya. Talagang may malasakit sya sa mag ama.

"Tumigil ka. Kung Hindi niyo maibibigay ang aking gusto eh mapipilitan na lamang akong papayagin kayo sa aking kahilingan!" Desperadong sambit ni Ginoong Arnel.

Nalungkot ako. Bakit may mga taong hindi maintindihan ang saloobin ng iba? Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang makuha ang kanilang kagustuhan sa halip na tumulong sa mga nangangailangan.

Napatingin naman ako kay Rain. Nakayukom ang mga kamao nya habang nakayuko. Galit sya, alam kong galit sya.

Huminga ako ng malalim. Tulungan mo sila Rose, kaya mo yan.

"Minamaliit nyo ba kami?" tanong ko habang unti-unting lumapit kay Ginoong Arnel.

Huminto ako sa mismong tapat nya.

"Sino naman ang magandang dalaga na Ito?" tanong nya.

"Makikilala mo rin ako ngunit nais ko munang sagutin mo ang aking katanungan Ginoo" saad ko.

"Pasensya na hija ngunit lupa ang sadya ko rito at hindi ikaw" saad nya pa.

Napangisi lamang ako. Kung kanina ay naguguluhan pa ako kung sino ang lalaking ito, ngayon ay nakikilala ko na sya.

Isa sya sa mga nais bumili ng share sa kumpanya ni Dad.

"Ganyan ba umakto ang isang Arnel Villareal?" saad ko na sya namang ikinagulat nya.

"Gumagamit ng dahas upang makuha ang gusto nya, nang aalipusta ng mga taong mababa lamang ang antas sa buhay." dagdag ko pa.

"Paano mo ako nakilala? ni hindi ko naman sinabi ang ngalan ko sayo" tanong nya na syang lalong nagpangisi sa akin.

"Arnel Villareal, one of the well known businessman in the country, using death threats to a farmer just to get what he wants" saad ko. "Ang gandang headline hindi ba? what do you say i post this on social media?" saad ko saka iplinay ang voice record kung saan ay pinagbabantaan niya si Mang Nestor.

"Sino ka ba talaga ha?!" pasigaw nyang saad. A mischievous smirked formed in my lips as i enjoy his reaction.

Alam kong reputation ang kahinaan nya at hindi sya papayag na masira ito.

"Im sorry for the late introduction. I am Rose Lev Ferrer, second daughter of the Ferrer family. My dad, Raymond Ferrer is one of the most well-known and successful businessman in the country. Im sure you know our company." I said na sya namang ikinagulat nya.

"I-ikaw?" saad nya.

"Oo ako nga Mr. Villareal, now if you don't want your reputation to get ruined. Wag mo ng aabalahin ang pamilya ni Mang Nestor because if you do, I'm sorry to say pero ikakalat ko ang voice recording na to" Matapang kong saad.

Hindi mo dapat minamaliit ang mga kababaihan, lalo na henerasyon na ito.

"Hindi ko na kayo guguluhin pa. Aalis na ko" saad ni Mr. Villareal na sya naman ikinagulat ni Mang Nestor, Rain at Yssa.

Umalis naman agad si Ginoong Villareal at bigla na lamang akong napaupo sa lupa.

"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Rain saka ako inalalayan.

Biglang nanikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga.

Binuhat naman ako ni Rain saka ipinasok sa loob ng bahay. Ibinaba nya naman ako sa Sofa saka ako inabutan ng isang basong tubig ni Aling Selia.

"Ayos ka lamang ba Hija?" tanong sa akin ni Mang Nestor.

"Hindi maganda ang kanyang mga tinuran ngunit ayos lamang po ako" sagot ko saka uminom ng tubig.

"Anong napagusapan nyo?" tanong ni Yssa

"Ipinaintindi ko lamang sa kanya ang mali nya at binalaan na wag ng gagambalain pa si Mang Nestor at Rain" sagot ko.

"Saka na natin pag-usapan iyan, halika ka na Rose, dadalhin kita sa Silid mo upang makapagpahinga ka" saad ni Rain."Magluluto ako ng pabirito mong pagkain para pagka gising mo ay makakain ka" Saad naman ni Manang Selia saka nagtungo sa kusina.

"Bibisita ako rito mamaya. Magdadala ako ng gitara, jamming tayo mamaya" nakangiting sabi ni Yssa.

Napangiti naman ako, alam kong iisa lamang ang gusto namin, ang maayos ang lahat para kay Rain at Mang Nestor.

Inalalayan naman ako ni Rain patungo sa aking silid at ng makarating kami ay naupo siya sa upuan malapit sa kama ko.

"Salamat Rose.." saad ni Rain saka ngumiti "Maraming salamat sa ginawa mong pagtatanggol sa amin" dagdag nya pa.

"Walang ano man Rain, masaya ako na nakatulong ako sa inyo" Saad ko naman.

"Nag benifit din naman ako sa ginawa ko, at least dun manlang makabawi ako sa tulong mo sakin para makalimutan ang mga hinanakit ko sa buhay" dagdag ko pa.

"May kailangan ka ba? sabihin mo lang sa akin." umiling naman ako saka ngumiti.

"wala naman" saad ko

"sige aalis na muna ako para makapag pahinga ka" saad nya. Tumango naman ako saka tuluyan ng umalis ng aking silid si Rain.

Masaya akong nakatulong ako sa kanila, napakasarap sa pakiramdam...

Unti-unti kong ipinikit ang aking mata at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

***

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon