***
Ilang oras din ang tinagal namin sa paglilibot sa Caleruega Church bago namin napagdesisyunan na umuwi na. We bought souvenirs and memento from the gift shop para kela Ate Crimson."Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Rain as he was holding my hand. He was focusing on the road.
"Sobra." Marahan kong saad kaya naman napangiti sya. I didn't expect him to take me to that majestic place. It was a wonderful experience worth to remember.
"I'll take you out again next week." Saad nito. Hindi pa din nawawala ang mga ngiti sa labi nito, bagay na sya namang nagpangiti din sa'kin.
"I'm looking forward to that" sagot ko as he kiss the back of my hands.
"Look forward to more adventures with me." banat nya pa kaya naman napa salute na lamang ako saka tumawa.
It was almost past 8:00 pm when we arrived home. Naabutan pa namin sila Manang Selia at Ate Crimson na nagku-kwentuhan sa may balcony. Rain opened the car's door for me.
"Thank you for today." Saad ko saka nya isinara yung pinto ng kotse.
"Basta nag enjoy ka, sapat na sa'kin yon." Saad nya saka nya ako hinila papalapit sa kanya. He gaved me a quick kiss before smiling.
Nagpaalam na sya sakin so I waved him goodbye before I entered the house.
"Nakita namin 'yon ayieeeee!" bungad sa'kin ni Yssa pagkapasok ko pa lang sa bahay.
"Nakuhanan mo ba ng litrato, Yssa?" Kantyaw pa ni Ate Crimson habang napakalapad ng ngiti nito.
Alam kong namumula na ngayon ang pisngi ko dahil sa kahihiyan dahil sa mga pang aasar nila.
"Perfect shot 'to ah, ipa frame kaya natin?" Banat pa ni Manang selia habang nakangiti silang tatlo sa'kin. Alam kong kinilig sila sa nakita nila kaya naman napatawa na lamang ako.
***
I yawned and noticed that it was almost past 10:00 pm. Buong araw kaming namasyal ni Rain kaya hindi ko na napigilan pa ang pagod at antok kaya pagkatapos kumain ng hapunan ay nagpaalam na ako sa kanila na magpapahing na ako.
Hihiga na sana ako ng kama ng biglang pumasok si Rain saka ito dali daling humiga sa right side ng kama.
"Going to bed?" Nakangiting tanong nito habang nakapatong ang ulo nya sa kamay nya.
"Malamang, kita mo naman diba?" Sarkastiko kong sambit at pabiro ko syang tinaasan ng kilay.
"Let's sleep." Saad ni Rain saka nya bahagyang tinapik yung unan kaya naman nagtaka ako.
"Hoy ikaw ah! Kung ano mang binabalak mo 'wag mo nang ituloy!" sambit ko saka ko niyakap ang sarili ko. Napahagikgik naman si Rain.
" Don't worry wala akong balak na masama. Gusto lang kita tabihan sa pagtulog." Katwiran pa nito habang may pilyong ngiti sa mukha nya. "Ikaw ah masyado kang green minded."
Wala na akong nagawa kaya naman naisipan ko na lang na sa kwarto nalang ni Ate Crimson ako matulog.
"Tara na, tulog na tayo." Tatayo na sana ako pero bigla akong ni Rain kaya naman napahiga ako sa braso nya. I couldn't get out of his grip kaya naman napabuntong hininga na lamang ako saka ako natulog.
***
"Rose! Rose! Rose Lev Ferrer!!" umaalingawngaw na sigaw na nanggagaling sa labas ng pinto ang gumising sa'kin at kay Rain na mahimbing na natutulog.
"Ang aga-aga, sino ba 'yan?" Mahinang sambit ni Rain pero hindi pa din nito idinidilat ang mga mata nito.
"Ako na." Giit ko pero agad na naupo si Rain habang kinukusot ang mga mata nito.
"Just go back to sleep, ako na bahala." Inaantok man, pinilit ni Rain na tumayo at maglakad patungo sa pinto.
Pagbukas pa lamang ni Rain ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Yssa pero agad iyong napalitan ng gulat ng makitang walang damit pang itaas si Rain.
"What the heck?!" Gulat na sambit ni Yssa habang palipat lipat ang tingin niti sa ami ni Rain. "Did you guys—" hindi na natapos pa ni Yssa ang sasabihin nya ng mapasigaw ako sa gulat.
"Oh my Gosh!" Sigaw ko saka dali daling pinagsarhan ng pinto si Yssa.
"Rose, okay ka lang?" Kunot-noong tanong ni Rain sa'kin na walang kamalay malay sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.
"Do you think I was okay?! Yssa just saw— Fudge! Magbihis kana nga lang!" Natataranta kong sigaw saka ko dali daling binato sa kanya yung t-shirt nya habang nakatalikod. Narinig ko naman syang tumawa kaya ko sya nilingon at sinamaan ng tingin. "Stop laughing and wear your goddamn shirt!" Giit ko.
"Why are you still looking at me while I'm changing? Don't tell me you want to—" nakangisi nitong saad pero hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya.
"Shut up!" Giit ko saka ko inabot yung walis na malapit lamang sa kinatatayuan ko saka ko sya sinamaan ng tingin.
"Aggressive~" pang aasar pa nito na sya namang ikinainis ko pa lalo so I chased him and bashed him with the broom na sya namang naabutan ni Ate Crimson.
"Akala ko pa naman masu-surprise mo si Rose, turns out ikaw pa pala ang nasurpresa nila." Tumatawang saad ni Ate Crimson habang pinagmamasdan ang kapatid nya ba abala sa paghabol sa pilyong si Rain pero agad din namang napalitan ng pagtataka ang kaniyang ekspresyon ng mapansin nyang nakatulala sa kawalan si Yssa.
"Anong problema,Yssa?" nag aalalang tanong nita kay Yssa.
"Does she look happy..?" Saad ni Yssa saka nya pinagmasdan ang nagkukulitang si Rain at Rose.
"Simula nung nagka ayos sila ni Rain, naging masayahin na ulit si Rose. She's often laughing and joking around hindi gaya ng dati na palagi syang nagkukulong sa kuwarto habang humihikbi dahil sa sakit nya." Mas gugustihin nyang makita ang nakababatang kapatid na palaging nakangiti kesa humihikbi ito dahil sa tuwing nakikita nya itong umiiyak ay parang pinipiga ang kanyang puso.
"As long as she's happy, as long as she's still here, I'd make sure to protect that smile of hers.." saad ni Yssa habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Agad namang napawi ang mga ngiti sa labi ng nakatatandang kapatid ng mapagtanto nito ang ibig sabihin ng binitawang salita ni Yssa. Gaya ni Yssa,nalulungkot din ito sa tuwing naiisip ang maaring mangyari kaya naman napahigpit na lamang ang hawak nito sa kuwintas na bigay pa sa kaniya ni Rose.
"Yssa, hindi ito ang oras para maging mahina tayo..Ayaw ni Rose na nakikitang ganito tayo. Isa pa, Hindi ba gusto natin ang maging masaya sya? Dapat maging matatag tayo para sa kaniya." Giit nito kaya kahit lumuluha ay tumanngo tango na lamang si Yssa at pinilit na ngumiti.
***
Votes, Comment and Shares are highly appreciated ♡Maraming Salamat sa pagbabasa!

BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...