Chapter 5

17 4 1
                                    

***
Tatlong araw kong hindi pinansin si Rain pagkatapos nung sinabi nya sa akin. Ilang beses sya humingi ng tawad pero hindi ko sya pinapansin at sa halip ay sa kwarto na lamang ako tumatambay para maiwasan sya.

Nagpaalam ako kay Ate Crimson na gusto kong mamasyal sa bayan.

"Sigurado ka bang alam mo ang daan papunta sa bayan?" tanong ni Ate Crimson "Gusto mo bang samahan kita?" dagdag pa nya.

"Alam ko naman ang daan Ate dahil itinuro sa akin iyon ni Rain" saad ko.

Nung una ay ayaw nya pang pumayag ngunit sa bandang huli ay napapayag ko rin naman sya? Plain white dress at brown sandals na lamang ang sinuot ko dahil bayan lang naman ang pupuntahan ko. I just wore a light makeup saka ipinuyod ang buhok ko ng messy bun.

Dumaan muna ako sa simbahan para magdasal at saka mag tirik ng kandila para sa namatay naming relasyon. Charot HAHAHAHAHA.

Namili rin ako sa mall ng ilang damit dahil puro bestida ang naimpake ni Ate Crimson. Pagkatapos ay kumain ako sa isang fast-food chain. Nang nalibot ko na ang ilang shops sa mall ay nagdesisyon na akong umuwi dahil malapit na din mag gabi.

Pauwi na ako at naglalakad lang. Nakatingin ako sa baba kaya't hindi ko napansin ang lalaki na paparating at nagkabangaan kami. Napaupo naman ako sa lupa.

"Sorry ineng" saad nya saka inalalayan akong tumayo.

"Ayos lang po".

Naglalakad na ulit sya palayo. Pansin kong nakatingin rin sya sa baba kaya siguro nagkabangaan kami.

Sinundan ko naman sya.

"May problema po ba kayo?" tanong ko.

Lumingon sya sa akin saka ngumiti ng bahagya bago napaupo sa lupa na tila ba pagod na pagod.

"Ang asawa at anak ko...wala na sila" sagot nya. Pansin ko ang pag agos ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Tinapik ko naman ang braso nya saka ngumit.

"Kahit ano man po ang pinagdadaanan nyo ngayon, basta may pananalig ka, pananampalataya, faith. Everything will be okay" saad ko.

Nilingon nya naman ako.

"Ayos lang yan kuya, Hindi ka nya bibigyan ng pagsubok na hindi mo kayang lagpasan." saad ko pa saka sya inabutan ng tissue.

"Salamat ineng"

"Rose po ang pangalan ko"

"Ako naman si Luigi Herrera" saad nya.

"Masakit pong mawalan ng mahal sa buhay, alam ko yan kuya Luigi pero alam ko pong hindi tayo pababayaan ng nasa itaas. Sige po mauuna na po ako"

Ngumiti sya sa akin bago kami nagsaliwa ng landas.

***

Pagkarating ko sa labas ng bahay ay napahinto ako.

Napangisi ako sa aking nakita. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko si Rain na may kausap na babae sa may duyan. Don sa lagi kong puwesto kung saan malimit kaming tumambay. Napansin ko naman na nakakapit ang babae sa braso ni Rain. The moves.

Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kinaroroonan nila.

"Oh bakit ginabi ka na?" tanong nya sakin saka ako nilingon.

"ikaw gabi na ah, pumoporma ka pa" pabiro ko sabi sa kanya sa tumawa.

"Who are you? Don't tell me nandito ka din para manligaw kay Rain or isa kang bagong kasambahay" saad ng babae na animo'y ahas kung makalingkis sa braso ni Rain.

kasambahay? ako? seriously?

sa suot kong ito mukha pa akong kasambahay?

"Excuse me- what?" tanong ko naman saka sya tinignan mula ulo hanggang paa.

Disente naman sya tignan pero hindi ko mawari kung bakit ganoon ang ugali nya.

akala mo'y mauubusan ng lalaki sa mundo kung makalingkis kay Rain. Hindi ko nagugustuhan ang ugali ng babaeng to, pigilan nyo ko baka masapak ko ito.

"Are you deaf?" saad nya pa.

Natawa naman ako, "well.. talking to you i realized it's good to pretend as if I'm talking to an air"

Kapag talaga hindi ko gusto ang ugali ng isang tao, nagiging maldita talaga ako.

"Anong sabi mo? kung englesan lamang ang labanan ay di hamak na mas lamang ako sayo. Saan ka ba nag-aaral?" tanong nya " Dahil ako? Im currently studying in one of the most prestigious school in manila" dagdag nya pa.

"Harvard" sagot ko sa kanya.

"what? hindi ba't sa ibang bansa yon?" tanong nya. "nagpapatawa ka ba?" dagdag nya pa saka tumawa.

" Well, technically I was born and raised in US but i moved here to the Philippines last year. And yes, im a freshman at UP as well" I said, answering her question while talking in fluent English.

You can say, i have an American accent and well the reason is already given because I lived in US for 17 years.

Natahimik naman sya. Mukhang hindi sya makapaniwala sa narinig nya.

Nang makabawi sya sa katahimikan ay nilingon nya si Rain. "Rain sino ba yan?" tanong nya.

"Ah sya si Rose, ang bunsong anak ng mga Ferrer" saad naman ni Rain.

"You mean ang may ari ng bahay na yan?" tanong naman nya.

"Oo" sagot ni Rain

"Hey, look at me Rain. Look at me!" saad ko at agad naman akong nilingon ni Rain.

"Sino sya?" tanong ko.

"I am Rain's fiancé. Kababata nya ako at nangako kami na pagtungtong namin ng 28 years old ay magpapakasal kami" saad nya. "I'm Yssa by the way" sabat pa nya.

Hindi naman ako na inform na sya na pala si Rain ngayon.

"Is that so? Sige mag enjoy na ulit kayo dyan." saad ko saka pumasok sa bahay.

Nagmano naman ako kay Manang Selia at Mang Nestor saka yinakap si Ate Crimson.

"How's your day?" tanong sakin ni Ate

"It's fine. I actually bought new clothes" sabi ko saka inilapag ang shopping bag sa lamesa. ".And a gift for you guys" dagdag ko pa saka iniabot ko ang dalawang shopping bag sa kanila. isa para kay Manang Selia at isa naman kay Mang Nestor.

"Naku nag abala ka pa, salamat hija" saad ni Manang Selia. Ganoon din naman ang sinabi ni Mang Nestor ng matanggap ang regalo ko para sa kanila.

"You're welcome po " i said. and gaved my sister the other shopping bag. "Salamat bunso" Ate Crimson said and i just smiled

Dalawang shopping bag nalang ang natira, isa para sa akin at yung isa ay para sana kay Rain. Pa thank you gift ko sana sa kanya sa pag comfort nya sakin kaso mukhang busy ata sya ngayon.

"Sige Ate akyat na ko sa kwarto ko" paalam ko saka nagtungo sa kwarto.

Pagkapasok ko sa aking silid ay ipinatong ko sa aking study table ang dalawang shopping bag at pagkatapos ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang weird kasi parang nagseselos ako kay Rain at Yssa.

ack- basta! ang hirap i explain.

ibinabaon ko na lamang ang aking mukha sa unan ko saka sumigaw.

Marahil siguro'y nagseselos lamang ako sa pagkakaibigan nila ni Yssa. Siguro nga..

***

Maraming salamat sa pagbabasa! See you in my next update! :)♡

Feel free to vote, comment and share!

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon