***
"Tama na ang kakangiti baka mapunit ang labi mo nyan" biro ni Manang Selia pagkapasok ko pa lang sa kusina."Grabe makangiti baka malaglag panty natin dyan ha!" dagdag pa ni Yssa.
"Siraulo!" saad ko saka kami nagtawanan.
Halos buong araw si Yssa sa pang-aasar sa'kin, maging si Ate Crimson at Manang ay nakikisali rin. Biglang nawala yung ngiti sa mga mukha ko ng matanaw ko si Rain na halos mapunit na yung labi kakangiti habang kausap yung isang dalagang bisita.
Napatingin naman sa'kin yung babae pagkatapos ay hinawakan pa nito ang balikat ni Rain. The moves.
Tsk! Akala mo mauubusan ng lalaki sa mundo kung makalingkis kay Rain,mukhang nag e-enjoy naman ang loko tsk. Hindi ko nagugustuhan ang ugali ng babaeng to, pigilan nyo ko baka masapak ko 'to!
"May naamoy ako!" Biglang saad ni Yssa kaya naman gulat akong napaligon sa kanya. "Nangangamoy selos! Hahaha" dagdag pa ni Yssa sabay tingin kay Rain at doon sa babae tapos balik sa'kin.
Nagulat naman ako ng mapansin ko'ng nakatingin na pala samin si Rain at yung babae. Bigla namang sumama yung timpla ko. Para akong bata na mag ta-tantrums.
"Rose, ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Rain ng makalapit ito sa puwesto namin ni Yssa.
"Nagseselos" pang aasar naman ni Yssa. Napakunot naman yung noo ni Rain.
"Ha? Saan? Kanino?"
"Sa inyong dalawa ni—" agad kong pinutol yung dapat sana eh sasabihin ni Yssa.
"None of your business. Makaalis na nga!" saad ko saka nag walk-out.
Itatanong pa kung okay ako, mukha ba akong okay hA?! Tapos pa inosente pa ang loko, punyemas nanadya ata yung lechugas na yun eh tsk.
"Hoy kakain na daw!" rinig kong sambit ni Yssa habang niyuyugyog yung katawan ko.
Sinundan pala ako ng bruha tsk.
"Edi kumain ka!"
"Grumpy mo naman, nagseselos ka ba?" usisa pa ni Yssa.
"Ako? nagseselos? ulol!"
"Halata kaya hahaha"
"Hindi ako nagseselos noh!" saad ko saka sya binato ng plushies.
"Hoy! bumangon ka na nga dyan, pa walk-out walk out ka pang nalalaman dyan eh! Tara na kain na tayo!" natatawang sambit nito habang isa isa nyang pinupulot yung mga plushies na nakakakalat sa sahig.
"Ayoko nga!"
"Pag hindi ka pa bumangon dyan sisigaw ako ng malakas, yung tipong si Rain na yung pupunta dito para pabangunin ka" pananakot pa ng bruha.
"Ha! As if naman gagawin ni Rain yon eh mukhang busy sa pakikipagusap doon sa warka doon sa baba eh"
"So inamin mo din na nagseselos ka nga HAHAHAHA"
"Fine. Oo nagseselos ako. There, I said it. Happy?"
"May label na ba kayo para magselos ka?" pang i-intriga sakin ni Yssa.
"What do you mean?"
"Umamin ka na ba sa kanya na gusto mo na sya?"
"Kailangan pa ba yon?"
"Gaga, syempre oo! Hindi ka naman siguro baliw para magselos kung wala naman kayong label"
Natahimik naman ako bigla. Ayokong umamin kasi baka isipin non I'm head over heels for him.
"Rose, be honest"
"Mhm?"
"Mahal mo ba si Rain?"
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...