***
"Ang ganda ng boses ng future wife mo ah," bulong ko sa katabi kong si Rain.Nandito pa din kami sa garden. Nakaupo ako sa duyan,favorite spot ko. May ilang upuan naman at mesa na nakapalibot dito kung saan nakaupo sila Rain,Yssa,Ate Crimson at Mang Nestor.
"Bata pa lang kami singer na talaga yan," sagot ni Rain.
Kakatapos lang namin mag jamming, pagkatapos kasing kumanta ni Rain kanina ay si Yssa naman yung kumanta. Minsan sumasabay ako naman ako,madalas nakikinig lang.
"Yieee 'di nya tinangging mapapangasawa nya HAHAHAHA so kelan kasal?" Pang aasar ko kay Rain. Natawa naman sya.
"Kasal? Bakit sinong ikakasal?" Biglang singit ni Yssa. Abala kasi sya kanina sa pagtotono ng gitara nya.
"Kasal nyo ni Rain. Akala ko ba future wife ka nya?" Tanong ko kay Yssa dahil yun yung sinabi nya nung una kaming magkakilala.
"Mga bata pa sila nang nangako sila sa isa't isa Rose." Bulong sakin ni Mang Nestor "Ewan ko na lamang kung ngayon ay balak pa din nila" dagdag pa nito.
"Mang Nestor, may naging girlfriend ba si Rain noong wala ako?" tanong ni Yssa.
"Naku hija,wala HAHAHAHA" natatawang sagot ni Mang Nestor.
"Hindi kasi ata girlfriend ang hanap. Nabago ata yung type eh,"dagdag ko naman.
"What do you mean?"
Eto na naman,English na naman.
"Well,what i mean is maybe Rain changed his type?" Saad ko.
"Oh,well whatever tara nga kumanta na lang ulit tayo, Ate Crimson sabayan mo ko" saad ni Yssa.
Madalas ay tahimik lamang kami ni Rain at nakikinig sa kanilang dalawa habang game na game naman si Ate Crimson sa pagkanta.
"Rose,gusto mo bang tumugtog?" Tanong ni Ate Crimson sa akin.
"Ha? Ako?" tanong ko, nakatingin silang lahat sa akin kaya wala na akong ibang nagawa kundi sumangayon na lamang.
Iniisip ko kung anong kanta ang kakantahin ko. If "Perfect" ba or "Thinking out loud" or "Despacito" but dahil hindi ko medyo saulo ang mga chords nila, bigla namang pumasok sa isip ko yung kanta ng Silent Sanctuary na "Sandali lang".
Memoryado ko kasi ang chords ng kantang ito at hindi naman sya ganon kahirap tugtugin sa gitara kaya iyon na lamang ang kinanta ko.
Wala na 'kong magagawa
Para mapigilan kaPanimula ko at ramdam ko na nakatitig sakin si Rain. Medyo iba yung titig nya, para bang nasasaktan na nagseselos—ah basta! Di ko ma-explain eh.
Tinatanong ko ang sarili
Kung sa'n ako nagkamali
'Di ko rin inakala
Na ika'y magiiba
O kay saya ko sa'yong piling
Bibitaw ka rin pala
'Di ka ba nanghihinayang sa atin
Kailangan na bang tapusinHabang kinakanta ko 'yun,naalala ko yung break up namin ni Henry. I did loved him so much. But when we broke up, I start questioning myself if did he really loved me or not?
Sandali lang
'Wag mo munang
Sasabihing ayaw mo na
'Di ba pwedeng
Pag-usapan ang lahat ng itoItutuloy ko pa sana yung kanta pero biglang umalis si Rain.
Ay!! Aray Grabe sya oh, ganon ba talaga kapangit boses ko hA? Ka-walk out walk out ba talaga? (╥﹏╥)

BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...