Aira SebastianNandito na kami sa harap ng Ashford High. Dito gaganapin ang PriSA ngayong taon. Pumasok ang mga mag aaral mula sa iba't ibang school kasama ng mga coach nila. Nakatindig at punong puno ng kumpiyansa. Hindi manlang sila makitaan ng kahit na anong kaba.
Napatingin ako sa isang babaeng estudyante na huminto sa gilid ko. Mula siya sa St. Mary Catholic School. Magandang school ito, pangalawa sa Phoenix Academy. Nakatingin lang siya sa gate.
"27 schools ang maglalaban laban, 26 na estudyante ang makakalaban ko," sabi niya.
Napatingin siya sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"25 nalang pala." Nakangisi niyang sabi at pumasok na sa loob.
"Huwag mo nalang pansinin,"sabi ni sir Mariano habang nakatapik sa balikat ko.
"Ipakita nalang natin sa kanila ang kaya mo." Nakangiti niyang wika.
Paano 'pag hindi ko kaya?
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Pumasok na kami sa loob. Nagparegister muna si sir kaya naiwan ako dito sa waiting area kasama ang iba pang mga estudyante.
Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko.
"Goodluck." Sabi ng isang babae sa akin. Tinapik at ginoodluck niya rin ang iba.
Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa pang-gu-goodluck niya. Kitang kita kasi sa mukha niya ang confidence, at wala manlang siyang bahid ng kahit na anong kaba.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.
"Uy, nakita niyo na ba ang representative ng Phoenix Academy?" Napatingin ako sa nag uusap na estudyante sa gilid.
"Siya ang pinakamabigat na kalaban natin," sabi ng lalaking may makapal na salamin.
Phoenix Academy.
Sino kaya ang ilalaban nila?
Napansin ko na nakatingin ang lahat ng estudyante sa may likuran ko kaya napatingin ako sa kung sinong tinitingnan nila.
"Nandito na siya."
Nagulat ako nang makita ko ang estudyante mula sa Phoenix Academy.
Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko siya ulit. Siya pala ang representative ngayong taon.Napatingin siya sa akin. Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla nang makita ako.
Napaatras ako nang lumapit sila sa kanya. Hindi ko napansin na may basurahan pala sa likod ko. Napaupo ako at nagshoot sa butas dahil sa kawalan ko ng balanse.
"Pfft." Pagpigil ng tawa ng mga estudyante na nandito.
"Tanga hahaha," sabi ng isang mayabang na lalaki at tinawanan ako.
Tumingin ulit ako sa representative ng Phoenix. Nagpigil din siya ng tawa at binigyan ako ng mapang asar na ngiti.
"Trash," rining kong sabi niya.
"Aira, anong nangyari?" Napatingin ako kay sir na dali daling lumapit sa akin para tulungan akong tumayo.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni sir.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang ako sir," sagot ko.
"Aira kalma ka lang, 'wag kang mapressure, alam kong kaya mo 'yan." Pagmomotivate ni Sir sa akin.
Napansin niya na nakatingin pa rin ako sa representative ng Phoenix kaya napatingin din siya doon.
"Kilala mo siya?" Tumango ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...