Aira SebastianTime check: 8:45 pm
Napahiga kaming lahat dahil sa sobrang pagod sa paggawa ng entry namin para bukas. Nandito kami ngayon sa ground dahil malaki ang ginawa namin at hindi magkakaasya sa loob.
"Sa lahat ng basurahan, ito ang nakita kong pinakamaganda." Manghang wika ni Karylle habang nakatingin sa gawa namin.
Isang puno ng Sakura na gawa sa alambre, dyaryo at mga plastic nilagyan naming ng glow in the dark color. 7 feet ang taas niya. Nakapalibot dito ang mga kumikinang na basurahan na gawa rin sa basura.
Ang totoo, basurahan lang ang ambag ko sa idea. Sila mismo ang nakaisip ng kabuuan. Dito rin lumabas ang iba't iba nilang talent lalo na kay Charlie na bully, sila ng mga kagrupo niya ang gumawa ng puno.
Ang grupo naman ng maattitude na si Jade ang nag isip ng design at color na glow in the dark. At yung iba ko pang mga kaklase ang gumawa ng mga basurahan. Pink ang color ng sakura, brown ang puno at kulay silver ang mga basurahan. Ito lang ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na ground. Hindi ko alam kung paano nila nagawa ito, pero ang masasabi ko lang ay napakagaling.
"Uy babe ayusin mo naman upo mo." Pang aasar ng kaklase ko kila Raven dahil nakabukaka silang umupo kahit nakapangbabaeng suot sila.
"Anong babe? Kung suntukin kaya kita diyan!" Pikon sagot ni Al.
"Teka nga pala? Bakit nga ba nakapambabae kayo?" Nagtatakang tanong ni Maya sa kanila.
Oo nga, bakit nakadisguised sila?
"Suspended kami kaya hindi kami makapasok, so nagdisguise kami bilang visitor." Si Raven.
"Mas naghihinala ang guard sa lalaki kaya ito kami ngayon." Si Al.
Sabagay may punto siya.
"Hinihingi nga nung guard ang number ni Raven tinatanong kung single pa."
Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Al. Mga kalokohan talaga nila.
Napatingin sa paligid. Hinahanap ko si Hiro pero wala na siya dito.
"Nasan si Hiro?" Tanong ko sa kanila.
Lumingon lingon din sila para hanapin si Hiro.
"Bakit mo hinahanap si Hiro nandito naman ako," sabi ni Al at lumapit sa'kin. Nabalot ng panunukso ang buong klase.
"Baka umalis na siya, alam mo naman parang kabute 'yon bigla biglang susulpot." Kaklase ko.
"Oh sige, gabing gabi na umuwi na tayo ayusin muna natin itong gawa natin," si Maya at tumayo na.
Nagligpit na kami ng gamit at sabay sabay na lumabas.
"Aira hatid na kita," sabay na sabi sa'kin nila Al at Raven.
Huh?
"Ay pak ang haba ng hair ni Aira dalawa ang maghahatid." Biro sa'kin nila Jade.
Napatingin ako kay Maya. Nakayuko lang siya.
"Ah hehe okay lang ako, ikaw Al saan ka ba papunta?" Tanong ko sa kanya.
"Dito sa kaliwa."
"Ah hehe sa kanan ako ei ikaw Raven?"
"Sakto sa kanan din ako." Nakangiting sabi ni Raven.
"Ako sa kaliwa ako dadaan sabay na tayo Al." Napatingin kami kay Maya. Nakaiwas siya ng tingin sa amin.
"Ah sige ba tara, oy Raven ingatan mo si Aira." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa at naglakad na kami ni Raven.
Walang nagsasalita sa amin ni Raven.
Nakafocus lang kami sa daan.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Novela JuvenilNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...