Aira Sebastian"Class dismissed." Nag ingay na ang lahat pagkatapos lumabas ng teacher namin sa General Math.
Back to normal ulit kami matapos ang acquaintance party. Balik sa pagiging estudyante.
"Guys 376 nakuha ko kayo ba?" tanong ni Maya sa amin.
"375 akin," sagot naman ni Raven.
Pumanig ang iba kay Maya ang iba naman ay sumang ayon kay Raven, samantalang ako..
Hindi ko parin alam kung saang universe ko nakuha ang 867 na sagot. Grabe talaga ang math, napakasakit sa ulo.
Bumalik ang mga kaklase ko sa kanya kanyang pwesto nang pumasok sa loob si Ma'am Smart. Agad kaming tumayo para bumati.
"Good morning class."
"Good morning ma'am Sm-- Susmariajoseph bakit nandito ang mayayabang na 'yan?!" Gulat na tanong ng kaklase naming Joker nang pumasok ang mga estudyante ng Section 1.
"May seminar akong pupuntahan mamayang hapon so I decided na i-merge na lang kayo, okay lang naman class right?" Nakangiting sambit ni Ma'am.
Tahimik lang ang lahat, walang may balak na sumagot.
"Okay lang naman section 1? Section 3?"
"May iba pa bang choice?" Maatittude na sambit ng maarteng babae ng section 1 na si Trina.
Umupo ang mga estudyante ng section 1 sa may likod. Malawak naman ang room kaya kasya kahit dalawang section ang nandito.
"Naoki ito oh may upuan pa dito," sabi ng kaklase kong babae sabay turo ng desk sa tabi niya. Pero hindi ito pinansin ni Naoki at umupo lang sa likod.
"Hi Aira, tabi tayo" Pagpapacute ni Tyler at uupo na sana sa tabi ko pero kinalabit ako ni Raven.
"Palit tayo," siya.
Tumango naman ako at nakipagpalit sa kanya. Ngayon ang katabi ni Tyler ay si Raven.
"Maling galaw mo lang boy." Malamig na sabi ni Raven sa kanya.
"Ah sa likod nalang din ako." Hindi maipintang ngumiti si Tyler at pumunta sa likod.
Nabalot ng ingay ng mga kaklase ko ang buong paligid. Daldalan doon at dito, puro bulungan patungkol sa attitude na pinapakita ng section 1.
"Tama na guys nakakahiya sa ibang section." Saway ni Maya sa mga kaklase ko.
"Sila mag adjust, magagaling naman sila." Sarkastikadong saad ni Al.
Napatingin ako sa likod. Nakakunot noo lang sila at mukhang sobrang naiirita na sa nangyayari.
Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa harap kahit hindi naman ako makikinig.
Huminto si ma'am Smart sa pagsulat sa board. Kinuha niya ang phone niya at tumingin sa amin.
"Wait lang class babalik din ako," wika niya at lumabas na sa room.
Nagkatinginan ang mga kaklase ko.
"PAPER BALLS!" Sigaw ng mga kaklase kong lalaki at nagbatuhan sila ng papel.
Nagkagulo na ang lahat at halos madamay ang section 1 sa pagbabatuhan. Hanggang sa binato ni Jade si Trina ng papel.
"How dare you?!" Nanggagalaiting sita ni Trina sa kanya. At binato rin siya ng papel.
"How dare you too, don't English me! Nasa pilipinas ka!" Si Jade at binato ng grupo niya ang mga estudyante ng section 1.
At nagbatuhan na silang lahat ng papel. Tumingin ako kay Naoki, tahimik lang siya sa sulok.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Novela JuvenilNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...