Aira
Sa paglalakad namin ni Raven, may napapansin akong kakaiba. Pinagmasdan ko nang mabuti ang paligid para makasigurado. Teka? parang nadaanan ko na ang mga 'to. Parang bumalik din ako kung saan ako nanggaling.
"Dito na tayo," saad ni Raven.
Tumingin ako sa room na hinintuan namin. Nakalagay rito ang 143 B. Mabilis akong lumingon sa katabing room.
Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko nang makita ang room 143 A sa tabi ng room na kinatatayuan namin.
Napasapo ako sa noo ko dahil sa ang tanga ko sa part na 'yon.
"Aira, okay ka lang ba?" tanong ni Raven.
Okay lang ako? Naglakad ako kung saan-saan para mahanap ang room 143 B tapos katabi lang ng room 143 A?
Teka? Oo nga 'no? Aira, ano pa bang aasahan mo, magkasunod lang ang A at B sa Alphabet. Loka ka talaga!
"Ah, eh, oo," sagot ko sabay ngiti ko ng pilit sa kanya.
Ngayon naman nagbabangit ka ng vowels Aira, nahiya ka pang banggitin ang 'i' at 'u'.
Hays!
"Mabuti naman kung gano'n, suwerte ka pala dahil absent ang first subject teacher natin kaya umabot ka pa. Sige pasok na tayo," nakangiti niyang sabi.
Tumingin ako sa kabilang room. Nakita ko mula sa bintana ang isang natutulog na lalaki. Teka? Siya si Loki? Kiki? Noki? Kia? Ayun Nokia! Napakayabang talaga. Porke't naka-perfect lang sa test kanina, natutulog na lang.
Napansin kong wala na si Raven sa labas kaya dali-dali na akong pumasok sa room.
Paghakbang ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lumilipad na bagay na ngayon ay papunta sa direksyon ko.
"Bulls eye!"
At tumama ito sa akin.
"Hala! ‘Yong pamunas ng whiteboard!"
Dahan-dahan itong nahulog. Pakiramdam ko, nalipat ang lahat ng tinta ng marker sa mukha ko.
"Ano ba naman kayo! Hindi na kayo mga bata para maglaro, mag-sorry ka sa kanya!" galit na sita ni Raven sa lalaking nakaupo table. Mukhang ang lalaki na 'yon ang nambato sa akin ng pamunas.
"Sino ka para sundin ko? Ang yabang mo, ah!" maangas na sagot naman ng lalaki.
"Okay lang, Raven. Hindi naman yata niya sinasadya," sabi ko sa kanya.
Ayaw ko nang madagdagan pa ang mga pangit na nangyari kanina. At nakakahiya na rin kay Raven dahil masyado na akong nakakaabala.
"Tumigil na nga kayo! Baka dumating na ang teacher natin," pagpigil ng isang naka-ponytail na babae. Maliit siya at napakatinis ng boses.
"Ikaw, girl? Tagarito ka ba? Bakit ngayon ka lang namin nakita?" tanong niya sa akin.
Grabe ang lakas ng boses niya kahit maliit siya.
"Mali ako ng room na napasukan kanina kaya nahuli ako ng dating," nahihiya kong sagot.
"Okay, sige, girl. By the way, I'm Maya Dimalabanan. Naging president ako sa dati naming school kung hindi mo pa natatanong, kaya kayong lahat," wika siya sabay pag-agaw ng atensyon ng mga tao sa loob.
"Kung gusto niyo ng magandang pamamahala, always here, Maya Dimalabanan, madaling tandaan mahirap kalimutan," buong kumpiyansa niyang sabi.
Huh? Nag-loading ang utak ko bigla sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Подростковая литератураNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...