Aira Sebastian"Bayad po, dalawang Sakura estudyante," sabi ng lalaking nasa kanan ko nang iabot ang bayad kay kuyang driver. Pagkatapos ay nagharutan sila ng katabi niyang babae.
"Bayad po, Sakura dalawang estudyante po." Abot naman ng nasa harap ko na lalaki at sumandal na sa babaeng kasama niya.
Ang dalawang estudyante naman na nasa kaliwa ay nagkukompetisyon sa paramihan ng I love you na masasabi.
Napaliligiran ako ng mga magjowa. Hindi ko alam kung maiinggit o masusura dahil partner partner sila sa jeep. Pakiramdam ko tuloy hindi ako belong dito.
Kinuha ko na ang pera ko sa bulsa at inabot ang bayad.
"Bayad po single, ah este isa estudyante," sabi ko pagkaabot ng bayad.
Pagkatapos naming bumaba ay nakasabay ko pa ang tatlong magjojowa pagpasok sa gate.
Sana all may jowa.
Napansin ko ang pagdating ni Naoki dito at nakasabay ko siyang pumasok.
"Partner partner?" tanong sa amin ng guard.
Sunod sunod kasing pumasok ang mga magjowa. Napagkamalan pa tuloy kaming couple din.
Pagkatapos namin pumasok ng gate ay halos magkasabay ding pumasok sa mga room namin. Isang direksyon lang siyempre ang aming dinaan dahil magkatabi lang ang room namin.
Nang pagpasok ko ng room. Mga kaklase ko na namang nagkakagulo ang nadatnan ko. Napansin ko na nagkokumpulan ang mga kaklase kong babae na tila ba'y may pinag uusapan. Lumapit ako sa kanila.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko. Napunta naman sa akin ang atensyon nila.
"May manliligaw kasi si Karylle tingnan mo ang gwapo oh," sagot ni Candy sa akin at pinakita ang picture ng lalaki sa screen.
"Patingin nga!" Nagulat kami nang biglang kinuha ni Charlie ang phone at tiningnan ang picture.
"Pft! Ito? Panget naman." Panglalait niya sa picture ng lalaki.
"Akin na nga!" Inis na wika ni Karylle at kinuha ang phone niya.
"Bakit ba epal ka? At saka ano bang pake mo?" Iritableng ani Karylle sa kanya at nilagay na ang phone sa kanyang bulsa. Natahimik naman si Charlie.
"Tsk, parehas kayong panget." Inis nitong sabi at naglakad papunta sa likod.
"Ow baka nagseselos," biro ng kaklase ko sa kanya. Lumingon sila sa akin.
"Ikaw Aira, may jowa ka na ba?" tanong sa akin ni Jade. Ngayon ay sa'kin na napunta ang topic.
"Wala pa,"
"Eh crush? Imposibleng wala kang crush?" Napaisip ako.
Teka? May crush ba ako? Si Raven, hinangaan ko no'ng first day pero hindi ko masasabing naging crush ko siya.
"Wala rin eh.." sagot ko sa kanila.
"Huh? Imposible naman 'yon ano ka abnormal?" si Jade.
Mukhang ganoon na nga. Ano ba kasi yung love na 'yan? Natatanga na nga ako sa ibang bagay pati ba naman dito.
"Grabe Aira ah, ang saya kayang mainlove o kaya magkacrush, 'yung feeling na inspired kang mag aral tapos kikiligin ka,"
"Kapag nakita mo siya, buo na ang araw mo at kahit gaano kapangit ang araw mo basta makita mo lang siya o makausap, biglang gaganda," paglalarawan ni Candy at para bang naghuhugis puso ang kanyang mga mata.
"Aahhww." Mga kaklase kong babae na nakikisang ayon sa sinabi niya.
Alam ko naman 'yon tulad ng nababasa ko sa Wattpad at napapanood sa movies. Ganyan na ganyan ang description nila kapag may crush o kaya naman nainlove.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Roman pour AdolescentsNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...