Aira SebastianAng bilis ng panahon. Parang kahapon lang, stress kaming lahat sa sabay sabay na project ng first sem. Tapos ngayon ay last day na ng school bilang grade 11.
"Totoo na ba 'to?! Grade 12 na ako sa pasukan!" Hindi makapaniwalang tanong ni Raven. Bakas sa mukha niya ang tuwa dahil hindi na siya uulit.
Muntik nang may magsummer class sa amin, buti nalang inayos nila no'ng second sem. Kaya maganda ang bakasyon naming lahat. At tamang hintay nalang kami sa susunod na school year.
Grade 12 na kami!
"Huling taon na pala ng highschool natin next year nakakalungkot naman." Ani Hiro.
"Eh di magpaiwan ka basta kami gustong grumaduate." Pag epal naman ni Jade sa kanya.
"Hala?! Maeencounter na natin ang THESIS!" Nabalot ng takot ang lahat nang marinig namin ang salitang thesis mula kay Karylle.
"Hay nako 'wag muna nating pag usapan ang grade 12 magbabakasyon palang tayo oh." Pagbabago ni Charlie sa usapan.
"Bakasyon? So guys anong plano niyo?" Natahimik ang lahat at nagkatitigan nang magtanong si Maya.
Mukhang nagkakasundo ang mga isip nila.
"Swimming! Swimming! Swimming!" Sigaw nila na nagpaingay sa buong room.
Swimming? Masaya 'yan! Napuno kaming lahat ng excitement.
"Set ng date, time, location, at foods syempre sa entrance KKB tayo kanya kanyang bayad." Ani Maya at pumunta sa harap para ayusin na ang plano.
"May 20." Suggestion ng isa.
"Eh bawal ako ng may 20 may reunion kami," pag apela ng isang kaklase ko.
"April 17."
"Ang bilis naman, mga last week ng April."
"April 30? Pwede na ba 'yan?" May aapela pa sana pero sumang ayon na ang karamihan sa mga kaklase ko.
Bawat pagseset ay nagkakagulo silang lahat sa suggestions, kasi nagkakaroon ng conflict sa lakad ng iba. 'yung tungkol naman sa resort kung saan kami magsuswimming. Nagtalo talo pa rin sila kesyo konti lang ang pool, maraming chlorine, hindi daw malinis at marami pang paninira sa iba't ibang resort na isinasuggest, katulad nalang ng sikat na mga Elemento ng tubig. Ang iba naman, may masabi lang kaya lalo pang gumugulo at tumatagal ang usapan.
"Magsuswimming pa ba tayo? Ang dami niyo kasing arte sa katawan." Iritableng saad ni Maya sa kanila.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim sa nangyayari. Bigla kong naisip ang resort kung saan ginanap ang reunion namin kaya 'yon lang isasuggest ko.
"Sa 4k nalang!" Natahimik ang mga kaklase ko at tumingin sa akin. Mukhang sasang ayon na sila.
Maganda sa 4k, hindi masakit sa ilong ang chlorine at marami pang magagandang view sa loob. Kung about naman sa budget, afford na afford.
"G! 4k tayo!"
Pagdating sa pagkain. Napag isipan nalang na 'wag mag ambagan. Kanya kanyang dala bawat partner kung mahal naman ang nakatoka, pwedeng grupo ang maghahati.
"Sagot ko na dasal," masiglang wika ni Hiro.
"Hiro ang yaman niyo tapos 'yan lang ambag mo?" Pagreklamo ni Al.
"Videoke nalang Hiro." Request ng mga kaklase namin sa kanya.
"Hmm.. sige ba!" sagot niya agad. Madali talaga siyang kausap.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...