Chapter 19: Pain

1.3K 236 69
                                    


Aira Sebastian

Ang bilis ng panahon, malapit na naman ang kuhaan ng card ng first sem. Tinambakan kami ng projects ng karamihan sa mga teacher namin. At nagpaproject pa si Ma'am Baltazar ng Film na ang theme ay mga natutunan namin sa subject na Personality development. Sabay sabay ang pasahan kaya medyo nakakastress.

"Grabe depress na ako!"

"Ayoko na mag aral!" sigaw ni Joe at tinapon ang mga papel na hawak niya.

"Ay joke lang panganay ako," sabi niya ulit at pinulot ang mga papel.

"Kung stress na tayo sa ganito pa'no pa kaya ang matatalino noh?" Si Karylle habang inaayos ang project niya.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre basic na sa kanila, kasi nga matalino na sila," sagot naman ni Al.

"Bakit ba nila tayo pinapahirapan?!" stress na ani Hiro habang nakaupo. Nakaupo lang at wala pang nasisimulan na kahit ano.

"Grabe Hiro ikaw ang stress na tamad!" sita sa kanya ni Jade. Na lumapit sa desk namin para kumuha ng pandikit.

Sa room namin, hindi na uso ang hiram hiram, Basta kuha nalang ng kuha. Ganyan kakapal ang mukha ng mga kaklase ko. Pati narin ako syempre.

"Kung sinimulan mo na agad." sabi naman ni Maya sa kanya.

"Mamaya nalang." sagot niya.

"Mamaya? Tapos bukas? Tapos bukas ulit? Tapos ang mangyayari kapag pasahan ka na gagawa?" Maatittude na ani Jade.

Hays. Mahirap naman kasing labanan ang Procastination.

Procastination

Noun

The action of delaying or postponing something.

Kung tatagalugin, mamaya ko na lang ipapaliwanag.

"Aira oh! Inaaway nila ako!" sumbong sa akin ni Hiro habang nakapout.

"Ah hehe, basta kaya natin 'yan." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Nakita naming dumaan si sir Francisco. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari no'ng aksidenteng siyang sinupalpal ni Hiro ng cake.

"Lagot.."

Hindi maipinta ang itsura ni sir Francisco. Isang makapigil hiningang pangyayari ang magaganap. Napalunok ako ng laway. Punishment na naman ito.

Pinunasan ni Sir ang mukha niya.

At..

Pinunas ito sa mukha ni Hiro.

"Sino ngayon mas nasurprise?" Maangas na saad ni Sir na ikinagulat naming lahat.

Tumawa kami ng pilit para hindi niya mapagalitan kahit bakas pa rin sa mukha namin ang pagkagulat sa nangyari.

Ang Admin na inaakala naming masungit at palaging galit ay isa palang cool. Pero kahit gano'n, nakakatakot pa rin siyang biruin.

Naoki De Guzman

"Mr. Tolentino? Ano bang klaseng project ang ginawa mo?! Walang kaayos ayos, at ano bang klaseng content ang nakapaloob dito? Ulitin mo ang project," pagtataas ng boses ni ma'am Makadada kay Drew. Nakayuko lang si Drew habang pinapagalitan.

Tahimik lang kaming lahat habang kita sa iba kong mga kaklase ang kaba na baka sila na ang susunod na pagagalitan.

"Kayo ang cream section kaya nageexpect ako sa inyo ng pinakamaayos na project," sabi ni ma'am sa aming lahat pagkatapos ay lumabas na siya ng room.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon