AiraNapangiti ako dahil mukhang maganda ang magiging araw ko ngayon sa Sakura Academy.
Papasok na sana ako ng gate nang biglang humarang si manong guard.
"No ID, no entry," nasa awtoridad na sabi niya sa 'kin.
Huh? Napatingin ako sa uniform ko at kinapkapan ito. Hala! Nasaan ang ID ko? H'wag mong sabihin na naiwan mo, Aira? Malas naman!
"Nasa likod mo." Nagulat ako nang may nagsalita sa likod. Napatingin ako sa kung sino.
Ang lalaki sa section 1. Si Nao? Kiki? Naoki! Tama! Naisip ko rin ng tama, madalas ko kasi marinig name niya.
"Nasa likod mo ang ID mo, idiot," aniya at naunang pumasok.
Kinapa ko ang likod ko at naramdaman ang aking lace. Nandito nga ang ID ko! Kinuha ko ito at inilipat sa harapan.
Ah, hehe, nakakahiya!
Pumasok na ako at naglakad sa hallway. Habang naglalakad ay medyo napakunot ako nang may napansing kakaiba sa mga estudyante. Napatingin ako sa ground, napahinto ako nang matanaw na parang may nagkakagulo.
Ang aga may gulo na agad. Hahayaanan ko na lang sana pero makita ko si Al at Raven na sinusuntok ang dalawang lalaki.
"Hala?" Nagmadali akong tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila.
"Tumigil na kayo Raven!" rinig kong sigaw ni Maya sa kanila pero tinutuloy pa rin nila. Agad akong lumapit sa direksyon niya.
Hindi pa rin sila tumitigil kahit marami nang umaawat. Hanggang sa dumating guard at iba pang staff para awatin sila.
"Pres, anong nangyari? Bakit sila nakikipagsuntukan?" tanong ko kay Maya.
"Hindi ko rin alam dahil kararating ko lang tapos nakita ko sila," sagot niya.
Naawat naman sila at dinala sa guidance office. Napasapo na lang ng noo si Maya dahil sa nangyayari habang ako ay naguguluhan pa rin.
Hays, mukhang sakit ng ulo ito sa adviser namin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo! Ang section niyo na lang ang palaging present sa mga gulo at absent sa academics! Please lang, class, kahit isang araw lang na hindi niyo papasakitin ulo ko." Dismayadong saad ng adviser namin na si Ma'am Rina. Nagkaroon kasi ng malaking abala sa lahat ang nangyaring gulo kanina.
"Ngayon bahala muna kayo," dugong niya at lumabas na ng room.
Naiwan kaming tahimik. Walang kahit na isang nagsasalita.Wala sila Al at Raven, suspended sila dahil sa nangyaring gulo.
Napalingon ako kay Maya nang tumayo siya.
"Announcement pala, classmates, may gaganaping contest ang Sakura Academy, tinatawag itong TRASHFORMATION," anunsyo niya na umagaw ng atensyon namin.
"Gagawa tayo ng isang maganda at kapakipakinabang na bagay mula sa basurang makikita sa school, bawat section ay kailangang sumali, may tatlong mananalo Champion, first at second, ang champion ay mananalo ng 10k ang 1st ay 5k at ang 2nd ay 3k, sa ayaw at gusto niyo sasali tayo para na rin kay ma'am may two days tayo para gumawa," paliwanag niya sa amin.
Pero parang wala man lang interes na makinig ang mga kaklase namin. May kanya-kanyang mundo ang mga ito. Nagdadaldalan, naghaharutan, may naglalaro at may natutulog.
"Ano ba, guys? Makinig kayo!" pagtataas ng boses ni Maya sa kanila pero parang wala silang naririnig.
"Kaya niyo na 'yan," sabi ng isa naming kaklase.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Novela JuvenilNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...