Aira SebastianNagmamadali akong tumakbo papasok sa gate, late na ako.
Ang tagal kasing dumating ng jeep. May dumarating pero punuan naman. Gusto ko sanang sumabit pero hindi na nila ako pinapasakay.
"Aira sandali." Napahinto ako at nilingon ang tumawag sa akin mula sa likod.
Si Hiro.
Para lang siyang naglalakad sa buwan. Takte! Kaya naman pala palaging late ang lalaking 'to. Oras na nga ng klase pachill chill pa. Hindi siguro uso sa kanya ang orasan.
"Huwag ka nang tumakbo, late na rin naman tayo." Nakangiti niyang sambit.
Oo nga naman.
Pero si sir Catacutan ang teacher namin sa first subject. Hindi siya nagpapapasok kapag late ang estudyante. Hays.
Lumapit siya sa akin at sabay na kaming naglakad papunta sa room. Umakyat na kami sa hagdan at bawat hakbang ay kasabay na aking kaba na nararamdaman habang iniimagine kung paano magsusungit sa amin si Sir Terror. Naglakad na kami papunta sa room at walang takot na binuksan niya ang pinto.
"Good morning sir Catacutan." Nangiti naming bati kay Sir. Pinikit ko ang mga mata ko at naghanda na sa isisigaw niyang. "Get out!"
"Come in." Kalmadong sagot ni sir Catacutan na ikinagulat naming lahat.
Iba yata ang atmosphere ngayon.Pumasok na kami sa loob ni Hiro. May nakaupo sa pwesto naming dalawa kaya doon kami sa likod umupo.
"Get 1/4 sheet of paper for your quiz," wika ni sir nang makaupo na kami.
"Penge wamport!"
"Maya dalawang wamport!"
"Hati hati na sa wamhul." Mga kaklase naming nagkakagulo sa pagkuha ng 1/4 pero tumahimik rin nang magsisimula na.
1-15 Ang quiz at dictation, dalawang beses binabanggit ni sir ang question. Tahimik lang kaming nagsasagot.
Natapos na ang quiz at nagpalit palit na ng papel ang mga kaklase. Nagpalit na rin kami ni Hiro ng papel.
Nagcheck na ng papel at binalik na sa may ari.
Parehas kaming nakazero ni Hiro.
"Baka isipin ni sir na nagkopyahan tayo dahil parehas tayo ng score." Kinakabahan niyang sabi.
"Hayaan na natin hindi naman siguro tayo mapapagalitan." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Natapos na ang klase ni Sir at lumabas na siya sa room. Sunod namang pumasok ang teacher namin sa Business math na online seller at madalas kaming tindahan ng kung ano ano. Ngayon ay wala siyang ibang dala kundi ang books at lesson plan niya.
"Good morning class." Nakangiti niyang bati.
"Good morning ma'am De Vera." Bati rin namin sa kanya.
Nagpaquiz lang siya ngayong oras. At ang resulta ng quiz ko ay 5/20. Hindi na rin masama.
"Aira." Napatingin ako kay Hiro na nasa second row.
"Ilan ka sa quiz?" Tanong niya.
"Isa." Proud kong sagot sa kanya. Napapalm face naman siya.
May mali ba sa nasabi ko? Umiling iling siya at pinakita ang papel niya.
"Anong score mo?" Tanong niya ulit.
Ah 'yon pala ang ibig niyang sabihin.
Sumenyas ako sa kanya ng "5". Tumango siya at nakangiting nag 'thumbs up' sa akin."Ako rin." Sagot niya.
Wow, madalas kaming magkaparehas ng score. Kung hindi siguro siya late palagi sure akong tie kami sa rankings.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Fiksi RemajaNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...