Aira SebastianAira aksidente lang ang kiss na'yon! Wala 'yang meaning! Hindi 'yon pwedeng maconsider as your first kiss!
Ano nga bang nangyari pagkatapos no'n?
"Oh! Daijobu desu ka?" si Kento at tinulungan niya akong tumayo.
"SANA ALL!" Sigaw ng mga babae na nakapaligid sa'min.
Napansin ko ang pagkainis ni Naoki nang tumayo.
"Idiot." Malamig niyang sabi at naglakad na paalis.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko 'yon.
"Guys announcement!" Napunta kay Maya ang aming attention.
"Ngayong darating na linggo na ang Acquaintance Party nating senior High! Ang theme ng party ay cowboy, 'yun lang at maraming salamat." Anunsyo ni Maya.
Nabalot na naman ng ingay ang buong klase. Pinag uusapan nila kung anong isusuot nila, at nagpaplano na kung paano nila maisasayaw ang kanilang mga crush.
"Uy guys, baka naman pwedeng gawan niyo ako ng paraan kay Naoki." Narinig kong sabi ng kaklase ko.
Hays, narinig ko na naman ang pangalan niya. Teka? Palagi ko naman naririnig ang pangalan niya, pero wala akong pake. Pero bakit ngayon parang big deal pa? Hindi dapat ganito. Focus Aira, ganyan lang dapat, wala kang pake.
Tumingin ako kay Raven. Tamang sulyap lang sa faculty, hinihintay na lumabas si ma'am Baltazar. Tanaw kasi dito ang faculty kaya makikita ni Raven si ma'am kahit anong oras niya gustuhin.
Tumayo ako at naglakad palabas ng room para magtapon ng kalat. Habang nagtatapon ako ay nagtapon din ang isang lalaking estudyante mula sa ibang section. Nginitian niya ako, pero ang ngiti niya na 'yon ay parang nagpapacute.
"Aira right?" tanong niya.
Kilala ko ba 'to? Kinunotan ko siya ng noo. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako.
"Wag mo naman akong tingnan ng ganyan hahaha, sorry hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Tyler San Pedro, from section 1." At hinanda niya ang kamay niya para makipagkamay sa'kin. Kinuha ko naman ang kamay niya pero nagulat ako nang halikan niya ang kamay ko.
Napansin kong dumaan si Naoki sa harap namin pero diretso lang siya sa paglalakad.
"Hindi na ako magpalaliguy ligoy pa Aira gusto sana kitang maging date sa Acquaintance party." Nagulat ako sa sinabi niya.
Huh? Close ba kami nito?
Anong isasagot ko sa kanya?
"Bak--"
"Sige nandiyan na ang teacher namin see yah Aira." Paalam niya at naglakad na papunta sa room nila.
Pumasok na rin ako sa room namin. Napansin kong nakatingin sa'kin ang lahat ng kaklase kong babae.
"Sana all kadate si Tyler."
"Sana all may kadate!"
Lumapit sa akin si Kaylle.
"Aira ingat ka kay Tyler marami nang pinaiyak 'yan." Napaisip ako sa sinabi niya.
Sabagay mukha naman talagang playboy ang Tyler na 'yon.
"Salamat Karylle."
Hmm, Tyler San Pedro..
Bakit ako?Al Velasquez
"Sana all may kadate!" Sigaw ng mga kaklase ko nang pumasok si Aira.
Ako dapat ang kadate niya pero..
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Genç KurguNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...