Aira SebastianNatapos ang araw namin na masaya pero hindi mawawala ang pagiging magulo ng mga kaklase ko. Si Raven bago nakalabas ng gate ay pinag initan muna ng guard dahil hindi siya sumusunod sa rules. Kung alam lang ni manong guard na si Raven ang tinatawag niyang baby kagabi.
Ngayon ay naghihintay ako ng jeep. Mga 30 minutes na rin akong naghihintay pero wala paring dumarating.
Biglang pumasok sa isip ko ang pag amin sa'kin ni Raven na inlove siya sa adviser namin.
Paano ba mainlove? 'yon ba ang sinasabi nilang destiny? O 'yung gagawa ng sign? Teka magkaiba ba 'yon? Subukan ko na nga lang.
Para di narin ako mainip sa paghihintay.
"Yung kotseng hihinto sa harap ko, nasa loob ng kotse na 'yon ang forever ko," sabi ko sa sarili ko.
Teka? Baka nga may kotseng huminto sa harap ko. Tapos ang nasa loob pala no'n ay matanda na tapos may asawa pa. So magiging sugar baby pa ako? Ang malala pa, magiging kabet ako 'pag nagkataon.
"Ano ba 'yang iniisip mo Aira?! Pero imposible namang mangyari 'yon na may kotseng hihin--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may itim na kotseng huminto sa harap ko. Nagbukas ang windshield nito at bumungad si Naoki na nakatingin sa'kin.
Hala?!
"Idiot pwede ka bang sumama sa'kin?" tanong niya.
"Sa walang hanggan?"
"Huh?" Nabalik ako sa reyalidad.
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Section 3 ka diba? Kaklase mo si Hiro." Tumango ako sa kanya.
"Pwede ka bang sumama sa'kin?" Siya.
Sa kanya na ba ako maiinlove?
Teka kailan kami naging close ng lalaking 'to? At bakit niya tinatanong si Hiro?
"Bakit ako sasama sa'yo at anong meron kay Hiro?" Nanliliit kong mata na tanong sa kanya.
"Gusto ko lang magtanong ng tungkol sa kanya," sagot niya habang nakaiwas ng tingin sa'kin.
Tiningnan ko siya. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya at nakipagtitigan na sa'kin.
Aha! Naaamoy ko na siya. Isa siyang paminta! Kaya hindi kami talo.
Napahinga ako ng maluwag.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
"Sige ba." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sakay na." Binuksan ko na ang pinto sa harapan at sumakay na.
Nakarating kami sa tapat ng Jollibee. Bumaba na kami at pumasok na sa loob. Siya ang pumila sa counter ako naman ang humanap ng table.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na ang gwapong katulad niya ay magkakagusto rin sa gwapo na si Hiro. Parang BL stories na nababasa at napapanood ko. Kapag naging magjowa siguro sila mapagkakamalan lang silang magkapatid.
Nandito na siya, tama na Aira ang pag iimagine. Binaba niya na sa table ang mga order at umupo na sa upuan kaharap ko.
"Single pa si Hiro." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng 'anong sinasabi mo' look.
Hays gusto pa ng paliguyligoy. Nagsasayang lang siya ng oras.
"Naku alam ko na'yan Naoki didiretsuhin na kita, tanggap ko naman kung gano'n ka, gusto mo tulungan kita kung paano mapalapit kay Hiro?" Nagulat siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Roman pour AdolescentsNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...