Aira
LUMIPAS ang isang linggong orientation. Gaya noong first day, magulo pa rin ang klase at hindi pa na na wala ang mga nambu-bully. Siguro parte na talaga ito ng highschool life, ang makasalamuha ng mga estudyanteng kulang sa aruga.
May isang teacher pa kaming hindi nami-meet sa class last week at siya ang first subject namin ngayon. Walang update kung anong klaseng teacher siya, ang alam lang ng lahat ay kumpleto naman ang parte ng katawan niya.
Napatingin ako sa wall clock para alamin ang oras. May 30 minutes pa dahil 7:30 start ng klase namin.
Nandito ako ngayon sa canteen para bumili ng pagkain dahil hindi ako nakakapag-almusal. Bilang isang estudyante, nag-aaral man nang mabuti o hindi, kailangan pa ring pumasok na may laman ang tiyan para hindi lang katawan ang healthy, pati na rin utak syempre.
Pagdating sa laman ng tiyan, pagkain dapat. Hindi kung ano, mahirap na.
Nagulat ako nang biglang may tumulak sa likod ko at nabangga ko ang tao sa harapan.
"Aray!" Napalingon ako sa bumangga.
"Ano ba 'yan?! Huwag ka ngang paharang-harang sa daan!" mataray na saad niya at naglakad papunta sa counter.
Grabe naman! Siya na nga ang nakabangga siya pa ma-atittude. Napatingin ako sa harapan.
Si Karylle pala ito, 'yung muse na binubully ng escort naming arogante.
Natapon ang mga pagkain sa tray na dala niya. Hindi siya namantsahan pero sayang ang mga pagkain na binili niya.
"Ay! Sorry talaga, papalitan ko na lang ang mga nasayang na pagkain," natataranta kong sabi.
"Hindi na, hindi mo naman kasalanan… 'yung babaeng maarte ang dapat sisihin." Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Totoo pero sagot ko pa rin ito dahil ako ang nakabangga sa kanya.
"Ah, eh, ganito na lang. Ililibre na lang kita," nakangiti kong sabi.
Magsasalita sana siya pero hinila ko na siya papuntang counter kaya hindi na siya nakatanggi pa. Bumili kami ng Hotsilog at sabay na kaming kumain. Medyo nagmadali na kami dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.
Hanggang sa ilang sandali lang ay natapos na kami at sabay na naglakad palabas ng canteen.
"Salamat, ah! Huwag kang mag-alala, babayaran ko 'tong mga binili mo sa akin," sabi niya habang naglalakad kami pabalik.
"Ano ka ba! Libre nga 'di ba? Okay lang 'yun, nakaharang kasi ako sa daan kaya nangyari ‘yon kaya kasalanan ko rin," paliwanag ko. Ngumiti siya sa akin.
"At saka salamat din noong tinisod mo si Charlie."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya tinisod. Hindi ko sinasadya na nakaharang pala ang paa ko sa dadaanan niya. Pero kahit gano'n, dapat lang 'yon sa lalaki dahil masama ugali niya.
"Hehe, hin—"
Napansin ko na napahinto si Karylle, kaya napatingin ako sa harap ng room namin. Isang lalaking may edad na halos hindi mangiti ang naglalakad papunta sa direksyon ng room.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Подростковая литератураNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...