Aira
Sa isang iglap lang ay bumalik ulit sa pagiging magulo ang buong klase.
"CR muna ako, Aira," pagpapaalam ni Karylle at naglakad palabas ng room.
"Aira, labas muna ako." Tumayo si Raven at lumabas rin.
Napansin ko si Al na papunta sa aking direksyon. Ang maangas na lalaking mabait naman pala. Umupo siya sa desk ni Karylle na nasa tapat ko at humarap sa akin.
"Aira, ang galing mo naman pala," bati niya.
Nakaramdam ako ng hiya, hindi kasi ako sanay na pinupuri.
"Ah, hehe. Hindi ko nga alam na tama pala 'yung ginawa ko," sagot ko at napahawak sa aking batok.
"Napaka-humble, teka nga! Subukan natin ulit ang talino mo." Tumingin siya sa akin ng mata sa mata. Nakipagtitigan rin ako at naghintay itatanong niya.
"Mayroon akong tatlong apple, kinain ko ang isa. Ang tanong, gusto mo ba ako?" seryosong tanong niya.
Huh? Ano raw? Nag-loading ako Bigla.
"Good morning, classmates! Ano'ng ginagawa n'yo?" masiglang bati na umagaw ng atensyon naming lahat.
Agad kaming lumingon sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Si Hiro pala. Nakangiti siyang pumasok sa loob na para bang hindi napalabas kanina ni Sir Catacutan.
"Hiro, ang aga-aga, panira ka!" naiiritang sita ni Al.
"Huh? Ano ba'ng nangyayari?" Lumapit sa 'min si Hiro para maki-update.
"Nagpa-test si sir, bakit ba kasi late ka na naman?" pagsesermon ni Al.
Napansin namin ang biglang pagbago ng reaksyon ni Hiro nang marinig 'yon.
May problema kaya?
"K-kasi… kagabi," putol-putol na sabi niya at halos mangiyak-ngiyak pa.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalala naming tanong ni Al.
"K-kagabi natulog lang ako, pero…"
"Pero ano?" tanong ulit namin.
"Paggising ko, umaga na."
Nagulat ako nang bigla siyang binatukan ni Al. Halos humiwalay pa ang ulo ni Hiro sa katawan dahil sa lakas ng pagbatok sa kanya.
"Potaena naman, Hiro!"
"Ang sakit nun, ah!" daing naman ni Hiro.
At nagsimula na silang maghampasan.
"Hoy, ikaw!"
Natigil ang pagbubugbugan nilang dalawa nang marinig namin ang matinis na boses ng amin Class President. Napalingon kami sa direksyon niya. Lumapit siya at tumingin nang masama sa 'kin.
"Paano ka naka-perfect? Nandaya ka 'no?" nakataas kilay na tanong niya.
Naguguluhang ko siyang tiningnan. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko sa test, tapos nandaya?
"Hoy, Maya! Bakit ba ganyan ang tanong mo?" inis na tanong naman ni Al sa kanya.
"Imposibleng may makaisip ng sagot na 'yon sa test, kaya sigurado akong nandaya siya." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi rin siya mukhang matalino," dagdag niya pa.
Inaamin ko, nasaktan ako nang marinig ang mga sinabi niya. Pero hindi na ako sumagot, nanatili lang akong tahimik. Tama naman siya sa sinabing hindi ako matalino, pero hindi ako mandaraya.
"Tumigil ka nga! Alam mo, Maya, kung sino man ang nandaya rito, ikaw 'yon!" pagtatanggol ni Al sa 'kin.
Natahimik si Maya at binalik ang tingin sa 'kin. Tiningnan niya ako nang masama, pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang upuan.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...