Aira Sebastian"Bababa ng Sakura," sabi ni manong driver nang ihinto ang jeep. Napuno ng ngiti ang aking labi dahil sa excitement na makita ko na ang mga kaklase ko. Nakakamiss din pala ang ingay at gulo nila. Bumaba na ako ng jeep at naglakad papasok ng gate. Nakakamiss din ang school.
"No ID no Entry." Bungad agad sa akin ni manong guard. Napatingin ako sa uniform ko. Wala ang ID ko. Kinapa ko ang likod ko, pero wala rin.
Baka naiwan ko? Napakamalas naman! First day na First day ko bilang Grade 12 wala na naman ID ko.
Nagulat ako nang may naramdaman akong bagay na hinila mula sa bulsa ng palda ko.
"ID mo." Napatingin ako sa likod.
Si Naoki hawak ang ID ko.
Paano napunta sa kanya ang ID ko?"Hinila ko sa bulsa mo, nakalawit kasi ang lace," bored niyang sabi sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat."
"Baka," siya sabay pitik sa noo ko. Napansin ko ang pagngiti niya nang pumasok siya sa loob.
Napahawak ako sa noo ko. Ang sakit no'n ah. Lokong 'yon pinitik ako.
Pero buti nalang napansin niya agad ang ID ko sa bulsa kung hindi, makakauwi ako sa bahay ng wala sa oras.
Naglakad na ako sa hallway. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, excitement, kaba, at lungkot dahil huling taon na namin ito bilang highschool student. Pero baka malay namin bumagsak kami tapos uulit kami eh di extended pa, 'wag naman sana.
Iba na ang room namin ngayon. Pero teachers pa rin ang pumupunta sa homeroom namin, maliban sa subject ng science, PE at Japanese language. Kaya ganito pa rin ang policy namin para maiwasan ang mga estudyanteng nagcucutting.
Room 113 C ang bago naming homeroom. Katabi kaya ulit namin ang section 1?
Napahinto ako nang makarating na ako sa Room 113 C. Hindi muna ako pumasok dahil baka maling room na naman ang mapasukan ko.
"Uy! Uy! Uy! Shoot!" Nagulat ako sa lalaking nagdi-dribble at nagshot nagshoot nang walang bola sa harap ko.
"Pasok ka sa puso ko" sabi niya nang nakatingin sa akin sabay kindat at tuloy tuloy ulit na nagbasketball sa harap ko gamit ang invisible na bola.
"Uly!" Napatingin ako sa direksyon ng tumawag. Mga babae na lumabas mula sa katabing room.
"Hey!" Bati niya sa kanila at umayos na sa paglalakad papunta sa mga babae. Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti bago siya pumasok sa loob.
Napatingin ako sa likod ko. Wala namang ibang tao.
Grabe. May sayad siguro ang lalaking 'yon.
"Good morning Aira!" Masiglang bati sa akin ni Karylle mula sa loob ng room. Napangiti naman ako sa kanya at pumasok na.
"Morning Karylle, morning classmates!" bati ko sa kanilang lahat. Ngumiti naman sila at kumaway lang bilang pagbati dahil mukhang antok na antok pa.
"Morning Aira, adviser ulit natin si ma'am Baltazar." Masayang bungad sa akin ni Raven.
Nagulat kaming lahat nang may lumagabog mula sa kabilang room. At rinig na rinig namin ang ingay nila.
"Hays! Bakit kasi katabi natin ang section 2?!" Inis na saad ni Maya at lumabas ng room at pumunta sa kabila para sawayin sila.
"Section 2?" tanong ko kila Karylle at Raven. Wala kasi akong masyadong alam sa section 2 kasi hindi naman namin sila katabi ng room noong grade 11.
"Matatalino sila pero magugulo, buti nga nahiwalay sila ng room sa atin no'ng grade 11, kung hindi. Hindi lang section 1 ang kaaway natin," sagot naman ni Karylle sa akin.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...