Chapter 12: I can

1.3K 258 43
                                    


Aira Sebastian

"Next meeting, you will going to perform sing or dance in front, it is individual so be prepared. Goodbye class." Wika ni ma'am na nagpakaba sa aming lahat. Lumabas na siya ng room at naiwan kami ng mga kaklase ko na halos tulala.

"Hindi ako marunong sumayaw kahit nga kumanta hindi ko kaya!" Nababahalang wika ng kaklase ko sa harap.

Napasubsob nalang ako sa desk dahil sa stress. Sasayaw ba naman kami isa isa sa sa harap? Tapos wala pa akong talent sa singing o kaya dancing. Sa PE nga lang para na akong sumasayaw na puno dahil sa tigas ng katawan ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

Natahimik kaming lahat nang pumasok sa loob si sir Catacutan. Sabay sabay kaming tumayo ng diretso. Kapag talaga sa subject ni sir Catacutan nagmumukha kaming sundalo.

"Good morning class."

"Good morning sir Catacutan."

Pinaupo niya na kami at binaba niya na ang gamit niya sa table. Tumingin siya sa aming lahat. Tingin na palaging makapigil hininga.

"We will be having a reporting next meeting. It is individual." Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

Reporting? Pangunahing kalaban ng mga estudyante. Ayos lang na by group dahil basta may ambag ka may grade ka kahit yung leader lang ang magpaliwanag at babasahin mo lang ang report niyo. Kahit nga humawak ka lang ng manila paper at tumayo sa harap ililista ka na sa group o kaya naman mag ambag ka lang ng limang piso.

Pero ang Individual Report? Sobrang hirap. Unang unang kalaban diyan ay ang takot na humaharap sa audience mag isa. Syempre papangunahan din ng kaba hanggang sa mamental block at hindi na alam ang sasabihin. Kung may masasabi man ay mali mali na. Kahit sabihing napag aralan talaga ng maayos ang report kung mapapangunahan ng nerbyos, mali pa rin ang masasabi o hindi pa rin mapapaliwanag ng maayos.

Hays. Grabe! Hindi ko na kaya!

Walang kahit na isang nagsasalita pero kita sa mukha nila ang takot.

"Al Velasquez." Banggit ni Sir.

Tumayo agad si Al. Nangangatog ang kanyang binti.

"You are the first reporter. I will send your report later after class." Si Sir. Tumango naman si Al at umupo na. Tinawag ni sir ang first 5 reporters. Hindi ako kasama kaya nakahinga ako ng maluwag tulad ng mga kaklase kong hindi rin natawag. Pero si Al, kita sa hitsura ang kaba sa mangyayaring report.

Natapos ang klase namin at ang lahat ay nag aayos na ng kanya kanyang gamit bago umuwi.

"Aira anong gagawin mo sa Contempory Arts natin?" Tanong sa akin ni Karylle.

"Hindi pa ako makapili kung sasayaw ako o kakanta.." sagot ko sa kanya.

"Wow talented ka pala Aira, hindi ka makapili dahil parehas kang magaling, sana all!" Singit ni Jade.

"Hindi, parehas kasing hindi ako marunong." Nahihiya kong sagot.

Napatingin kami kay Hiro na galing sa labas.

"Hiro, anong gagawin mo sa contem?" Tanong nila.

Napaisip siya.

"Ano nga ba? Gusto ko sanang sumayaw kaso panget boses ko," sagot niya.

"Alam ko na, kakanta nalang ako kahit matigas katawan ko." Dagdag niya pa.

Natahimik kaming lahat.

"Hay Hiro malala ka na." Si Jade sabay rolled eyes.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon