Aira Sebastian"Aira 1+1?" tanong sa akin ng teacher ko habang nakaturo ang kanyang patpat sa 1+1 na nakasulat sa blackboard.
"Ah ehh.."
"Ah si Aira bobo."
"1+1 hindi pa alam," panunukso ng mga kaklase ko sa akin.
"Class tahimik." Pag awat ng teacher ko sa kanila.
Simula no'ng araw na 'yon, madalas akong mabully ng mga kaklase ko, dahil simpleng 1+1 ay hindi ko alam. Hindi nila ako sinasali kapag naglalaro sila. Madalas pa nila akong mapagtripan. Tuwing umuuwi ako sa bahay palagi akong may uwing mga bato, papel at mga basura nila tuwing recess.
Umabot ako ng grade 6 na ganoon ang sistema. Walang nagsasali sa akin sa groupings dahil pabigat. Ang lagi lang nilang pinag aagawan ay ang matatalino naming kaklase.
Napupunta lang ako palagi sa grupo na wala nang choice kundi kuhain nalang ako para makumpleto sila.
Pagkatapos ng lahat ng 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na mag aaral akong mabuti. Gusto kong maging matalino para irespeto nila.
Nalaman ko ang tungkol sa Phoenix Academy, ang top 1 school noong panahon na 'yon. Usap usapan 'yon, matapos manalo sa isang sikat kumpetisyon ng asosasyon na kung tawagin ay PriSA.
Ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makapag aral sa Phoenix Academy at balang araw. Ako ang magiging dahilan para maging top 1 ulit ang Phoenix Academy sa lahat ng school.
Sa matinding tyaga at pag aaral ng mabuti. Nakapasa ako sa entrance exam. Hindi ko inaasahan na nakakuha ng perfect score. Kaya sa section A ako napunta.
Lahat ng mga estudyante sa section A ay kilalang kilala ang pangalan ko dahil ako ang nangunguna. Hindi katulad noon, marami na agad makipagkaibigan sa akin.
Ganito pala ang pakiramdam ng sila na mismo ang lumalapit sa'yo para makipagkaibigan. Hindi katulad ng dati na trying hard ako para lang matanggap nila.
Bawat activities o groupings, pangalan ko agad ang tinatawag nila at palagi akong may reservation sa kahit na anong grupo.
Sobrang saya ko, pakiramdam ko napakaspecial ko.
Nakilala ko si Luna na naging bestfriend ko. Sa bawat grading ay palagi kaming magkasunod sa rank, ako ang 1 at siya naman ang 2.
Dahil diyan, gusto kong imaintain ang pag aaral ng mabuti. Sa loob ng tatlong taon, ganito ang nangyayari sa akin.
Madalas magpatulong ang mga kaklase ko sa lahat ng subject. Hinihiram nila ang papel ko para kopyahin ang sagot. Sa groupings naman ako ang gumagawa ng lahat, isusulat ko nalang ang mga pangalan nila.
Kahit parang mahirap ang nangyayari, ayos lang sa akin basta matulong ako sa kanila. Ayos lang sa akin para mapatunayan ko na hindi sila nagkamali sa akin. Ayos lang basta hindi ko sila madisappoint.
Akala ko ayos na ang lahat pero sa isang iglap..
"Kaya lang naman lapit ng lapit sa'yo ang mga kaklase natin kasi kailangan ka nila, kung hindi ka nila kailangan hindi ka nila papakisamahan." Mga katagang hindi ko inaasahan na manggagaling pa sa bestfriend ko.
Nginitian ko na lang siya.
Ayos lang. Gagawin ko lahat ng kailangan nila, basta makatulong lang sa kanila at hindi sila mawala sa akin.
Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan kaya hindi sila dapat mawala. Ayoko nang maulit ang nangyari noon na tinataboy dahil wala akong kwenta.
Isang araw nag anunsyo ang school tungkol sa PriSA. Ito na ang pinakahihintay ko. Kailangan kong makasali sa PriSA at manalo para maging proud sila sa akin.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Novela JuvenilNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...