Aira SebastianKanya kanyang ayos na ang mga kaklase ko ng kanilang mga gamit. Tapos na ang last subject namin kaya uwian na. Nilagay ko na rin ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at inayos na. Napansin ko na papunta sa direksyon ko si Hiro.
"Aira may sasabihin ako." Bigla akong kinabahan sa kanya.
"Ano 'yon?" Tanong ko. Ang ingay ng mga kaklase ko. Para silang mga baliw na nakatakas sa mental sa sobrang ingay.
"Sa labas nalang hehe," Si Hiro at naglakad palabas ng room. Sumunod naman ako sa kanya.
"Anong sasabihin mo?" Ulit kong tanong sa kanya.
"Tungkol sa pinasagutan ng SC, nakaperfect ang papel na sinagutan mo." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Napagkamalan nilang ako 'yon kaya pinatawag nila ako sa office.. para gawing representative sa PriSA."
Sa PriSA?
"Paano ka nakaperfect? May tinatago ka ba sa amin?" Magkasunod niyang tanong.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Blangko lang ang isip ko.
"Siguro nakachamba ka lang, hahaha ang swerte mo talaga Aira." Nakangiti niyang sabi sa akin. Napangiti ako sa kanya.
Tama, chamba lang 'yon.
"Pero yung tungkol sa PriSA? Ikaw pa rin ang ipanglalaban?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"Si Naoki na, sure win na 'yon syempre." Buong kumpiyansa niyang saad.
"Kailangan din talaga manalo ni Naoki dahil pangalan ng school natin ang dinadala niya, kung sakaling mananalo siya, hindi na mamaliitin ang school natin." Banggit niya.
Napangiti ako sa kanya. Tama, sure win na 'pag si Naoki ang nilaban.
Kaya Naoki galingan mo.
Sabay sabay kaming lumabas ng gate ng mga kaklase ko. Nakagawian na namin ito tuwing uwian, tapos magpapaalam na kapag nakarating dahil iba iba na ang direksyon na pupuntahan namin.
Hindi muna sumabay si Raven dahil nagpresinta siya na tumulong kay Ma'am Baltazar sa pag aayos ng mga libro sa library.
Napatingin ako sa tinatayuan ko. Nagulat ako nang may patay na palaka akong muntik nang matapakan. Sa sobrang gulat ko ay napalayo ako dito at napaupo ako sa basurahan nasa likod ko.
Napakamalas nga naman.
"Pft! Mga estudyante talaga ng Sakura mga bugok," sabi ng mga estudyante galing sa ibang school na dumaan sa harap ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.
Naoki De Guzman
"Sa'yo nakasalalay ang image ng school natin kaya gawin mo ang best mo." Paulit ulit na salitang naririnig ko sa isip ko.
Hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ng Student Council President kanina.
Nakatingin lang ako kay Aira mula sa malayo habang inaayos niya ang sarili niya matapos niyang mapaupo sa basurahan.
Bugok na nga lampa pa.
"Yan pala ang Sakura Academy, maganda pero mga war freak daw nag aaral sa school na 'yan."
"Nakakatakot pala noh? Pero may mga matatalino din daw sa school na 'yan."
"Oo pero hindi kasing talino ng mga nag aaral sa Phoenix Academy," rinig kong usapan ng mga babaeng dumaan sa harap ko.
BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...