Chapter 8: Dreams

1.5K 267 52
                                    


Aira Sebastian

Nagkakagulo ang buong estudyante sa loob ng canteen dahil sa balitang may darating na artista dito sa school. Sa sobra nilang pagmamadali na lumabas ay nagkatulakan na, hanggang naitulak nila ako ng malakas.

Nabangga ako sa isang lalaki at sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay natumba kami sa sahig at aksidente ko siyang nahalikan.

Hala?!

Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hitsura niya.

"Naoki?!"

Napakapangit na pangyayari! Buti nalang panaginip lang 'yun.

Napahikab ako dahil medyo kulang ako sa tulog. Hindi na kasi ako nakatulog matapos kong mapanaginipan 'yon kagabi.

Tumingin ako sa mga kaklase ko na busy sa kanya kanya nilang ginagawa.

Mga ilang linggo na'rin ang lumipas pagkatapos ng school competition na nagbigay ng dahilan para magkaisa kaming lahat. Masaya pero gaya ng dati...

"Blah blah blah blah blah blah."

Mukha parin akong nasa palengke. Hindi pa'rin nawawala ang ingay nila.

Hindi na nalalate si Hiro pero 'pag dumarating siya, hindi na good morning classmates ang sinasabi niya kundi..

"Pakopya ng gagawin classmates!" Bungad niya sa may pinto at pumasok na sa loob.

Kitang kita na ang development sa kanya.

"T*ng *na! Napakabobo naman oh!" Naagaw ang atensyon naming lahat sa lutong ng mura ni Charlie mula sa likod. Nakatutok sila ng mga kagrupo niya sa kanya kanyang cellphone.

"Ano ba'yan Charlie? Ang aga aga nageML kayo!" Sigaw ni Maya. Pero hindi siya pinakinggan ni Charlie at tuloy tuloy lang sila sa paglalaro.

Si Raven sa tabi ko ay nakayuko lang sa desk at mukhang matamlay. Wala pa kasi si ma'am kaya siya ganyan.

Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari.

Napansin ko ang pagdating ni Karylle. Tamang tama, habang wala si ma'am ay hihiramin ko muna ang notebook niya sa science para maglecture.

"Good morning Karylle." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Morning Aira," bati niya at umupo na sa upuan na nasa unahan ko.

"Ah Karylle pwede pahiram ng notes mo sa science? Kokopya sana ako ng lectures." Tumango naman siya at kinuha ang notebook niya.

Nagulat ako nang umayos ng upo si Raven.

Parang nandiyan na si--

Gaya nga ng inaasahan dumating na si ma'am Baltazar, ang adviser namin. Binigay na ni Karylle ang kanyang notebook at tumayo na kaming lahat.

"Good morning class."

Karylle Rodriguez

"Look wala namang nagbabasa ng story na ginagawa mo, kasi ang lame ng story mo."

"Yung story mo po parang yung nabasa kong story ni blah blah blah."

"Ang pangit ng story mo."

Napabuntong hininga ako ng malalim habang pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi nila tungkol sa mga naisulat kong kwento.

Nabaling ang atensyon ko kay ma'am nang nagsulat siya sa board.

'What is your dream?'

"Raven stand up." Tumingin kaming lahat kay Raven.

"Raven what is your dream?" tanong ni ma'am sa kanya.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon