Aira SebastianNapakamalas na araw. Nakakahiya ang nangyari kanina sa jeep. Nadapa ako nang pagkababa ko. Ang daming nakakita, pati si Naoki nakita ang katangahan na nagawa ko.
Pero syempre tumayo agad ako at ngumiti sa kanila.
"Kaya niyo 'yon?" Proud kong tanong sa kanilang lahat. Nagpigil lang sila ng tawa at pumasok na sa gate.
Napansin ko ang pagtawa ni Naoki pero tumigil siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"Idiot," rinig kong sabi niya at pumasok na rin sa gate.
Bumuntong hininga ako at ngumiti ako sa sarili ko. Okay lang na madapa, ang mahalaga nakatayo ulit. Sabi nga nila.
Fall 7 times, stand up 8.
Naglakad na ako papasok sa school.
Panibagong araw sa Sakura Academy. Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula ng first day ng klase. Ang daming nangyari pero maganda naman ang kinalabasan.
Napansin ko na parang nagkakagulo ang mga estudyante sa tabi ng Admin's office. Parang may tinitignan sila na kung ako.
"Aira!" Napalingon ako sa tumawag. Si Maya at Raven na papalapit sa akin.
"Anong tinitingnan nila?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Nakapost sa bulletin board ang ranking sa bawat strand tingnan mo Aira kung pang ilan ka." Si Maya.
Ah 'yon pala ang pinagkakaguluhan nila.
"Una na muna kami Aira nautusan kasi kami ni sir Catacutan na magpaphotocopy." Pagpapaalam ni Raven at naglakad na sila paalis.
Pumunta ako doon para tingnan kung pang ilan ako. Wow. Out of 120 ABM students, pang 115 ako. Si Hiro ang pang 120, expected naman dahil palagi siyang late, minsan absent pa. Halos kaming lahat ng mga kaklase ko ang nakasama sa pang 100+ maliban kay Maya na pang 10 sa rankings. Tiningnan ko kung sinong Top 1.
1. De Guzman Naoki M.
2. Sanchez Kimberly A.
3. San Pedro Tyler DV.Si Naoki pala, ang talino niya talaga. Pangalawa naman ang president nila na si Kim.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hays loko lokong 'yon, pinagtawanan ako. Pero teka, si Tyler ang number 3. Kahit pala loko loko itong si Tyler, nag aaral din ng mabuti.
Hindi nakalagay ang average namin dito. Makikita namin 'yon kapag binigay ni Ma'am Baltazar ang card.
Pumunta ako sa room. Hindi pa ako nakakarating sa room pero rinig na rinig ko na ang ingay nila. Pumasok na ako sa loob.
"Grabe 90 lang ang grade ko sa science."
"Ako nga 91 lang, ang baba ng grades natin." Usap usapan ng mga kaklase kong babae.
"Wooh! Naka 75 ako sa Philosophy!"
"Mas mataas ako sa'yo naka 76 ako."
"Pfft! May line of 7 kayo? Ako nga wala, 69."
"Wooh! Ang galing natin!" Ingay ng mga kaklase kong lalaki.
Nakita na nila pala mga grades nila. Ano kayang grades ko?
"Sebastian." Napatingin sa ako kay Ma'am Baltazar sa harap. Lumapit ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang card ko.
"Kailangan may pirma 'yan ng parents pagbalik." Nakangiti niyang sambit sa'kin.
Binuksan ko ang envelope para tingnan ang grades ko. Napangiti ako nang makita ito. Hindi na masama.
"Mukhang masaya ka Aira, patingin nga ng grades mo." Si Jade at tiningnan ang card ko.

BINABASA MO ANG
The Bright Idiot
Teen FictionNote: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya naman ay isang "idiot" dahil sa mga katangahan na madalas niyang naipapakita. Pero dahil sa mga hind...