Chapter 14: Failed

1.4K 244 31
                                    


Aira Sebastian

Panibagong araw sa Sakura Academy. Maayos ang buong paligid, magandang atmosphere, walang nangyayaring gulo at tahimik ang kapaligiran.

Sigurado akong magiging maganda ang araw ko ngayon. Positive lang Aira, 'wag hahaluan ng negativity ang isip mo. Napangiti ako habang naglalakad sa hallway ng school.

"Miss may jackpot." Napahinto ako at napatingin sa baba.

Naramdaman ko na may natapakan akong kakaiba. Tumingin ako sa baba para tingan ito.

Nakatapak ako ng..

Tae! Tae nga!

"Hays, naapakan mo na tuloy. Di bale may faucet naman sa gilid ng administration building." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ang SC president na si Angela Martinez. Magaling siyang leader at napakabait niya. Lahat ng platforms niya simula nang manalo siya ay natupad agad sa loob lang ng isang buwan.

"Salamat po." Nahihiya kong sambit sa kanya.

"No problem, sige alis na ako." Pagpapaalam niya at naglakad na paalis.

"Ang perfect talaga ni Angela noh? Nasa kanya na ang lahat."

"Maganda, matalino, mabait at magaling pa na leader," rinig kong pag uusap ng mga lalaking dumadaan.

Hindi talaga maitatanggi na maraming humahanga sa SC President dahil parang nasa kanya na ang lahat. Siguro kung nagpaulan si lord ng magagandang katangian, nasa labas siya at naliligo.

Naglakad na ako papunta sa lokasyon ng gripo. Para akong nagpipiko papunta sa gilid ng administration building.

Hays! Umaagang umaga nakajackpot agad ako. Napakaswerte ko naman.

Angela Martinez

Hindi pa ako nakakapasok ng SC room nang bumungad agad sa harap ko ang SC officers.

"Pres, sigurado ka ba na si Akihiro ang rereport natin sa admin na ilalaban sa PriSA? Hindi kasi ito basta bastang school competition lang." Nababahalang wika ni Mike, ang SC PRO.

"Tiningnan ko ang grades niya no'ng First Grading, bagsak siya sa lahat. Siya rin ang lowest sa rankings ng ABM 11." Dagdag ni Secretary.

Ngumiti ako sa kanya ng buong kumpiyansa.

"Sabi nga nila diba, don't judge the book by its cover," sabi ko at pumasok sa loob para kunin ang papers na irereport sa admin.

"Malay niyo 'yang Hiro pala na 'yan, matalino talaga, tinatago niya lang..." Dagdag ko sa kanila.

"Pero Pres.." tinapik ko ang balikat nila isa isa, para mawala ang kaba at pangamba nila.

Takot sila sa admin dahil bukod sa perfectionist ito, parang lion din kung magalit kaya hindi pwedeng magkamali ang mga kakausap sa kanya.

Tumingin ako sa kanila.

"Kaya ko pinagawa ang secret test, para madiscover natin ang mga estudyanteng may angking talino pero hindi napapansin o takot na ipakita.." Natahimik naman sila sa sinabi ko.

"At saka wala namang ginawa si Pres na nagfail." Napangiti ako kay Vice.
Napabuntong hininga nalang ng malalim ang ibang officers.

"Sabagay tama naman, sige Pres hindi na kami magdadoubt." Si Treasurer at ngumiti na rin.

"So punta na tayo sa Admin?"

Aira Sebastian

"I'll be back class," paalam ng teacher namin sa General Math at lumabas na ng room.

The Bright IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon