Na late ako ng gising kaya late ako sa pagpasok sa school at ang linshak kong kapatid ay iniwan ako halos hindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad sa magarang hallway ng Rockwell Academy. Pansin ko ang mga pasulyap sulyap na tingin ng mga studyante pero binalewala ko lang ito ang diretso lang sa paglalakad. Alam ko naman ang mga ganyang tingin paniguradong nasa gossip website na naman ako ng school. Ang linshak na shokoy kasi Yun. Kamamatay lang ng issue ko last week tapos ngayon may bago na naman. Sinuntok ko kasi yung isang taga section 9 dahil binastos ako hindi ko naman akalain na hihimatayin yun napuruhan ko sa ilong Kaya nag stay pa sa hospital ng ilang araw. Dahil wala ako sa mood pinagpaliban ko munang tignan kong anong klaseng tsismis na naman ang mayroon ako sa gossip website nayun. Nag diretso na lang ako sa loob ng room pagkapasok ko palang ay halos lahat ng kaklase ko ay masama ang tingin. Napairap nalang ako at umupo nasa usual spot kong tabi ng bintana.
" Tsk, Akalain mo yun? Halos ipagpakalandakan nya sa buong Rockwell na ayaw nya kay King Hide tapos lalandiin nya rin lang naman sa huli?"
Ang linshak na shokoy pay pa king - king pang nalalaman ano bang meron ang siraulong Yun at halos sambahin na sya ng sanlibutan?
" Ts, akalain mo rin? May masasampal ako pag hindi mo pa ititikom yang bunganga mong panis? "- napatawa ako ng mahina ng marinig ko ang mataray na boses ng kaibigan ko since toddlers pa kami na si Mary Solenn Lagdameo hindi ko napansin ang pagdating nya kasama si Isabela Dela Cruz bale apat kaming magbabarkada kaso yung isa paniguradong busy ngayon Yun.
" Did you already open the website? Grabehan sis halos mamatay ako sa kakatawa sa walang kwentang tsismis na founded by Adelaida the freakin witch!".
Patawa-tawang sambit ni Solenn habang si Isla naman ay busy sa pagbabasa sa libro nyang sobrang kapal habang nginangat ngat ang ballpen
" Linshak kasi yang pinsan mo, akalain mo? It's freakin one in the morning at alive na alive pa ang party sa bahay nila! Parang walang kapitbahay ang shokoy nayun!" - nakasimangot kong turan halos patayin ko na sa isip ang ang Hide nayun wag lang syang mag papakita sakin ngayon mabibigwas ko sya.
" Wala sana ako sa website nayan Kung hindi dahil sa shokoy nayun! Pati si Alexander ang walang hiya kong kapatid kinampihan pa ang ka tropa nyang shokoy! Pare-pareho silang mga anak at kampon ng dagat!". - galit kong sambit.
Mukhang wala kaming teacher ngayon Kaya Inilabas ko ang cellphone ko at dumiretso sa website ng Rockwell.Pagkabukas ko palang ng website ay halos masipa ko ng ang upuan sa harap ko dahil sa inis.
" ALANIS MIKAEL DELA VERA SEDUCED HIDE ESCARCEGA AT THE ROCKWELL'S BLUE EAGLES VICTORY PARTY LAST JULY 19, 2060"
We all witnessed that Alanis Dela Vera hated Hide Escarcega to the deepest dept of hell but last night a very disturbing scene happened some of the witness saw how Alanis seduced the king of Rockwell.
Mga lintek hindi ba nila nakita na halos magtalsikan ang mga laway ko duon sa kasisigaw sa hinayupak na shokoy na nag ngangalang Hide Escarcega.
" I heard na kaibigan nya raw si angel Diba? Inahas pa talaga nya ang boyfriend ng kaibigan nya." - this stupid creature halos manginig ang laman ko sa galit ng marinig ko ang pangalan nayun. Hinawakan ni isla ang kamay ko para pakalmahin. Si Solenn naman ang humarap sa babaeng bumanggit sa pangalan na kahit kailan ay ayaw ko nang marinig.
"Kailan ba namin naging kaibigan ang demonyitang angel nayun? Pag narinig pa namin ang pangalan nayun Alam nyo ang pakalalagyan nyo!" - galit na sigaw ni Solenn ayaw kong manatili pa sa loob Kaya nagdadabog akong lumabas ng room. Kasalanan talaga to ng hinayupak nayun. Halos magsiksikan sa gilid ang mga nakakasalubong dahil sa galit na galit kong mukha patungo ako sa classroom ng mga hinayupak nayun.
Nasa pinakadulong building ang classroom ng Section Ten ang pinaka mababang section ng batch namin. Pagkarating ko roon ay maayos naman ang building maaliwalas sa labas at puno ng bulaklak. Apat na palapag ang building ang unang palapag ay classroom ng section 7 sa ikalawa section 8 at sa ikatlo naman dahil sa sobrang Sama ng mga ugali ng taga section 10 ay binakante ang ikatlong palapag para bigyan ng space ang mga section 6 at 7 para hindi sila madamay sa kalokohan ng mga section 10. Sa fourt floor ang classroom ng mga section. Ang mga demonyitong section 10 ay mga tagapagmana ng mga naglalakihang kompanyana mga sobrang yaman kasi nila Kaya walang magawa ang school sa mga pasaway nayun kundi ang sumunod sa mga gusto nila kumbaga sila nga batas dito lalong lalo na sa sinasamba nilang Hari yung Hari ng mga shokoy? Yung Anak ng dagat Nasi Hide Escarcega sobrang yaman kasi ng linshak nayan sila pa ang may ari ng Rockwell Academy Kaya sinasamba sya ng lahat maliban nalang sakin ako pa mismo ang magbalik sa pinaggalingan nyang kaharian ng shokoy eh.
Dirediretso ako sa paglalakad at ng marating ko ang classroom ng mga section 10 ay hindi na ako na gulat ng may biglang lumabas na teacher lukot lukot ang mga damit nya at kitang kita ko pa ang mga hinayupak na nambabato ng papel sa kanya.
" Impyerno ang lugar na ito! Mga demonyito ang mga studyante dito! Magreresign nako!" - tsk iiling iling akong naglakad papalapit sa pintuan parang hindi naman bago sakin na halos araw araw may nag reresign na teacher ng dahil sa section nato. Sukdulan na talaga ang ugali ng Hari nilang shokoy.
" Kilala mo si Stacey Lee? Yung seksing babae na taga section 2? Grabe bro! She's fuckin' hot and wild last night!" -
Ewwww what a freakin' pervert. Grosss.
---
Elle: The story is under major editing, if you'll notice some changes, don't worry I assure you that it is just a minor changes.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Action" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...