CHAPTER 21

2.7K 75 8
                                    


MONTHLY EVALUATION


Nagising ako sa nakakarinding tunog ng alarm clock. Sa inis ko ay hinablot ko ito bago ibinato sa pader. Kumalabog ito sa sahig ngunit hindi ko ito pinansin. Damn. I just want to get some sleep. Two hours lang ang tulog ko dahil tinapos ko pa ang last episode ng legend of the blue sea na pinagbibidahan ng paborito kong Korean actor na si Lee min ho.

" What the actual fuck?!It's fuckin cold!" - napabalikwas ako ng bangon dahil sinabuyan lang naman ako ng magaling kong kapatid ng malamig na tubig.

"Tsk. Get your ass off that freakin bed Alanis if you don't want me to drag you outside." - sinimaan ko ng tingin si Alexander bago ako tumayo ng kama. Nagdadabog ako sa inis dahil basang basa ako at nanlalamig pa ako sa ibinuhos nyang tubig samahan pa ng aircon na Naka bukas pa. Putek nakalimutan kong itimer dadakdakan na naman ako ni mudra nito eh.

After doing my rituals saktong alas otso ng umaga akong nakababa sa bahay at hinihintay na ako ng kapatid kong napakasama ng tingin sa akin.

" Akala ko nalunod ka na sa bathtub. Tagal mo." - singhal nito sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng kotse nya. Ang unfair lang dahil pinayagan na nilang mag drive ang isang to samantalang ako ni paghawak ng manibela ay sinesermunan ako.

" Tsk that's because you're a reckless driver. Ilang kotse na ba ang nabangga mo ha?" - Tila nabasa ng magaling kong kapatid ang iniisip ko dahil sa sinabi nito. Ngumuso naman ako dahil totoo nga ang sinabi nya. Ilan na nga ba ang nasira ko? Walo? Siyam? Ah basta marami na.

" Don't pout freak. Para kang pato na isinawsaw sa mantika "-he flatly said na para bang wala lang ang pangiinsultong natanggap ko mula sa kapatid kong lintek.

" Ang hard mo sa akin ah! Hindi ko naman Ata deserve na pagsabihan mo ng patong isinawsaw sa mantika! "- hindi na ito umimik kaya tumahimik narin ako. Naweweirduhan lang ako sa ikinikilos ng isang to parang nahawaan sya ng bipolar disorder ng kaibigan nyang shokoy. Pagkarating namin sa academy ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Kapansin pansin ang katahimikan ng paligid at ni isang studyante ay wala akong makita. Dati naman ay halos mag wala na silang lahat sa pasalubong ng prince Alexander nila kuno.

" What's happening? Where's the students here?" - nagtataka kong tanong Kay Alexander. Tumingin naman ito sa akin ng seryoso na may kasamang pag iling.

" Did you by any chance trained about the upcoming monthly evaluation?" - naniningkit ang mga mata nya kaya napaiwas ako ng tingin. Napakamot ako ng ulo dahil sa tanong nya.

" May kuto ka ba? Sagutin mo ang tanong ko."- napatikhim ako bago humarap sa kanya.

" Kailangan ba Yun? "- nakangiwi kong tanong.

" Alanis naman!Hindi ba sinabi na namin na mag ensayo ka para dun? You need to be in the top 50 at kung hindi ay mapapabilang ka sa Les Miserables! Do you want to be a servant huh? And even if I am in the Social Circle I can't do anything para protektahan ka!"-galit na galit ang mukha ng kapatid ko kaya napayuko na lamang ako.

" I-m sorry na. "- huminga ito ng malalim bago ito tumalikod at nag lakad na. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa mapansin kong patungo kami sa west wing ng academy. Kunot-noo ko syang pinagmamasdan ng magtungo sya sa pinakadulong building. Sa gusaling gusto ko sanang pasukin nuong nakaraan. Kitang kita ko ang kadiliman sa loob pero rinig na rinig ko mula rito sa labas ang ingay na nang gagaling sa loob.

"Don't stand there. Come here and follow me." - malamig na Ani ni Alexander. Tikom ang bibig ko habang sumusunod sa kanya. Nang makalapit na kami sa tarangkahan ng building inilabas nya ang kanyang ID at itinapat ito sa door knob batid kong isa itong scanner upang mag bukas ang pinto. Seriously. What the fuck is this place? Bumungad sa amin ang walang hanganang kadiliman ngunit Maya Maya pa ay automatic na bumukas ang mga dim lights at tinutungo namin ang makipot na daanan. Tahimik lang akong nakasunod dahil alam kong galit ang kapatid ko sa akin. Tumapat kami sa isang bakal na pinto at may scanner ulit ito sa door knob agad itong bumukas ng itinapat nya ang kanyang ID at bumungad ang hagdan. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko ang nasa harapan ko ngayon.

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon