CHAPTER 13

3K 72 3
                                    

Kinakabahan ako habang hinihintay na magsimula ang exam namin. Patingin-tingin ako sa notes ko at pilit na ipinapasok sa utak ko ang mga key words sa exam namin. Nak kasi ng tokwa tinapos ko ang limang episodes ng paborito kong k-drama kaya alas tres na ng madaling araw akong nakatulog at na kalimutan ko ng mag review. Inaway ko pa ang magaling kong Kuya dahil hindi nya ako hinintay kanina nagtaxi lang tuloy ako sa pagpasok sa school.

" Mukhang may maiitlog sa exam, hindi kasi nag-aaral. Kdrama pa more HAHAHAHA! Hindi ko sinasabing si Alanis ito pero parang ganun na nga! - sinamaan ko ng tingin si Solenn dahil sa pang aalaska nya sa akin. Tumawa lang sya habang pailing-iling lang Sina Stefano at Isla.

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa exam namin. Nanakit ang ulo dahil pigang - piga ang utak ko pag solve ng mga equation at problems. Feeling ko half ng kaluluwa ko ang natangay ng dahil sa lintek na exam na yan. Buti pa ang tatlo kayang - kaya nila ang math but me? I very much despise math!

Dumiretso ako sa library habang ang tatlo ay dumiretso sa cafeteria. Isinantabi ko muna ang gutom dahil need ko na talaga ang mag review para sa susunod naming exam. Habang naglalakad patungo sa library hindi ko maiwasan ang makarinig ng mga tsismis na nanggagaling sa mga studyanteng nag kalat sa paligid.

" I heard there' s a monthly evaluation para sa year ngayon?!"

" Then I need to train more! Kailangan kong mapataas ang rank ko ngayon!".

" Nakakatakot talaga ang nangyari last year no? Buti na lang wala ako sa school baka nadamay pa ako!"

Iilan lang yan sa mga narinig ko ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil Mas priority ko ang exam ko ngayon kesa sa tsismis. Pagkapasok ng library agad Kung tinakpan ang mukha para hindi ako makita nung matandang librarian namin. Baka mapalabas ako dahil sa kalokohan namin dito ng last naming Punta dito. Agad din akong nakahinga ng maluwag ng hindi ako na pansin pumili ako ng pwesto na nasa pinakadulo ng library mas tahimik kasi rito kaya makakapag concentrate ako sa pagrereview.

Hindi pa ako nakakalahati ng binabasa pero sumasakit na ang ulo ko. Inis akong yumokyok sa table habang pillit na inisteady ang utak ko.

" I supposed that this is a study area not a sleeping area. Read your notes stupid" - napapitlag ako sa biglang nagsalita kaya napabangon ako sa pagkakayukyok.

Inirapan ko ang Haring shokoy na as usual parang Haring nkaupo sa harapan ko. At teka lang, tinawag na naman ba nya akong stupid? Aba namimihasa na ang isang to sa kakastupid sa akin ah.

" I'm not sleeping you freak! And stop calling me stupid!" - pigil kong sigaw. Ayaw ko na kayang mapalabas dito no.

" You're stupid, aren't you?" - inis akong napapay pay sa sarili dahil sa pangiinsulto ng isang to sa akin.

" Aba namemersonal ka na ha?! Ano bang problema mo ha?! Nanahimik ako dito tas pupunta ka lang para insultuhin ako?! Aba naman shokoy ka! Namimihasa ka na ah?! "- totoong galit na ako kaya bago pa mas lalong uminit ang ulo ko agad ko nang Inayos ang gamit ko para makaalis na sa harapan ng lintek na Hide nato aba sino ba namang siraulo ang gustong masabihan ng stupid?!

Kayo?! Gusto nyong masabihan ng stupid?! Ano?! Sumagot kayo!




*** MARY SOLENN LAGDAMEO'S POV***

" Next week na ang monthly evaluation we must do good para hindi bumaba ang rank natin." - biglang wika ni Isla. Napasabunot naman ako ng buhok dahil naiistress na ako ng bongga. Namomoblema pa ako sa exam Kung paano ako makakaraos tapos may monthly evaluation pa! Napakadami naman kasing ganap dito sa Rockwell.

Ang monthly evaluation ay parang exam din ang kaso nga lang hindi utak ang ginagamit kundi ang physical stenght ng mga studyante. Pwede kang mamili ng pwede mong gawing routine. Tulad ng taekwando, judo, mix martial arts at kung ano-ano pa lahat ng studyante rito sa Rockwell ay required sumali at halos lahat ay ayaw magpatalo. Competitive silang lahat dahil ayaw nilang mapababa ang mga rank nila dahil uhaw sila sa kapangyarihan. Kung sino man ang mapabilang sa Social Circle ay may karapatan sa lahat ng bagay dito sa loob ng Rockwell.

Ang Social Circle ay may sampung miyembro at pinamumunuhan ito ng isang King sya ang may kontrol sa lahat ng mga studyante dito. Lahat ay kinakatakutan sya but at the same inirerespeto. He is the demon itself at ni isa ay walang gustong kumalaban sa kanya well maliban nalang sa Section na iyon. We call him king inside the academy but we call him alpha outside the premises of the academy specially when we are in inside the arena.

" Alanis will freak-out if she'll know about the monthly evaluation." - seryosong Saad ni Stefano sabay - sabay kaming nabuntong hininga dahil sa katotohanang walang alam si Alanis sa mga nangyayari dito sa Rockwell.

Last year lang syang nagsimulang mag-aral dito kaya wala syang gaanong alam sa buong Rockwell. Walang naganap na monthly evaluation last year dahil sa nangyaring frat war bago sya pumasok dito. Hindi namin alam kung paano ito sa sabihin sa kanya.

Ang tanging alam nyang background ng academy gaya ng palagi nyang sinasabi
" this school is a school of freaks!" with matching irap pa yan but Rockwell Academy is not like an ordinary school besides from its reputation for being the top leading and prestigious school in Asia. It is also the Alma matter of some of the powerful people in the industry. Rockwell's standard is freaking high kaya pati ang mga nag-aaral dito ay nagpapataas ng pride at Kung hindi naman ay yaman.

Anak ng politiko, high profile business man, at anak ng mga high profile gangster at mafia ang mga uri ng mga studyante dito. Kadalasan sa kanila ay napapabilang sa Social Circle o di kaya naman ay sa Supreme Government Body of the School .

Ang Supreme Government Body Of The School o ang SGBS ay ang pumapangalawang grupo ng malalakas at matataas na studyante ng Rockwell. Kung sa Social Circle pinamumunuan ito ng Alpha sa SGBS naman ay ang President. Mahigpit na magkalaban ang magkabilang panig kaya ni isa ay walang gustong maipit sa pagitan nila. Magkasing lakas, yaman at kisig ang parehong pinuno ng dalawang panig kaya parehong may taga suporta sila. Pero hindi maipagkakaila na ang President ay takot din sa Alpha. Madumi Kung mag-laro ang mga SGBS kesa sa SC na maayos ang pamamalakad insecure kasi ang President ng SGBS at wala din syang Balls dahil kaya nyang gumamit ng isang inosenteng Tao para makaganti at mapa bagsak ang Alpha King ng academy.

Marami nang nagtangka para pabagsakin sya pero ni daliri nya ay hindi nila kayang sugatan.

Too bad for them no one knows how to defeat the Alpha King.

No one knows his weakness.

No one can tame the demon...


Except from that innocent devil.














ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon