Pagkarating ng bahay agad akong umibis ng sasakyan. Pagka pasok ko sa loob ng bahay nakasalubong ko si mama hawak hawak nya ang isang sandok at halatang galing sa kusina.
" Ang aga nyo nak? Wala kayong klase?" - nakakunot noo nyang tanong. Hindi ako nakasagot sa kanya. Nakayuko lang ako sa harapan nya habang nilalaro ang mga daliri ko.
"Alanis Mikael what's the problem?" - seryoso nyang tanong. Inilapag nya ang hawak nyang sandok at linapitan ako. Saktong magsasalita ulit sya ng biglang sumulpot si Kuya Alex. Nagtataka akong napatingin sakanga ng Maingat nya akong itinulak paakyat ng hagdan.
" Sige na, akyat kana ako bahala Kay mama. Magpahinga ka muna. Papacheck ko Kay manang ang likod mo mamaya." - tinanguan ko na lang si Kuya Alex. Pagkarating ng kwarto dahan dahan akong humilata sa kama ko. Ramdam ko ang kirot sa likod at paniguradong magkakapasa ito. Ang lakas naman kasing manulak ang shokoy nayun. Humanda talaga Yun sakin akala nya ha. Gagantihan ko ng mas bongga ang talinpadas nayun.
Ilang oras din akong nakatulog at pagka gising ko alas dos na ng hapon. Inayos ko muna ang sarili ko bago naisipang bumaba para kumain. Nakahawak ako sa likuran ng bewang ko dahil kumikirot talaga ang pasa ko ruon. Pagka pasok ko ng dining nabungaran ko ruon si Kuya Alex kasama nya Sina Hiro at Drake.
" Ayos ka na ba Alanis? Hayaan mo babawasan ko ng kagwapuhan ang shokoy mo. Ano? Papasalvage na ba Natin?" - seryosong saad ni Drake habang nakasalpak sa bunganga nya ang kinakain nyang spaghetti.
" Napaka gross mo talaga kahit kailan no?" - irap ko sakanya. At ang hudyo tinawanan lang ako kita ko pa ang ngala ngala nyang may spaghetti pa.
" Hindi mo sana pinatulan. Alam mong hindi nag papatalo ang isang Yun." - kumot ang noo ko sa sinabi no Hiro. Eh ano ang gusto nilang palabasin ngayon?.
" Alam mo na namang hindi basta bastang nagagalit ng sobra yun ng walang dahilan Diba?" - mahinahon na dagdag ni Hiro. Aba himala at hindi kabalbalan ang lumalabas sa bibig ng isang to. Pero hindi nila mababago ang isip ko sa ginawa ni Hide.
" Anong gusto nyong palabasin ngayon? May dahilan o wala mali parin ang bumogbog sya ng isang taong inosente. Kita nyo naman ang ginawa nya diba? Halos lantang gulay na yung lalaki pero wala man lang umawat sa kanya!" - galit kong sagot kay Hiro hinawakan naman ako ni Kuya Alex na kanina pang tahimik.
" Ganun na ba talaga kasama ang tingin mo Kay Hide? Na kasama mo rin sya nuon ah. Alam mong sutil ang isang yun. Pero hindi nya ugali ang bumogbog ng isang Tao ng walang dahilan." - Matapos magsalita ni Drake ay lumabas na sya ng dining. Nagulat pa ako dahil ngayon lang Napa walk out ang isang yun.
Kung hindi inosente ang lalaking binugbog ni Hide. Anong ginawa nya para magalit ng sobra si Hide?. Totoo rin kasi ang sinabi ni Drake. Kahit Satanista ang shokoy nayun. Hindi sya nanakit ng basta basta ng walang konkretong dahilan.
" Ano bang nangyari at ganun na lang galit nya sa lalaki nayun? - seryoso kong tanong kina Kuya. Nagkatinginan silang dalawa na parang walang balak sabihin sakin ang totoong nangyari.
" You better ask Hide. We shouldn't be the one telling you that. Baka kami ang isunod nyang bugbugin."- kalmadong sambit ni Kuya Alex.
" And you should apologize too." dagdag naman ni Hiro.
" What?! Ako na nga tong itinulak nya ako ma ang hihingi ng tawad?! Ako na nga tong nanakit ang likod?! Oh my God! I can't believe this! Masama ba na tinulongan ko yung lalaki? Kung hindi ako nakialam malamang kritikal na ang lagay nun! "- napakabasagulero naman kasi ang Hide nayun. At ang mga ito naman kinukunsinte pa.
" Hindi kita matutulak kong hindi ka nakialam!" - sabay sabay kaming napatingin sa lalaking naglalakad ng parang Hari papasok ng kusina. Masama ang tingin nya sa akin kaya sinamaaa ko rin sya tingin.
" Aba aba ang kapal ng mukha! Talagang may gana ka pang ipakita sakin ang pagmumukha mo kupal ka! What are you doing here? If you're thinking na mapapatawad kita sa ginawa mo. Please think again kahit lumuha ka pa ng dugo I won't forgive you!" - tumaas ata to the highest level ang kilay ko ng tinignan nya ako mula ulo hanggang baba. Iniinsulto ako ng tingin nayun!
" Ang lawak naman ata ng imagination mo? Sorry to burst your bubbles but I am Hide Escarcega and saying sorry to someone is not my cup of tea." - nakangisi nyang sagot. Ang kapal talaga ng mukha nya! Halos maiyak na ako sa harapan nila at ang mga walanghiya humagalpak sila ng tawa. At ang makapal na shokoy nayun may gana pang kumain ng spaghetti namin!
" Sis, likod mo ba talaga ang nabagok? Baka naman iyang ulo mo. Sumobra sa imagination!" - sa sobrang inis ko naibato ko ang hawak kong kutsara sa traydor kong kapatid. Lintek sya hindi man lang nya ako ipagtatangol sa lapastangan nyang kaibigan.
Inis akong nagmartsa palabas ng dining hall namin. Ang kakapal ng mga mukha nila! Nakakainis! Dumiretso ako sa garden at dun ko pinagdiskitahan ang mga halaman ni mama.
" Makapal pa sa kalyo ni Drake ang pagmumukha ng shokoy nayun! Sya ang gawing kong tsaa makita nya!" - na kalbo na ata ang Bermuda grass sa pang gigil ko sa anak ng dagat nayun.
" Likod mo ba ang nabagok o yang ulo mo? Mukha kang siraulo. Ah hindi lang mukhang siraulo. Siraulo ka talaga proven and tested nayun. "
Napangiwi ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Sa aming dalawa Mas mukha pa syang siraulo. Siraulong anak ng dagat.
" Eh ikaw kailan ka pa naging shokoy ? Ah shokoy ka naman talaga proven and tested nayun duh"- bawi kong sagot ginaya ko pa ang tono ng boses nya para feel na feel ang pang aasar ko sa kanya.
" I-I just wanna ask something." napatingin ako sa mukha nya ng bigla syang mag seryoso. Aba tignan mo nga naman kahit pala anak sya ng dagat may itsura parin pala. Pwede pala Yun? Shokoy na gwapo. At aba nga naman kailan pa nautal ang anak ng dagat na ito?
" What is it? Mag tanong ka na habang hindi pa nagbabago ang isip ko."- nakangisi kong sagot at ang linshak naman inirapan ako.
Pinagmasdan ko syang umupo ng patagilid sa harapan ko. Nakaside view sya kaya Malaya kong napagmamasdan ang seryoso nyang mukha. Napanguso ako dahil nakakainggit talaga ang perpekto nyang ilong. Napakatangos hiyang hiya ang maliit kong ilong.
" Kuhanan mo na lang kaya ako ng litrato? Nacoconcious ako pag may nakatitig sakin. - nanlaki ang napaka cute kong mata dahil sa sinabi ng shokoy nato.
" Ang kapal mo talaga no? Iniisip ko lang kung paano kita isasalvage kaya nakatingin ako sa nakakasura mong mukha Tse! - namumula ako ako inis at hiya sa lahat ba naman ng pagkakataon bakit pa nahuli nyang nakatitig ako sa panget nyang mukha.
" Did you open you locker?" - napaayos na ako ng upo ng mag seryoso na sya. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
" What about my locker?" - takang tanong ko. Sinamaan ulit nya ako ng tingin kaya pinanglakihan ko sya ng mata.
" Don't answer me with a question. I ask you first kaya sagutin mo." - masungit nyang sikmat. Ano bang ganap sa locker ko at mukhang life and death ang kaseryosohan ng isang to.
" Hindi pa, bakit? Anong meron sa locker ko?" - Nagtataka kong tanong. He smiled with relief kaya mas Pina ningkitan ko sya ng mata.
" That's good. Wag ka munang pumunta sa locker room. Akong bahala sa mga gamit mo ruon." - sobra akong Nagtataka sa inaakto ng isang to. Ano bang meron sa locker room at ayaw nya akong papasukin doon.
" You know that curiosity kills a cat so you better not go there or else.
" or else, what?" - taas kilay kong tanong.
Umakto sya ng parang gigilitan nya ako sa leeg kaya napangiwi ako. Isip Bata ang anak ng dagat. Maya Maya pa ay tumayo na sya at nagsimula ng mag lakad paalis. Habang ako ay naweweirduhang nakatanaw sa kanya. Umiwas ako ng tingin ng bigla syang tumigil at inilingon nya ang ulo habang nakatalikod parin.
" As I already said saying sorry is not my cup of tea but I'll make an exemption.
I'am not sorry for what I did to that asshat. He fuckin' deserve that good beating. What I am feeling sorry is that I pushed you earlier. I shouldn't done that. I'm really sorry Mikael. " -Pagkatapos ng medyo mahaba nyang speech agad syang umalis. Pansin ko pa ang namumula nyang tenga. Teka nahihiya Yun? Pfttt. Napangiti ako ng malawak habang pinagmamasdan ang mga halaman ni mama.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Aksi" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...