CHAPTER 7

3.3K 90 6
                                    

Detention

Matapos ang ka abnormalan na eksena ni Hide sa mall isang linggo na ang nakalipas ay nagtuloy-tuloy na ang kawalanghiyaan ng shokoy nayun. Akala ko hindi na aandar ang kasamaan ng ugali nya kaso pagpasok ko palang ng school gate kitang kita ko na ang kabalastugang ginagawa nya. May dalawang babaeng nasa magkabilang side nya habang akbay-akbay nya ang mga mukhang tiyanak nyang babae. Busy sya sa pagtritrip sa isang lalaking nakasalamin habang nakasabog sa hallway ang sangkaterbang papel.

"Are you really that blind? Hindi mo ba nakita ang nakakasilaw na kagwapuhan ni King at binangga mo sya?!" - matinis na boses ang umalingaw ngaw ang bumasag sa hallway.

Adelaide Chua ang tiyanak na patay na patay sa Hari nilang shokoy. At ang numero uno kong basher since tumapak ang magandang sika ako sa lupa ng Rockwell Academy.

And wait teka Tama ba ang nadinig ko? Nakakasilaw na kagwapuhan? Sino si Hidelson? Aka Hari ng shokoy? HAHAHAHA ang funny nya sa part nayun.

Nakakasilaw kasi masakit sya sa mata.

Tumaas ang kilay ko ng biglang tumingin sakin ng masama ang mga studyante.

" Kung bubulong Karin lang naman, make sura na sarili mo lang ang nakakarinig, stupid." - malamig na sambit ni Hide. Hindi ko sya sinagot kahit tinawag na naman nya akong stupid. Late nako at ayaw kong bulyawan ako ng bakla kong teacher. Umirap lang ako sa kanya, at nag lakad na papalayo sakanila.

Pagkapasok ko ng room ay agad akong umupo sa likurang bahagi ng room. It's a good thing dahil wala pa ang baklitang teacher namin sa math. Nangulambaba ako sa tabi ng bintana, mas gusto ko kasi sa pwestong ito dahil presko ang hangin at kitang kita ko ang soccer field. Duon kasi palaging nakatambay si Avicii ang captain Ball ng soccer team ng school.

Lihim ang pagkakagusto ko sa kanya ayaw kong ipalam sa kahit sino dahil nahihiya ako. Tsaka epal ang limang shokoy nayun baka isumbong ako Kay daddy, ako pa malagot.

Nanlaki ang mata ko ng mamataan ko sya habang hawak hawak nya ang Bola ng soccer. Shet napakapogi talaga nya. Hindi ko namalayan na nakangiti nako habang titig na titig sa kanya.

Miss Dela Vera?!

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang tumingin sa gawi ko agad kong hinablot ang kurtina at Yun ang pinangtakip ko sa mukha ko.

Shet na kakahiya, kamuntik na nya akong makita.

Miss Dela Vera! Are you with us?!

Sinilip ko ulit ang soccer field upang magnakaw pa ng isang tingin Kay Avicii napasimangot ako ng mapagtanto Kung wala na sya roon. Baka pumasok na sa klase nya.

MISS ALANIS DELA VERA! GET OUT OF MY CLASS NOW!!! - Napabalik ako sa wisyo ng lumagabog ang teacher's table. Agad akong lumingon ruon at napangiwi ako ng bumungad sakin ang panot na baklitang teacher namin sa math.

WHAT? TITINGIN KA NA LANG BA DYAN DELA VERA?! GET OUT OF MY CLASS AND GO TO THE DETENTION OFFICE! NOW NA MISS DELA VERA! - Napakamot ako sa ulo habang tumatayo. Alanganin akong ngumiti sa mga classmate kong pigil ang hininga dahil sa nag aalburotong bunbunan ng panot naming teacher.

Bago pa ako mabugahan ng apoy agad na akong lumabas ng room dala dala ang nag pack ko, at dumiretso na sa detention office. Pagka bukas ko ng pintuan na gulat pa ako dahil sa taong nakaupo sa sofa.

Anong ginagawa ni Avicii rito? Shet naman nakakahiya at sya pa ang nakakita sakin dito sa detention. Ano na lang ang iisipin nya? Na isa akong pasaway na studyante?

Hindi nga ba? Usig ng konsensya ko. Fine, pasaway ng medyo slight psh. Lumapit ako sa teacher na Naka assign dito sa detention room at kumuha ng slip ruon.

Taas kilay nitong iniabot ang slip at muntik ko na syang inirapan ayaw kong madagdagan ang parusa ko no. Pero Kung si Avicii lang naman ang makakasama ko rito ng tatlong oras, why not Diba? Landi ko na shet pag to nalaman ng limang shokoy lagot ako duon.

Umupo ako sa pangisahang sofa di ka layuan Kay Avicii pa simple ko syang sinusulyapan habang busy sya sa art book nyang hawak. Ito pa ang isang dahilan Kung bakit may lihim akong pagsinta Kay Avicii napaka galing nyang gumuhit.

Busy ako sa pag dedaydream ng padarag na bumukas ang pintuan ng detention room. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang mukha ni shokoy kapansin pansin ang putok nyang labi at ang maliit na sugat sa kanyang pisngi. Tsk pasaway na shokoy.

"Mr. Escarcega, mukhang madalas ang dalaw mo dito ah?" - masungit na wika ng gurong tagabantay. Ngumisi lang ng nakakaloko ang shokoy. Anubayan parang bilanggo ang peg ng shokoy nato eh.

" What are you staring at?!" - sikmat na tanong nya. Hindi ko pala namalayan na nakatunganga na ako sa harapan ng basagulerong shokoy nato.

" Am I staring at you? Kapal mo sa lagay na yan ha." - Sikmat ko rin pabalik. Dumikwatro sya sa harapan ko ng parang Hari. Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko sakanya. Pag talaga sya ang kausap ko ay nawawalan na ako ng poise.

" Am I talking to you? Kapal mo din sa lagay na yan ha. "- kunti na lang sasabog na ako sa inis. Talagang ginaya pa nya ang boses ko. Namumula na ako ng inis at hindi ko na napigilan ang sumigaw.

" Nakakainis ka kamo! Shokoy ka talaga kahit kailan no?! Ano bang ginagawa ng lamang dagat na katulad mo dito?! Shokoy ka Diba? Bumalik ka na sa kaharian mong nasa ilalim ng dagat!" - galit kong sigaw. Hindi ko na alintana kahit nakatingin na sakin si avicii at ang teacher.

" Ano rin ba ang ginagawa ng isang katulad mong lamang lupa dito? Engkanto ka diba? Ikaw ang bumalik sa kaharian mong nasa ilalim ng lupa! "- my blood boil in anger after hearing those annoying words from him. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Aatakihin ako sa puso ng dahil sa shokoy nato eh.

" Kapal ng mukha mo! Ikaw na Ata talaga ang Hari ng mga shokoy na may makapal ng mukha! Ako? Si Alanis Dela Vera? Tatawagin mo lang na Engkanto? Mukha ba akong lamang lupa ha? Eh ikaw itong Mas mukhang lamang lupa eh!" - sobrang Namumula na ako sa galit habang ang shokoy ay mukhang tuwang tuwa pa sa mga pang aasar nya. Nakangisi itong nakatingin sa akin.

" Eh ako ba? Si Hide Escarcega? Ang pinaka gwapo, pinakahumble at pinaka mabangong nilalang sa balat ng lupa at dagat? Isama mo narin ang hangin at apoy. Sa kamachohan ko lahat ng babae tinatangay ng hangin na dala dala ko. Sa sobrang hotness ko lahat ng babae napag iinit ko. Tapos tatawagin mo lang akong shokoy? Nasaan ang hustisya roon? Nasa akin na ang lahat, ikaw na lang ang kulang. "-

Taas kilay nitong sambit. Napakunot-noo pa ako dahil hindi ko naintindihan ang huli nyang sinabi dahil ibinulong nya lamang ito. Pero alam ko namang panglalait lang Yun. Mygadddd sya narin pala ang Hari ng mga self-centered at mga self-proclaimed feeling gwapo. Tsk.




ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon