CHAPTER 24

2.8K 83 9
                                    

CHASED

" Alanis Mikael Dela Vera! Walanghiya ka! Lumabas ka na dyan sa lungga mong linshak ka!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang namimilit na tinis na boses ni Stefano. Pakyo ang sakit nun sa tenga.
Tumayo ako upang silipin sila sa bintana.

"Ano ba?! Ke aga aga nambubulabog kayo ah?!" singhal ko rito. Tumawa lang ang mga linshak maliban Kay Isla na nakasalpak ang earphone sa tenga at nkaupo sa hood ng sasakyan.

"Gaga ka! Wag mong hintayin na ako pa ang pumunta dyan. Huhubaran talaga kita!" - agad akong nangilabot sa sinabi ni Stefano. Baklang to nakakakilabot ha.

"Hindi ka ba nahihindak dyan bakla? Tsaka what are you doing here ba kasi?! It's so early pa kaya! You're ruining my beauty sleep pa nga!" - maarte kong sigaw. Sinamaan nila ako ng tingin dahil sa conyo words na lumalabas sa letseng bibig ko.

" Isa pa Alanis! Tatangalan kita ng dila! " barumbadong sigaw ni Solenn.

Pagkatapos ng sigawan session namin ay agad na akong nag ayos ng sarili. Hindi na ako kumain ng breakfast dahil nagaalburoto na ang mga lintek.

Pagkasakay ko ng kotse isang malakasang batok ang Natanggap ko Kay Solenn na super Sama ang tingin sa akin. Inirapan ko lamang sya bago ako umayos ng upo.

" Kain muna tayo sa Lauriel's?" - nagsi iwas ng tingin Sina Solenn at Stefano ng mag ayang kumain si Isla. Tumawa ako ng mahina dahil paniguradong ayaw gumastos ng malaki ang dalawang ito. Ang yayaman pero mga kuripot.

"MY TREAT" - Madiin na dugtong ni Isla. Batid kong nagsipalakpakan ang mga tenga ng dalawang ito dahil napangiti sila ng malawak. Iba din kasi ang trip ni Isla mas trip nya sa mga fancy restaurant kumain dahil afford naman nya. Rich kid kasi Yan eh. Mahal talaga ang mga pagkain sa Lauriel ni tubig nga duon tumataginting na 150 pesos.

Wala pang kinse minutos at nakarating na kami sa Lauriel's. Agad na ipinark ni Stefano ang kotse at sabay sabay kaming umibis ng sasakyan. Nakakapit si Solenn sa kanang kamay habang Sina Isla at Stefano ay magkaakbay habang naglalakad. Kuu kahit na sino ang makakapansin sa kanila paniguradong mapagkakamalan silang mag jowa. Ang gwapo kasi ng baklang ito. Buti na nga lang daw ay hindi na sya ginugulo ni Violet pero ang tomboy na baklang ito ay palaging bukambibig si Violet. Tulad na nga lang ngayon.

" Grabe sis! Ang lintek na human color nayun anong karapatan ang meron sya at inisnab nya ako sa usapan namin nung last week? If I'm gonna see that annoying human color tatangalin ko lahat ang buhok nya sa kili kili!" - kitams? Galit na galit ang bakla. Hinopia pala sya sa date nilang dalawa.

" Luh? why are you sa galit ba? You must be thankful na lang dahil she's not bothering you anymore "- maarte kong sabat. Tumalim ang tingin nya sa akin ng nilingon nya ako.

" What?! I don't miss that annoying human color okay?! Over my dead and delicious body! Nevehhhhhh! "- Mas maarteng sagot nito. Humagalpak kaming tatlo dahil sa distorted na mukha ni Stefano hindi na kasi maipinta sa sobrang Sama ng mukha nya.

"Duh? We didn't say that you miss her. Ikaw na mismong nagsabi. You miss your human color Stefano." - sabat ni Isla habang nakangisi ng nakakaloko. Napatigil kaming dalawa ni Solenn at sabay na nagkatinginan.

Damn. Isla is in the mood right now.

Pagkapasok namin ng Lauriel bumungad sa amin ang napakaeleganteng interior design nito sa loob. Damn. Pang sosyal talaga ang datingan.

" Table for four. Vip room." - matipid ngunit may ngising sambit ni Isla. Lintek. Ano bang nakain ng isang to at ang ganda ng mood ng bugnuting ito.

"This way madame." - iginaya kami ng waitress sa isang close room. Wala pang limang minuto ay nakaserve na sa Mesa namin ang mga sosyal na pagkain na ni isa ay hindi ko alam ang pangalan. Damn. Kahit senador at lawyer ang mga magulang they never pampered us to this kind of lifestyle. Pinalaki nila kaming dalawa ni Alexander sa simpleng pamumuhay. Pero pag may special occasion ay nagcecelbrate din kami sa mga mamahaling lugar. Alexander has his own money na nakukuha nya sa pagmomodel kaya ang isang iyon ang palaging nasa Vip room ng mga high class resto.

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon