HADES SILVERO
Nakasimangot ako habang naglalakad at pilit na pinupunasan ang mga matsa ng pintura na dumikit sa aking damit at katawan. Ang walanghiyang shokoy na Yun akala ko ayos na kami. Kaso pagkapasok ko palang ng gate sinalubong na ako ng mga obsess nyang fans tapos sinabuyan ako ng pintura at ang walanghiyang lintek na stupid shit nasi Hidelson Escarcega ay tuwang tuwa pa. Akala ko talaga okay na kami kasi inihatid nya pa ako kahapon at nakikipagtawanan pa sa akin ang lintek na iyon tapos ganito ang ibubungad nya sa akin? Lintek lang ang walang ganti. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ako nakakaganti sa anak ng dagat na iyon.
" Yow Alanis! Astig mo kahapon kapatid tignan na lang natin kung makabuo pa ang mukhang tubol na Shades na iyon!" - napatingin ako Kay mahiro na biglang sumulpot sa kung saan habang subo subo nya ang paborito nyang lollipop.
" Kailan pa kita naging kapatid? "- pairap kong sambit rito.
.
" And stop giving names to others okay? Pari ka ba? Nambubunyag ka ng pangalan dyan eh." - sumimangot naman ang lintek habang pinapalobo nya ang mga pisngi nya." Ikinacute mo ba yan half half? Para kang tubol na hindi mapatae"- pang iinis ko pa sa kanya. Tumingin naman ito sa akin na nanlalaki ang mga singkit nyang mata.
" Luh edi parehas pala tayong pari. Nambubunyag kadin ng pangalan eh! At tsaka mas mukhang tubol ang Shades este Hades Silvero nayun kesa sa akin ah. Sa pogi kong ito? Tatawagin mo lang na tubol? Aba Alanis hindi ko naman ata deserve iyon!" - madrama nyang pahayag at imbes na pakinggan ang ka alienan ni Mahiro Park ay iniwan ko na sya ruon.
" Hoy! Teka lang Alanis! Don't leave me here! Gagahasain ako ng mga mukhang tubol na ito! "- nilingon ko sya at halos humagalpak na ako ng tawa ng makitang halos lumambitin na ang mga fans nya sa kanya.
" Enjoyin mo na lang Half half! Gustong gusto mo din naman nyan! - rinig na rinig ko pa ang pagmamakaawa nya sa akin pero hindi ko na sya nilingon. Bahagyang nanlaki ang mga kyot kong mata ng makita kong paparating na ang teacher namin sa Physical Science. Kasing bilis ng kidlat ang pagpasok ko sa loob ng room dahil ayaw kong ako na naman ang pagdiskitahan ng baklitang panot na teacher namin.
" Andyan na ang baklang tikling!" - nagsiupuan na kaming lahat ng marinig ang sinabi ni Leila. Pigil lahat ang hininga namin dahil sa takot na pagdiskitahan ng malditang tikling na ito.
" Ewan ko ba dyan kay Sir Fernando core subject lang naman pero napakastrikto daig pa ang major subject kaloka ha!" - siniko ko si Solenn dahil ang lakas ng boses nya. Bumukas na ang pintuan at bumungad ruon ang nakakatakot na mukha ni Sir Fernando. Ang kilay nyang napakanipis ang pamatay nyang eyeliner at blush on samahan mo pa ng napapanot nyang ulo at ang lipstick nyang pulampula. Rinig na rinig ko ang impit na tawa ng mga kaklase ko lalo na ang dalawa kong katabi na si Solenn at Stefano.
" Sis feel na feel nya talaga ang pamatay nyang make up ha?" - pigil na tawa ni Solenn.
" Para syang tikling na binudburan ng harina!" - hindi ko na napigilan ang tawa ko at humagalpak na ako ng tawa. Nagsitinginan ang mga kaklase ko at kunti na lang ay tatawa narin sila. Pulang pula na ang mukha ni Sir Fernando at kulang na lang ay sasabog na sya sa galit.
" Omg! I'm sorry Sir Fernando! It's just that owemgiee! I can't take this anymore hahahaha!" - maluha luha na ako sa pagtawa gayun din ang mga kaklase kong nagpipigil ng tawa. Nagulat kaming lahat ng lumagapak ang mga kamay ni Sir Fernando sa lamesa nya.
" I can't take this anymore too Miss Dela Vera! Get out of my class! Now! Miss Dela Vera!" - napatingin ang lahat sa akin ng may pagdadalamhati dahil sa sinapit ko mula sa mga kamay ni Sir Fernando. I have no choice but to stand up and gather my things. Tinignan ko sila Solenn para humingi ng tulong pero ang mga lintek ay nagsiiwas ng tingin habang nagpipigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Azione" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...