CHAPTER 4

3.7K 90 0
                                    

Ang peace offering

Nagdirestso ako sa cafeteria dahil bigla akong na gutom. Na stress ako sa mga shokoy nayun. Papasok pa lang ako ng cafeteria pero rinig na rinig ko na ang nagtitiling si Stefano mukhang nakabingwit na naman ang bakla.

"jusko day! Hindi ko Keribels ang namumutok nyang pandesal! Ang gwapo nya eh! - Patawa- tawa naman Sina solenn at isla sa kagagahan ni Stefano. Nagawi ang tingin ni isla sakin Kaya nginuso nya ako napatingin sakin si Stefano.

" jusko Alanis! San ka ba nagsusuot ha? May bago akong fafa na na meet sa Paris! Sagana sa pandesal day! - ngumiwi lang ako sa kanya habang ang dalawa ay tumawa ulit dahil sa reaction ko.

" Hindi ka ba mag kaka aids nyan Stefano? " - nakangisi kong tanong at halos manlaki naman ang butas ng ilong nya.

" Gaga ka talaga! It's steffie, not Stefano! You bitch! - humalakhak lang kami ayaw na ayaw kasing tinatawag sa pangalan nyang Stefano. Hindi nako tumayo para kumuha ng pagkain marami namang pagkain sa mesa.

" San ka ba nang galing Alanis?" - takang tanong ni isla habang kinakalikot na naman ang napaka kapal nyang libro.

"Sa classroom ng section ten." - bored kong sagot habang sila naman ay halos manlaki ang mata sa gulat.

" What?! Are you crazy?! Kahit anduon yung kapatid mo, alam mong mga kapwa nya siraulo yang mga peste nyang kaklase! Delikado ang pag punta mo duon! - histerikal na sagot ni isla,napatawa naman ako ng mahina dahil nang gigil syang nakatingin sa libro nya. Aso't Pusa kasi sila ng kapatid ko hindi sila magkasundo at palaging nag aaway.

" Chill ka lang isla, buo pa naman akong Nakarating dito." - nakangisi kong sagot.

" narinig mo Yun? At talagang pumunta pa sya sa classroom nila King? My God! Naniniwala na talaga akong nilalandi nya si King Hide!" -

Napa tingin kaming apat sa lapastangan nayon. Ano? Big deal na naman ba ang pag Punta ko duon? Tsk.

" Naniniwala Karin ba na pag hindi ka pa tatahimik dyan, masusuntok kita. " - gigil kong bulyaw sa chaka doll nayun. Mukhang natakot naman kaya tumalikod na ito.

" Ang brutal talaga ng kapatid mo Alex, babae ba talaga to? baka naman bakla tong kapatid mo kapal ng make up eh, di bagay. "- halos umusok ang bunbunan ko ng marinig ko ang nakakainis na boses ni Haring shokoy. Rinig ko pang nagtawanan ang mga walang hiya nangibabaw ang boses ng walang hiya kong kapatid hindi man lang ako pinagtanggol.

" Ikaw walanghiya ka talagang shokoy ka! First of all kailangan ko pa bang isampal ang birth certificate ko sayo ha?! Pangalawa, hindi ako bakla I have a vagina you brute! At pangatlo, hindi makapal ang make up ko! This is what you call natural make up! Pang apat, walang hiya ka talagang shokoy ka! "- halos lahat Ata ng nasa cafeteria ay nakatingin sakin linshak naman ako yung tipo ng Tao na hindi madalas mapikon pero sa tuwing nakikita't nakakausap ko ang linshak na Hari ng shokoy ay nawawalan ako ng kontrol sa sarili.

" At ikaw naman Alexander! Isa ka pa lintek ka! Hindi mo man lang ako ipagtatangol ha?! Hahayaan mong apihin ako ng walanghiya nyong Hari ng shokoy?! - at ang walang hiya kong kapatid nakangisi lang ito sakin mukhang siyang siya sila sa pagwawala ko. Hinawakan na ako ni Stefano alam nilang masusuntok ko na talaga sa galit ang lintek nilang Hari.

" Alanis bebe chill ka lang, ang wrinkles bebe dadami." - constipated na bulong sakin ni Stefano kasi biglang sumama ang tingin ng haring shokoy sa kanya.

At dahil ayokong madagdagan na naman ang issue ko pilit kong kina kalma ang sarili ko kahit na nanginginig pa ako sa Inis. Na pansin ko ang hawak hawak na box ni Hide nakabalot ito sa pulang gift wrap. Pansin ko rin na nagpipigil ng tawa ang mga linshak nyang tropa Kaya Mas lalo pang nadagdagan ang Inis ko. Sa ganyanang reaction ng mga ito alam kong may kalokohan na naman silang gagawin na papangunahan ng lintek nilang Hari Nasi Hide Montenegro

Nabigla pa ako ng biglang sinalampak ni Hide ang regalong hawak nya sakin.
"Tsk. Dakdakera ka talaga no? Ayan peace offering ko sayo." - taas kilay nyang sambit. Tumalikod na ito saakin at naglakad papalapit sa usual spot nila sa cafeteria ng maupo sya duon ay bigla itong nagdikwatro papaharap sakin habang nakataas ang kilay.

Inis akong bumalik sa pagkakaupo habang nakatingin parin ako ng masama sa Hari ng mga shokoy na nasa di ka layuan sakin. Pinagpiyestahan naman nilang tatlo ang peace offering kuno ni hide.

" Sis mukhang mamahalin ang peace offering sayo ni hide! Medyo mabigat day!" - ngingising sambit ni Stefano.

" Ano kayang nakain ng magaling kong pinsan at binigyan ka nyan. Eh sa dami ng kabalastugan nyang ginawa sayo never naman syang nag sorry sayo" - nagtataka at nagdududang tanong ni solenn.

"Aba Malay ko sa shokoy nayan."- tamad kong inabot ang regalo at dahan dahan ko itong binuksan. Kahit ako eh nagdududa sa regalo itong. Wala akong pakialam kahit halos lahat ng studyante ay nakatingin sakin. Mukhang nag aabang sila Kung ano itong pecae offering ng tinitingala nilang Hari madami pa ang nakatingin sakin ng masama at halatang naiingit nangunguna na roon yung babaeng patay na patay sa Hari nayun.

Ng tuluyan ko ng mabuksan ang peace offering nayun halos kaming lahat sa cafeteria ay napasinghap maliban sa mga shokoy na may pakana nito. I SWEAR I'M GONNA KILL THAT FREAKING BRUTE! WALANGHIYA SYA!

" LINTEK KA TALAGA KAHIT KAILAN HIDE! AHHH!" - galit na galit akong tumayo at sinugod ko sya pilit akong inilalayo nila solenn sa lintek nyang pinsan galit na galit ako Kaya hindi ako nagpaawat. Rinig na Rinig ko ang mala demonyong halakhak ng mga shokoy Kaya Mas lalo akong nangigil.

" Do you like my gift? It really suits you wearing that hello kitty pink bra, so I bought you some" - tuwang tuwa pa nyang sabi halos mapaiyak nako sa sobrang Inis at ang lintek kong kapatid wala man lang pakialam. Hindi ako nag paawat sa pagpipigil nila Kaya dumiretso ang kamao ko sa sinasamba nilang Hari. Ang lintek na bad boy at Hari ng Rockwell ay nagdudugo ang ilong dahil sa ginawa kong panununtok. Lahat sila ay tumahimik at walang nagtangkang gumawa ng ingay nangingibabaw ang paghikbi ko kaya linapitan nako ng lintek kong kapatid na hindi Makatingin sakin ng maayos.

Iwinaksi ko lang ang kamay ni Alexander at binalingan ng masamang tingin ang Hari ng mga shokoy na mukhang na speechless na sa ginawa ko nakatulala lang ito sa mukha ko hindi nya pinapansin ang ilong nyang nagdudugo. Sa sobrang inis ay nag walk out na ako papalabas ng cafeteria.

Ang lapastangan nayon, peace offering nya bra? Lintek talaga kahit kailan walang hiya ka Hidelson Escarcega ang baho ng pangalan mo !



ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon