It's already 2am in the morning pero ang katawang lupa ko ay buhay na buhay pa. Inis akong tumayo ng kama at dumiretso sa veranda ng kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Una ang dahilan ni Hide Kung bakit nya binugbog iyong lalaki kanina. Pangalawa ay Kung anong meron sa locker ko at ayaw nya akong papuntahin duon at pangatlo ay ang lintek na pag sorry ni Hide sakin kanina.
Nagpapadyak ako habang sinasabunutan ang sarili. Nakakainis naman! Gustong gusto ko nang pumasok sa school at ng malaman ko na kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan ni Hide at duon sa lalaki. Pati narin ang peste kong locker! Baka naman ginogoodtime ako ng shokoy nayun! Aish nakakastress! Gusto ko nating matulog at ng makapag beauty rest nako but my stupid brain just won't cooperate.
" Kita mo nga naman totoo pala na sa mga oras na to ang labasan ng mga engkanto." - napapitlag ako sa gulat dahil sa shokoy na biglang nagsalita. Agad kong sinamaan ng matanaw ko syang nakatayo rin sa veranda ng kwarto nya.
" Aba ang ganda ko naman atang engkanto."- nakairap kong sagot sa kanya. Tsk. Kaya minsan ayaw kong tumambay dito dahil magkatapat lang ang kwarto namin ng shokoy nato.
" And mas mukha ka pang engkanto kesa sa ating dalawa. Para kang kapre eh ang laki mo tas may hawak ka pang sigarilyo. Dapat nag tabacoo ka na lang para bet na bet mo ang pag ka kapre. Hala! Pwede pala Yun? Shokoy na kapre pa!"- natatawa kong sagot sa kanya. Tsk kahit kailan sunog baga din ang isang to. Ilang saglit lang ay itinapon na nya ang hawak nyang yosi. Umupo sya patalikod sa pasimono ng veranda nya. Bale ang likod nya lang ang nakikita ko ngayon.
" Mahulog ka dyan. Buti sana dagat ang babagsakan mo eh lupa ang nandyan. Hindi pwede ang mga shokoy dyan" - narinig kong napatawa sya ng mahina pero hindi parin sya bumababa. Hindi ko na naman namalayan na nakatitig ako sa malapad nyang likod. Yung mapapasabi ka na lang ng " likod pa lang ulam na" agad kong iwinaksi ang taksil na isip nayun. Magkakasala ata ako ng maaga ng dahil sa isang to.
" Tsk. Just take a picture than staring at me. Sabi ng nacoconciuos ako." - inambahan ko sya ng suntok kahit hindi nya nakikita ang lakas rin kasi minsan ng imagination ng isang to eh.
" Ang gwapo mo ha." - sarcastic kong pasaring sa kanya. Nangalumbaba ako sa veranda habang nakatingin sa buwan. Huminga ako ng malalim bago ako nagtanong sa kanya.
" Ano ba talaga ang nangyari?" - malumanay kong tanong sa kanya.
" Huh? Anong nangyari? "- napairap ako sa isinagot nya. If I know nag mamaang maangan lang ang shokoy nato.
"Don't ask me with a question. Ako ang naunang nagtanong kaya sagutin mo."-pang gagaya ko sa isinagot nya kanina sakin sa garden.
" Sa lalaki kanina bakit mo sya sinaktan?" - tanong ko ulit sa kanya. Napabuntong hininga sya bago bumaba at humarap sa akin.
" it's between me and him you don't need to know that"- malamig na sagot nya. Pakyu ka shokoy! Mas Lalo mo lang pinapagulo ang utak ko.
" Then how about my locker? Bakit ayaw mo akong papuntahin ruon? - Mas lalong lumamig ang paligid dahil pasado alas dos na ng madaling araw at pati na rin ang tingin nya sa akin mas lalong lumamig. Nag lakad sya papalapit sa pintuan ng veranda nya. Agad din syang tumigil at tumingin sakin ng napakalamig.
" Remember what I said earlier? Don't let curiousity kill the cat. I'm warning you Mikael. Alam kong pupuntahan mo ang locker mo bukas. But sadly I have eyes everywhere and you can't go there unless I say so.".
Bago pa ako makabuo ng sasabihin ko napaigtad na ako sa lakas ng pagkakasara ng pintuan nya. Galit na sya sa lagay nayun? Wala nga akong kinalaman sa pagitan nila ng lalaking yun so I won't meddle with them. Ang sakin lang naman ngayon ay I have the rights to know Kung anong meron sa locker ko at bakit ayaw nya akong papuntahin sa locker room. Binantaan pa ako ng lintek nayon akala naman nya masisindak ako. Hanggat involve ako sa isang bagay alam naman nya na hindi ako titigil hanggat hindi ko na kukuha ang sagot sa lahat ng katanungan ko.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Action" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...