CHAPTER 30

2.4K 68 9
                                    


NEXT TARGET

It's been a week pero malamig parin ang pakitutungo sa akin ng kapatid ko. Nagdadabog siya sa harapan ko habang kumakain kami. Masama rin ang tingin niya sa akin kaya halos hindi ko na malunok ng maayos ang kinakain ko.

" I'm done. Kung gusto mong sumabay bilisan mong kumain." - malamig na sambit niya. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad na akong tumayo upang sundan ang Kuya ko.

" You will stick with us from now on. Throw the fucking note and don't let Hide know about that stupid note. " malamig nitong sambit ng makaupo ako ng maayos sa loob ng sasakyan.

" Paano kung may gawin sa akin ang sender ng note?" - malumanay kong tanong. Huminga muna ito ng malalim bago bumaling sa akin.

" You'll stick with us. "- matipid nitong sagot. Hindi na ako sumagot hanggang sa makarating kami sa academy ay wala kaming imikan na dalawa. Agad syang bumaba ng sasakyan at nauna ng naglakad. Nakayuko ako habang naglalakad dahil hindi maganda sa pakiramdam na galit sa akin si Alexander.

Palabiro at palaging nakangiti ang kapatid ko ngunit kakaiba siya kung magalit. Yung tipong mag evolve siya ka tulad ni Hide. Malamig at seryoso na nakakatakot.
At dahil sa Nakayuko akong naglalakad ay hindi ko na nakita ang makakasalubong ko ramdam ko na lang na tumilapon na ako sa sahig at ang sakit nun sa pwet.

" Tsk. You're really stupid as ever." - agad na nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang napaka pamilyar na boses ni Hide. Wah! Ang anak ng shokoy! Sa wakas narinig ko na ulit ang boses ng shokoy na ito. It's been a week since the last time I saw him ewan ko kung saan nagsuot ang shokoy na ito eh. At Yun nga kumakalampag ng sobrang bilis si Heart dahil sa kanya.

" Uupo ka na lang Dyan? Might as well magbunot ka muna dyan para naman maysilbi ka." - pero agad ding nag init ang ulo ko dahil sa nakakabwiset na mukha niya ngayon. Nakangisi pa ito sa akin habang nakasaksak ang kaliwang kamay niya sa slacks niya at ang kanan naman ay nakahawak ng Chupachups na lollipop habang nakasubo ito sa bibig niya.

Damn. I want to be the lollipop!

Hala! Tangina naman at kailan pa ako naging pervert ha?! Agad kung binura ang mga hindi kanais nais na pumapasok sa utak ko at agad na akong tumayo bago ko pa tadyakan ang anak ng dagat na ito.

" Don't call me stupid! Shokoy ka talaga!" - nakaasik kong sigaw sa kanya nailapit ko pa ang mukha ko sa kanya kaya ang lintek itinulak niya ang noo ko gamit ang daliri niya kaya napaatras ako mula sa kanya.

" Too close. Nanggaling ka sa lupa. I don't want germs. "- nandidiri nyang tugon. Halos sapakin ko na sya sa inis! Grabe! Napaka arte niya talaga kahit kailan! Siya lang talaga ang kilala kong lalaki na halos lahat ay pandirihan niya maliban na lang sa mga babae niya. Babaero nga ang shokoy na ito pero mga mukha namang bisugo ang mga tipo niya.

" Alam mo? Nakakainis ka na talaga! Kahit lawayan pa kita ay wala kang makukuhang germs mula sa akin! Kasi diba? Madamot ako kaya I don't share even my germs! Diyan ka na nga! Tse!" - sa sobrang inis ko ay napawalk out ako. Letse sya walang araw talaga na hindi kumukulo ang dugo ko sa shokoy na iyon. Mas mabuting matulog na lang siya kasi dun lang talaga syang nagmumukhang anghel.

Dumiretso na ako sa klase Matapos ang walk out session ko sa monggoloid na shokoy na iyon. Luckily wala pa ang masungit na baklang panot naming teacher. And as usual umalingaw ngaw ang mga boses Nina Solenn at Stefano na parehong officer sa loob ng room pero mga pasimuno sa mga kalokohan at si Isla naman na ka harap ulit ang mga libro nyang nagkakapalan habang nakasalpak ang ear buds niya sa tenga.

" YOWN! ALANIS! DITO KA FRIEND! WE HAVE SOMETHING FOR YOU!

" YIE! SANA ALL MAY LOVE LETTER! HAHAHAHAHAHAHA! "

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon