It's been a month since the incident happened. Nakick out sa school si Alvarez with no name ng hindi ko man lang naputulan ng bayag. The day after the incident nabalitaan na lang namin na nasa hospital si Alvarez habang bugbog sarado ang buong katawan. Lahat ay nagtataka kung sino ang may gawa nun sa kanya. Wala rin atang kamalay-malay ang mga studyante tungkol sa nangyari sa akin. Mas mabuti nang wala silang alam para naman matahimik ang buhay ko sa mga basher ko. Ay! PEYMUS KA GIRL?
At heto kami ngayon puspusan ang pag-aaral ng mga notes namin dahil nalalapit na ang exam. Busy si Solenn sa pag rewrite ng mga notes. Tamad kasing magsulat ang isang yan. Si Isla naman ay as usual katapat na naman ang makapal nyang libro. Habang si Stefano nagsosolve sa isang scratch paper. Seryosong-seryoso ang bakla sa ginagawa nya nag mumukha syang tunay na maton pag nagseseryoso ang isang to.
Nako kung hindi lang lalaki ang hanap nito baka matagal ko na syang pinikot. Ang gwapo kasi ng baklang ito at sa sobrang gwapo nya may fans club pa sya na ang president ay yung si Viloet na patay na patay sa kanya. Napangisi ako dahil sa biglang pumasok sa utak ko.
" Ano na namang kagaguhan ang iniisip mo at ngingisi-ngisi ka dyan? Nako Alanis ha! Siguraduhin mong hindi ka ulit makukutsilyo dyan! Ka tingin ka pa sakin. Pinagnanasahan mo na naman ba ako? Ang ewww mo talaga sister ha! " - Mas lalo akong napangisi ng malawak dahil sa ekspresyon nya. Mas sumiksik ako sa tabi nya at inakbayan ko sya para mas lalo syang mapagtripan. Tumili ang bakla kaya napatingin ng masama saamin ang librarian at ang mga studyante sa loob ng library.
" OH my God! Help! Minamanyak ako ng babaeng to! Nasisira ang puri ko huhuhuhu!" - humagalpak kami ng tawa dahil sa pandidiring nakaplastar sa mukha ni Stefano.
" May puri ka? Weh? Sure? Patingin nga!" - pang-aasar ni Isla. Minsan kahit tahimik ang isang to may mga times parin talagang lumalabas ang mapang-asar na side nya. Mas lalong sumama ang mukha nya ng makitang naglalakad papalapit si Violet.
" O-to the-M-to the-G! Omaygulay! Stefano baby boy! Owemgieee! I miss you na talaga baby boy! Oh my God! I saw your photo sa IG kagabi and you are so damn gwapo talaga baby boy!" - napatawa na ako ng malakas dahil biglang tumayo si Stefano at dinuro si Violet na nakatingin sa kanya. Kulang na lang talaga maging puso na ang mga mata nya eh.
" O-to the-M and to the-G Karin! You are so nakakadiri! Tigilan mo na ako babaeng color violet! - inis na sikmat ni Stefano bago pa makapag-Salita si Violet ng biglang umalingawngaw ang matinis na boses sa loob ng library.
" O-TO THE-M- AND TO THE - G! MGA WALANGHIYA KAYONG MGA BATA KAYO! GET OUT OF HERE NOW!- nagkukumahog kaming lahat sa pagpulot ng mga gamit bago pa kami bugahan ng matandang dalagang librarian namin.
" This is you fault Alanis! Langhiya ka talaga kahit kailan! - sinamaan ako ng tingin ng Stefano kaso imbes na matakot mas lalo pa akong humalakhak.
" Alanis you freak! That's my first time being kick out of that place! - histerikal na sambit ni Isla. Kuuu ang anghel nato masyadong hindi ineenjoy ang buhay eh.
" Isla sister hindi mo Mae-enjoy ang senior high school life Natin pag hindi mo mararanasan ang mapalabas sa library. Loosen up girl! - natatawang sagot ko sakanya. Sumimangot lang sya pero mababakas ang tuwa sa mga mata nya.
" Omygawdddd! Stefano! Next time want ko ulit makick out ng library Ibang reason nga lang. I want us to be caught making out! That must be fun right baby boy?!" - inis na nagpapadyak si Stefano sa harap ng library. Nakasabunot pa sya sa buhok nya na parang nanakit ang ulo sa kunsimisyon.
" Duh babaeng kulay violet! Kung mapapalabas man ulit ako ng library gusto ko ang dahilan ay ang pag salvage sayo! Tsaka why are you here ba?" - namewang sya habang nakatingin ng masama Kay violet. Agad akong nagtago sa likuran ni solenn ng itinuro ako ni violet. Aish ang babaeng to! Sya na nga tinutulongan ako pa ang ilalaglag! Hindi ko na talaga sya irereto sa baklitang ito.
" Alanis Dela Vera! Walanghiya kang babae ka! Stop being a matchmaker hindi ka kupido Gaga ka! - napalunok ako ng dahan dahan dahil kulang nalang ay may lumabas ng usok sa ilong ni Stefano. Bago pa syang makalapit sa akin agad na akong kumaripas ng takbo papalayo ng library habang humahagalpak ng tawa.
Papaliko na sana ako ng hallway malapit sa CR ng girls ng bigla akong napaupo sa sahig dahil sa taong nakabangga ko. Nagkalat ang laman ng isang sketchbook na puno ng drawings. Napatitig ako sa isang sketch mukha ito ng isang babae pero hindi pa ito natatapos. Pupulutin ko na sana ito ng biglang may kumuha na nuon. Napakunot-noo pa ako dahil pamilyar sa akin ang babaeng na nasa sketch.
Pagkaangat ko ng ulo para tignan Kung sino ang nakabangaan ko agad din akong yumuko at mahinang kinaltok ang noo ko.
My God Alanis! Sa pangalawang pagkakataon ang kaepican ko na naman ang nakita ni Avicii. Okay puso kalma lang si Avicii Buentura lang yan yung crush mo kaya pakiusap wag ka sanang mag malfunction." You should be careful" - nag-angat ulit ako ng tingin ng bigla syang magsalita. Sasagot sana ako kaso napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang sa sabihin ko. Lintek boses pa lang ulam na! Lihim akong napabungisngis dahil sa naiisip ko.
" Miss are you okay?" - akmang uupo na sya harapan ko kaya tumayo na ako na agad ko ring pinagsisihan dahil lumagatok ang buto ko sa likod. Damn! Ang sakit ng likod ko. Bakit itong likod ko na lang palagi ang nasasaktan ha? Inaano kayo ng likod ko at paglagi nyong inaapi? Huhuhuhu!
" Ahmmm I'm okay! Ano! HAHAHAHA I'm okay! Hehehehehe una na ako! Bye!" - kahit masakit ang likod ko pinilit kong tumakbo papalayo Kay Avicii. Nak ng neneng kasi sa lahat ba naman ng pwede kong makabanggahan ay sya pa talaga.
Nang makakita ako ng magandang spot malapit sa soccer field agad akong umupo duon para magpahinga. Grabehan ang hingal ko dahil sa layo ba naman ng tinakbo ko. Pinagtitinginan pa ako kanina pero wapakels ako sa kanila. Siguro pag andito ang kapatid ko at nakikita nya akong nakangiti ng mag-isa siguradong kinaltukan na ako nun.
" You know that smiling is good but smiling without any reason is not good. Mukha kang baliw dyan" - nanlaki ang mata ko dahil may biglang nagsalita. Tumingin ako sa paligid ko pero wala namang katao-tao rito sa sa field maliban sa akin dahil class hour palang ngayon.
" Nako kaya ka palaging sinasabihan ni King ng stupid eh. Sa taas mo Alanis" - ng marinig ko ang pamilayar na boses ni Drake ay agad akong tumingala sa taas ng punong nasa tabi ng bench.
" Tsk. Anong ginagawa mo dyan? Nag cutting ka naman sumbong kita sa tatay mo eh" - tumawa lang sya sa akin bago tumalon pababa ng puno.
" ikaw anong ginagawa mo dito? Nag cutting class ka? Sumbong kita sa tatay mo eh! - pangagaya nya sa akin. Umupo sya sa tabi sabay dumikwatro ng parang Hari. Magpinsan talaga sila ni Hide parehas ang ugali eh parehas na barumbado ang kilos.
" Nga pala malapit na birthday ko Punta ka ha?! - napatakip ako sa tenga dahil ang lakas ng boses ni Drake.
" Ano ba?! Bingi ba ako?! Nasa kabilang bundok ba ako at kailangan mong sumigaw?! Oo pupunta ako! - sigaw kong pabalik sa kanya. Tumawa lang ako ng malakas ng bigla syang sumimangot.
Parehas kaming napalayo sa isa't isa dahil sa walanghiyang bumuhos sa amin ng tubig. Langhiya naman! Basang nasa na ako! Agad akong tumayo para sugurin ang walanghiyang salarin ng may biglang bumuhos ulit sa amin ng tubig.
" Ahhh! Dude kalma lang! I am not doing anything! Wuyyyy! Insan kasi! Kung lalambingin mo pala ako mas gusto ko na lang yung flying shoes kesa dito sa flying water mo! Dude Tama na may bumabakat na sa akin!" - tumabi ako malapit sa puno para hindi mahagip ng tubig na nangagaling sa hose na hawak ni Hide.
Humahagalpak ng tawa Sina Zach Mahiro at Kuya Alex sa ginagawa ni Hide Kay Drake." Tangina mo Drake! Gago Hahaha! Now I know na nakakalibog na pala ngayon ang pagtalsik ng tubig sa hose!" - napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ng mapansin nyang masama ang titig ko sakanya ay napaubo naman sya bago itinikom ang bunganga.
" Walang pwedeng humati sa pag-aari ng Hari. Remember that Drake. "- malamig na sambit ni Hide bago itinigil ang pang bibigay ng free shower sa pinsan nyang bakulaw.
Bago umalis ang Haring shokoy ay hinubad nya muna ang coat nya at inisuot sa akin. Masama din ang titig nya sa akin kaya hindi na ako nagtangkang magsalita. Ang lakas din kasi ng saltik ng isang to nangbabasa nalang kahit wala akong ginawang kasalanan. Dati pa nyang gawain ang pagbuhos ng tubig sa amin lalong Lalo na pag nababadtrip sya eh wala naman kaming ginawa ni Drakee para mabadtrip ang shokoy nato.
Hay weird talaga ng haring shokoy.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Action" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...