CHAPTER 11

3.2K 112 1
                                    

Humihikbi ako habang buhat buhat ako ni Hide. Pinagtitinginan kami ng mga studyante pero wala rin atang paki alam si Hide. Diretso lang syang naglalakad habang blanko ang mukha. Pansin kong paakyat kaming dalawa sa rooftop. Imbes na makipag talo pa sa kanya pinili ko na lamang ang manahimik dahil hindi ko rin naman alam ang aking sa sabihin.

Pagkarating naming dalawa sa rooftop agad nya akong ibinaba sa sofa. Marahil nagtataka kayo Kung bakit may sofa sa rooftop. Yun ay dahil teritoryo nila Hide ang rooftop ng school maliban pa sa building nilang section 10. Hindi ito normal na rooftop dahil napakaganda ng paligid dito. May sala at TV set sa pinakagitna. May billiard sa kaliwang gilid at sa kanan naman ay ang Kusina at isang mini bar design na space.

" I already told you that you stay away from that place. Why won't you listen to me?"- malamig nyang saad. Napatikom ako ng bibig dahil nahihiya ako sa kanya. Kahit naman na sabihin kong hindi ko sinasadya ang magawi ruon ay paniguradong hindi sya maniniwala sa akin.

Hindi ko na sya nasagot dahil nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Nagtataka ako ng sobra dahil sa nangyari sa akin. It was obvious na may gustong saktan ako. Ganun na lang ba ang galit ng taong yun sa akin at ginamitan nya ako ng dahas ? Papaanong may bumulosok na kutsilyo sa akin ng ganun kabilis? Walang ni isang Tao sa loob ng locker room at sa bilis ng kutsilyo sadyang ibinato sa akin iyon. Kung wala si Hide siguradong ulo ko ang tatamaan ng kutsilyo nayun. Maliban sa mga obsess na fans ng Lima nato wala na akong maisip pa na kaaway ko. Hanggang parinig lang sila sa akin dahil hindi nila ako pwedeng saktan ng pisikal.

Alangan naman na si Adelaide Chua? Alam kong may galit ang isang yun sa akin pero sa sobrang arte nya ni ang pag hawak ng mga bagay na hindi kaaya sa paningin ay pinandidirihan nya at higit sa lahat duwag ang babaeng yun.

" Tsk. Nakarating kana ba sa mga mundo ng mga engkanto sa lalim ng iniisip mo?" - napalingon ako kay Hide na nakatingin ng masama sa akin ngayon habang ako naman ay napangiwi sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

" Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin. " - mahinahon kong sambit. Sya rin ngayon ang napahinga ng malalim habang serysosong nakatingin sa malayo.

" You shouldn't go there in the place. You should learn to listen sometimes. You can't just do anything you want when you are curious. " - I know that he is mad at me right now pero pinili nyang makipag usap sakin ng maayos. Napangiti ako ng maliit dahil sa kanya.

" Why did you know na pwde akong mapahamak pag pumasok ako sa locker? Honestly its been a been a week since the last time that I check my locker." - mahinahon kong tanong sa kanya.

" I shouldn't telling you this, but you remember that asshole? The asshole that I beat the shit out of him. He's from section 9. I think you already know that we are rivals. Since Alex is in my group and you are his sister. They plan to get even by hurting you. "- malamig syang nakatingin sa akin. Ng marealize ko ang sinabi nya na guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya nuong binugbog nya yung lalaki sa cafeteria. Napaiwas ako ng tingin habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. Nyemas naman nakakaguilty.

He was just trying to protect me but I easily judge him. At ang lintek na lalaki nayun hindi ko na sana pinagtanggol pa.

" Anong pangalan ng lintek nayon? Tsaka sinabi nyo sana sakin ng mas maaga ayan tuloy Kung ano ano pa ang nasabi ko sayo. Edi sana tinulongan pa kitang bugbugin ang lintek nayun! Ang dapat sakanya magilitan ng bayag eh!" - histerya kong sambit. Hawak hawak ko pa ang puso ko na parang aatakehin na. Napangiwi naman sya sa akin na parang kinikilabutan.

" That's brutal you know. " - aba kulang pa ang magilitan ng bayag sa ginawa ng lintek nayun sa akin. Muntik na akong mamatay sa kutsilyo nayun! Sana kinuha ko yung kutsilyo para iyon din ang gagamitin kong pantanggal ng bayag nya eh.

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon