CHAPTER 16

3K 78 4
                                    

LUNA'S NIGHTFOREST

Kasalukuyan akong akong nag aabang ng jeep o taxi sa labas ng subdivision namin dahil ang lintek kong kapatid ay two days ng missing in action. Nag aala na ng bongga ang nanay namin at kulang na lang ay mag tawag na ng pulis buti na lang na isipan na ng magaling kong kapatid na tawagan kami aba nakalimutan ata ng linshak nayun na sa tuwing nawawala ang lintek nayun ay halos mapuno ang bahay namin ng mga pulis ang mga men in black. Sa klase ng trabaho ng mga magulang namin bilang isang criminal lawyer at senador ay may tsansa na makidnap kaming dalawa. Ayon nga ang linshak na sa baguio daw kasama ang limang kumag. Pero lokohin na nya ang lahat wag lang ako dahil kilalang kilala ko ang kapatid kong yun to the point na alam kong may balat yun sa pwet alam kong napasabak na naman iyon sa rambol dahil magrarason na nga lang ang mga lintek ay palpak pa. Nakita ko kasi kahapon si Mahiro ng magawi ako sa grocery store malapit sa village nila puro pasa ang mukha nya at bumibili sya ng mga first aid na batid kong para sa apat na kumag na kasama nya.

Dumaan na ata ang lahat pero wala parin akong nakikitang pwedeng sakyan ang malas kasi dahil wala kaming driver at kasambahay ngayon dahil parehas silang nakaleave nasa Ibang bansa naman ang mga magulang namin dahil sa may trabaho silang inaasikaso. Madalang kasi ang mga taxi dito dahil private property ang subdivision namin. Inip na Inip na ako at nagbabadya narin ang ulan dahil sa makulimlim na panahon. Damn babagyuhin na pero wala parin akong sasakyan. Umabot Ata ng siyam siyam bago may naligaw na taxi sa village namin inabutan rin ako ng ulan kaya basa na ako ng makapasok ako sa school. Wala kaming masyadong ginagawa ngayon dahil halos lahat ng studyante ay nageensayo sa nalalapit na monthly evaluation. Hindi na ako pumasok sa room dahil batid ko namang wala ruon ang mga kaklase ko. Paniguradong nasa gym silang lahat para dumalo sa teakwando class ni Sir Martin. Hindi ko trip ang sumama kaya balak kong libutin ngayon ang kabuuan ng Rockwell Academy. Matagal tagal narin ako dito pero never ko pang nalibot ito. Hindi parin tumitila ang ulan kaya kinuha ko pa ang payong ko sa locker. Medyo kinilabutan ako ng makita kong walang tao sa hallway at wala ring nagawing studyante sa loob ng locker room hindi ko tuloy maiwasan na mangamba na may biglang bumato ulit sakin ng kutsilyo. Ng makuha ko ang payong ay halos tumakbo na ako palabas ng locker. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalabas at sinalubong ako ng malamig na hampas ng hangin dulot ng ulan buti na lang at na isipan kong magsuot ng hoodie ngayon.

Tinungo ko ang west wing ng academy walang masyadong studyante ang nagagawi dito dahil halos lahat ng building ay abandunado. Rinig ko pang tambayan daw ito ng mga gangster at nagsisilbing hide out nila. Sa pinakadulong bahagi nito ay may mini forest na punong puno ng naglalakihang puno may nakasulat pang karatula na nagsasabing danger zone kaya naman ay wala talagang nagtatangkang pumasok dyan. Ayon pa sa mga kwento mga studyante dito ay marami daw na nangyayaring kababalaghan sa west wing ng Academy dahil sa mga ungol ng ibat Ibang tao na parang pinapahirapan sila. May sumisigaw din daw ng tulong habang umiiyak. Shocks napaka creepy din ng ambiance ng lugar na animoy parang ghost town sa loob ng paaralan. Mas lalong lumamig ang hangin kaya hinapit ko ang suot kong hoodie sa aking katawan para mainitan. Buti na lang at umaambon na lang puno narin ng putik ang aking suot na sapatos pero hindi ko na mapigilan ang kuryusidad na lumalamon sa sistema ko. Gusto kong pasukin ang danger zone ng west wing o mas kilala sa tawag na luna's nightforest ayon sa kwento nila Solenn there's a tale about this forest pero hindi naman nila kinukwento sakin dahil kuro-kuro lamang daw ang mga ito. Nasa bungad pa lang ako but I can feel that eerie feeling that gives me a creeping fffeeling. But I can't stop my self from entering this mysterious forest. Pa ilalim na pailalim ang nadadaanan ko na pati ang liwanag ay hindi na makapasok dahil natatakpan ito ng mga naglalakihang puno kaya naman pala nightforest dahil kahit umaga palang ay para nang gabi sa loob. Kakaiba din ang klima at pakiramdam dito. Inilabas ko ang aking cellphone upang maging liwanag ko rito. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng mga nakakatakot na bagay na tulad ng nasa isa akong horror film na may biglang hihila sa paa ako at pagkatapos dadalhin sa isang kubo at duon kakatayin ng buhay at gagawing ulam ang karne ko. Mygod gross.

ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon