Mga bandang alas dos ng madaling araw ng maalimpungatan ako dahil sa pag ka uhaw. Papungas-pungas ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Nakapatay na ang ilang sa sala kaya batid kong tapos nang maginuman ang mga limang itlog nayun. Buti naman at hindi nagkalat ang mga iyon dito aba ayaw kong mag alaga ng mga lasing na pasaway ng last silang naginuman dito ay talagang disaster ang kinahinatnan ng bahay namin buti na lang at nasa out of town trip si sina mama. Ang mga lasenggong iyon may mga pera naman para sa bar na lang sila mag inuman pero trip na trip nila rito sa bahay. Pagka pasok ko sa kusina ay dumiretso ako sa ref para uminom ng malamig na tubig habang tinutungga ko ang bottle ay may narinig akong kaluskos sa likuran ko. Agad na nanlaki ang mata ko sa nerbyos. Langya may magnanakaw Ata! Owemgieee! What to do? Agad kong hinablot ang isang mahabang bagay na nahagip ng mata ko sa loob ng ref para gawing sandata sa Kung sino man ang nasa likuran ko. Mas lalong tumibok ng napakalakas ang puso ko dahil ramdam kong nakatayo na sya sa mismo sa likuran ko.
Lord kayo na po ang bahala sa akin! Agad akong humarap at akmang ihahampas na sa magnanakaw ang hawak ko ng bigla itong magsalita kaya napatigil sa ere ang mga kamay ko.
" What the fuck are you doing?" - nabitawan ko ang hawak kong upo ng marinig ko ang pamilyar ma boses ni Hide.
Teka, upo? Tangina upo pala ang hawak ko ang tange ko naman. Pilit ang ngiti ko ng mag angat ako ng tingin sa kanya. Kailangan ko pang tumingala para makita ng maayos ang mukha nya ang tangkad nya kasi kaya nakayuko naman sya para makita ako. Pansin kong namumula ang mga pisngi at tenga nya namumungay pa ang mga mata na halatang lasing pa.
Ay gago lasing pa to? Agad na nanlaki ang mga mata ko at lumayo sa kanya. Eh alam kong nangyayakap ang isang to pag nalalasing saka ka lang pakakawalan mag nawala na ang kalasingan matic pang mumurahin ka nyan pagka gising nya may pa " what the fuck are you doing here" effect ang isang to kaya ayaw kong masali sa mga naging biktima nya.
" Hoy shokoy ka! Dyan ka lang ha?! Wag mo akong lalapitan! Tatapon talaga kita palabas ng bahay makita mo!" pagbabanta ko sa kanya pero ang linshak parang Bata itong nakatingin sa akin na parang nag papaawa para mabuhat lang sya. Langya ang hirap malasing ang limang kumag na ito. Kaya naman pala ayaw nila sa dahil alam nilang magkakalat lang sila duon.
" why are stepping back? Are you scared of me? Am I monster?" - halos masuka ako ng parang Bata itong nagmamaktol sa harapan ko sana dinala ko ang cellphone ko para mavideohan ang katangahan nya eh. Pasalamat na lang ako dahil mukhang tulog na ang apat dahil wala ang mga bakas nila dito.
" Paglumapit ka pa ipapatapon kita sa Bermuda Triangle sinasabi ko sayo!" - pinanlakihan ko na sya ng mata kaso ang lintek sa bilis ng pangyayari namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa pader habang yakap yakap ako ni Hide. Napatulala ako sa kawalan habang ramdam na ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Para akong nakipag karera sa bilis ng pintig nito.
" Damn you really smell good" - nanlaki ang mga mata ko ng mas isiniksik nya pa ang mukha nya sa leeg at ramdam kong sinisinghot nya ang amoy. Damn naligo naman ako diba? Agad kong iwinaksi ang hindi kaaya kaayang bagay at pilit na itinutulak ang lasinggerong shokoy. May pa smell good pang nalalaman eh halos sinabi rin nya yan kay Alex at Drake with matching " I wanna kiss you so bad" halos masuka ako nung hinalikan nya nga ng tuluyan ang kawawa nyang pinsan. Halos umeecho pa ang tili ni Drake sa tenga ko with matching " THIS IS INCEST HIDE" ilang araw na nagrereklamo si Drake dahil binabangungot raw sya sa ginawa ni Hide.
" Bitawan mo na ako shokoy ka at baka lunurin kita dyan sa lababo" - Matapos ang ilang panunulak ko ay tuluyan na itong napabitaw na ito sa akin at dumaodos na sya sa sahig. Inis akong napakamot sa noo dahil sa konsumisyon. Paano ko bubuhatin ang shokoy nato? Maya-maya pa ay nag indian seat sya at tumingala ito para kausapin ako.
BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Action" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...