CHAPTER 6

3.4K 84 3
                                    

Nabulabog ang pag tulog ko sa
napakaingay na tawanan na nang gagaling sa salas ng aming bahay.

Ang mga shokoy nandito na naman. Bumangon nako at nagsimulang ayusin ang sarili. Sabado ngayon at inutusan ako ni mommy na ako muna ang mamili ng grocery namin. Umalis kasi sila kasama si Nana Josie na matagal nang nagtratrabaho sa pamilya namin. Nagsuot lang ako ng simpleng puting crop top at maikling short sa mall lang naman ang punta ko kaya okay na.

Nasa hagdan pa lang ako rinig na rinig ko na ang halakhakan nila. Nadinig ko pa na may gig sila mamaya sa Riverlane. Kahit na mga shokoy ang mga yan hindi ko naman maipagkakaila na may talent sila lalong Lalo na ang Haring shokoy.

" Aalis kana?" - tanong ni Alexander busy ako sa pagkalikot ng bag ko kaya tumanggo na lang ako.

" Bat ganyan suot mo? Bibili ka lang ng grocery bat kailan pang kita ang pusod pati hita?" - taas kilay na sabat ni Hide napangisi naman ang apat habang pasipol sipol pa.

" Eh anong gusto mo? Mag gown ako? - pasaring kong sagot nagpatuloy nako papalabas ng bahay at hindi na nakinig sa mga panlalait ni Hide sa damit ko.

" Hoy Mikael kasi! Bat ka nga Naka ganyan? Magpalit ka di bagay sayo! Ang pangit ng legs mo! - takte naman unti unti na naman nyang sinisira ang araw ko. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa labas.

" Mikael kasi! Hindi mo bagay ang ganyang damit! Magpalit ka ang panget mo dyan!" - Pilit kong kina kalma ang sarili para hindi patulan ang walanghiyang shokoy nato.

" Lumayas ka sa harapan ko shokoy ka. Isa pang Mikael dyan malilintikan kana sakin." - inis na ginulo nya buhok tapos tumingin sakin ng pag kasama sama.

" Magpapalit ka o huhubaran kita?" - seryoso at galit yang sabi medyo napaatras ako papalayo sakanya dahil mukhang seryoso sya sa sinabi nya.

Nagdadabog akong bumalik sa loob ng bahay napatingin pa sakin sina Kuya kaya napatigil sila sa mga ginagawa nila.

" Akala ko ba naka alis kana?" - takang tanong ni Kuya.

" Tanongin nyo sa shokoy nayan! Kainis. -nagmartsa ako paakyat sa kwarto ko para magpalit. Isang denim pants ang ipinalit ko shorts ko hindi ko na pinalitan ang top. Ano sya sinuswerte? Tsk.

Pagkababa ko ng hagdan naka abang sa baba si Hide napasimangot ito ng makita nyang hindi ko pinalitan ang top ko.

" Ano bayan, bakit di mo pinalitan yang pantaas?! Kita parin pusod mo magpalit ka! Sabi nang hindi bagay sayo ang mga ganyan!" - sa sobrang inis ko sa mga panlalait ng shokoy nato linapitan ko sya at gigil kong hinatak ang buhok nya.

" Hoyyy Alanis! Chill ka nga lang dyan wag kang manabunot! "- hinatak ako ni Zach papalayo sa Hari nilang shokoy kaso hindi rin nagpaawat si Hide hinila rin nya ang buhok ko. Nagsabunotan kaming dalawa habang ang walangyang Sina drake, Kuya Alexander at hiro ay may gana pang kumain ng popcorn habang pinapanood kami.

" Sige Alanis, hilain mo pa!" - gatol pa ni drake habang ang dalawa naman ay humahagalpak ng tawa at kinukuhanan naman kami ni Hiro ng video.

" Mikael, Tama nayan diba pupunta ka ng grocery?" - pilit kaming pinaglalayo ni Zach pero ng marinig ni Hide na tinawag ako ni Zach sa second name ko ay bigla itong napabitiw sakin. Tumahimik ang paligid.

"What the fuck did you say?" seryosong tanong ni Hide. Ngumisi naman si Zach at halatang pinagtritripan nya si hide.

" Mikael alis na." - masuyong sambit ni Zach pero hindi ako natinag. Nakatingin lang ako sa Haring shokoy na galit na galit ng Nakatingin Kay Zach.

" Did I already said that I am the only one who can call her in that name? Tawagin mo syang Alanis, Zach! - bago pa makasagot si Zach ay hinila ko na ang abnormal na si hide papalabas ng bahay.

" Ano bang problema mo at sobrang obsessed ka sa pangalan ko ha? - inis kong angil sakanya.

" Tsk! Basta, ako lang dapat ang tatawag sa yo ng Mikael! Wag nang maraming tanong! - " aba abnormal nga talaga Ata tong shokoy nato eh. Lakas ng Tama.

Sasagot pa Sana ako kaso hinatak na nya ako papasok sa magara nyang kotse.

" hoy teka lang, Mag grogrocery ako! Saan mo ako dadalhin? - nagtangka akong bumaba ng sasakyan kaso ang linshak inilock ang kotse.

" sasamahan kita, stupid ka pa mandin baka Kung saan saan ka naman mapadpad . "- bored nyang sagot at halos manlaki naman ang butas ng ilong ko ng tawagin nya akong stupid.

" Hoy, ang kapal naman ng mukha mong tawagin akong stupid! At anong akala mo sakin? maliligaw?! " - jusko tumataas na naman ang presyon ko at dahil yun sa kasama kong shokoy.

" Really? Stupid ka naman talaga sa direksyon eh. Anong nangyari nung inutusan ka ng mama mo papunta sa bahay nila auntie red? Imbes na sa kaliwang village ka pumasok, napadpad ka west side. May laman ba talaga yang utak munggo mong ulo?" -

Lord, bigyan nyo po sana ako ng pagkahaba-habang pa sensya wag ko lang magilitan ang lalaking to.

" Wow, says with the one who's in the last section. Talino mo no? Anong sinabi naman ng utak shokoy mong ulo? - inis kong ganti sakanya.

Sa loob ng byahe namin papuntang mall nagbangayan lang kaming dalawa. Halos itapon ko na nga sya papalabas ng kotse nya sa sobrang bad trip ko sa shokoy nato.

Kasalukuyan kaming papasok sa loob ng grocery store. At ang hudas imbes na tulongan ako sa pagtulak ng cart may balak Atang dito mag sight seeing ng mga babae nya. Tsk babaero talaga kahit kailan ang shokoy nato. At ang mga linshak na malalandot na palakang ito gustong gusto naman.

" hoy alam mo hide, Kung sumama ka lang rito para mambabae maari ka ng umalis." - inis kong tinulak ang cart. Liningon ko sya at ang mukong nagkakamot ng ulo at parang naghihinayang pang hindi nakascore sa babaeng mala lemon ang boobs.

Wala sa sariling napatingin ako sa boobs ko at sa boobs ng babaeng yun

Anak ng may melon ba sa loob nun? Wala man lang kalaman laman ang akin

" you're comparing your boobs to that banshee?" - anak ka ng! Halos mag laway na nga sya kanina sa kaka tingin sa boobs nun tas lalaitin nya lang ngayon? Hanep talaga sa ugali ang shokoy nato.

" I think you really need those bras that I gave you, push up bra yung iba dun. I pick that with cheska. "- nakangisi nyang sambit. Inis kong itinulak ang cart papunta sakanya. Tumatawa lang ito at sya na ang nagtulak nun.

" walanghiya ka talaga kahit kailan hide! At talagang may gana ka pang bumili nun kasama ang babae mo? - halos sumabog na ang ulo ko sa sobrang init ng dugo ko sakanya.

" Selos ka? " - taas kilay nyang sambit. Napatawa na lang ako sa sobrang kapal ng mukha nya.

" Bakit naman ako magseselos? I don't even like you." - suplada kong sagot. Napansin ko ang biglang pagbabago ng mood nya. Kung kanina mapang-asar ang mukha nya tas bigla siyang sumeryoso. Abnormal talaga kahit kailan. Napaka bipolar ng shokoy nato.

At bago pa ako makabuo ng salita, bigla na lang ito nagdabog at naglakad papalayo. Nag walk out ang walanghiyang shokoy nayun. Napatingin ako sa groceries na nakalagay sa cart. Sa sobrang dami nun diko alam kung paano ko Yun bubuhatin papalabas ng mall.

Nakabusangot kong binuhat ang sangkaterbang plastic bag ng mga groceries. Shet naman ang bigat! Ang abnormal na shokoy nayun, ang lakas ng Tama sasama Sama sakin tas biglang mag wawalk out? Tsk. Kainis sya kamo.

Papalabas na ako ng grocery store ng biglang may umagaw sa mga bitbit ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong si Hide ang kumuha nun. Ang shokoy nato kahit kailan talaga. Nakabusangot itong naglakad papalabas at ako naman ay napako na Ata sa kinatatayuan ko.

" Ano? Tatayo ka na kang dyan? Stupid ka talaga kahit kailan. Mga Tao sa likuran mo Tsk." - Kita nyo? Ang lakas ng saltik ng shokoy nayun.

" Walanghiya ka talaga kahit kailan Shokoy ka! I already said stop calling me stupid!".




ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon