Chapter 2

55 6 0
                                    

Chapter 2

Care

"So where do you usually go for lunch?" tanong ni Nicho. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang pagngisi buti nalang at naglalakad kami kaya diretso ang tingin niya sa dinaraanan namin.

Hindi niya nahahalata na kanina pa 'ko kilig na kilig dito! Hay Serene, friends lang 'di ba? Baka nga nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa'yo.

Napawi ang ngiti ko sa iniisip at bahagyang nakaramdam ng pait sa puso.

Nilingon ko siya, napatingala pa 'ko para lang mahanap ang mga mata niya. He's so damn tall! "Hmm.. sa cafeteria lang. Si Aiana ang madalas ko kasama at after namin maglunch diretso agad kami sa library kaya hindi na rin kami lumalabas pa ng campus."

He nodded. "Oh I see."

Dumiretso kami sa parking lot kung saan naroon ang kanyang SUV. Gusto niya kasi sa labas kumain dahil paulit-ulit nga naman ang pagkain sa cafeteria, baka nagsasawa na siya. Hmm.. parang impossible na natikman niya na ang lahat ng pagkain doon pero sabagay baka sosyal nga talaga siya at mas gusto niya sa restaurant na maglunch.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka umikot sa driver's seat.

"Buckle your seat belt." mahinahon niyang sinabi.

"Malapit lang naman tayo dito, 'di ba?"

Kumunot ang noo niya, "For safety purposes. Kahit malapit lang kailangan mo pa rin magseat belt."

Napangiti na lang ako at sinunod ang gusto niya. He is really mature, iniisip niya na agad ang mga possible instances.

Tahimik kami sa sasakyan at dahil mabilis lang din naman, walang limang minuto ang naging byahe namin. Umikot ulit siya para ipagbukas ako ng pinto.

Mature, Genius, Gentleman, Mabango, at Gwapo! Ano pa ba ang hahanapin mo? Uminit ang pisngi ko sa mga iniisip at natawa na lang.

Buti nalang tumitingin siya sa menu na binigay ng waiter at hindi napapansin ang mga pasimple kong ngiti.

I scanned my eyes at the menu as well. Ang mamahal pala rito! Kaya pala wala masyadong kumakain!

"Hi bro! What's up?" Naputol ang pagtingin ko sa menu at inangat ito sa lalaking lumapit sa aming lamesa.

Tumayo si Nicho at nakipagchest bump sa lalaking dumating.

Hindi ko alam ang dapat ko ireact! Should I say Hi? or Hello?

I stood up and smiled widely, "Hello!" I bow my head slightly to show my respect.

Mas matanda sila saakin 'yun ang sigurado kaya dapat pa rin silang galangin kahit kaibigan ko pa 'to si Nicholas.

"Bro I thought you don't have a little sister?" nagtataka na tanong at walang halong pagbibiro ang mukha ng lalaki. Ah so he really was serious?

Anong little sister? What the hell!

Nainsulto ako at bahagyang yumuko. For the second time around, I felt belittle.

Napalingon saakin si Nicholas and his jaw clenched. I don't know if I should introduce myself or not? Dapat siya ang magpakilala saakin. Pero paano nga naman niya ba ako ipapakilala? Katext, kachat or 'nakilala sa facebook' o kaya ay pwede rin na 'nilakad ng kaibigan'. Pfft all choices are not good to hear.

Nagkatinginan kami ni Nicholas bago siya muling lumingon sa kausap na lalaki at sumagot. "Zarrick, her name is Serene, my friend."

Oh so he's Zarrick! Gwapo rin at mukhang mayaman. Of course, all his friends are elite.

The Wounded OneWhere stories live. Discover now