Chapter 18
Thick and Thin
"Kamusta po kayo, Nanay Merlyn?" tanong ko kay Nanay Merlyn na nasa kabilang linya.
Tanaw ko ang matataas na building at mga sasakyan na mabagal sa pag-andar dahil sa traffic. Kahit madilim na ang labas ay kita pa rin na marami pa rin ang abala sa kung ano ano. I guess, life is still busy at night.
"Ayos naman kami, Serene," sagot ni Nanay Merlyn. Rinig ko ang iyak ng sanggol sa background at halatang abala si Nanay sa kung anong gawaing bahay. "Linda, yung anak mo naman!"
"Uhm... nakuha niyo na po ba ang pinadala ko?"
Isang sigaw pa ulit ang narinig ko.
"Oo at malaki na naman ang pinadala mo para kay Dashiel. Pinapayaman mo yata kami," she laughed.
I snickered.
"Wala po 'yun, Nay. Uhm... si Dashiel po pwede makausap?"
Dashiel is now 10 years old. Simula ng pinaalaga ko siya kay Nanay Merlyn ay hindi ko na siya muling nakita dahil bukod sa mahal ang pamasahe papunta sa probinsya nila ay abala ako sa pag-aaral noon at kapag summer naman ay naghahanap ako ng summer job para may maipadala. Ngayon naman ay abala ako sa trabaho. Mabuti nalang ay nagpapadala ng pictures sa akin sila Nanay at 'yung anak niya. Ayaw kasi makipag-video call ni Dashiel sa akin, nahihiya. Naiintindihan ko naman na bata pa siya at baka hindi niya lang talaga pa naiintindihan ang ginawa ko.
Siguro kapag nakapunta na ako sa kanila ay kukunin ko na si Dashiel at dadalhin dito sa Manila. Kaya ko naman na siya buhayin.
"Dashiel, tawag ka ng ate mo..." rinig ko na sabi ni Nanay. "Ate?"
Pakiramdam ko ay may pumiga sa aking puso. Hearing his voice reminds me of who I really am.
"K-kamusta Dashiel?" I said with my misty eyes.
"Ayos lang po."
"Kamusta ang school? Mahirap ba?" trying to prolong our conversation. Minsan lang naman kami makapag-usap.
"Hindi naman po," tipid niyang sagot.
"Kamusta ang mga friends mo? Hindi ka ba nila inaaway?"
"Okay lang..." sabi niya bago huminga ng malalim. "Baba ko na, Ate. Maglalaro pa po kami."
I cleared my throat. "Uh... gano'n ba. Sige, mag-iingat ka riyan. I love-" bago ko pa man makumpleto ang sasabihin ay binaba niya na ang tawag.
Wala pang isang minuto na nakapag-usap kami at bitin na bitin pa 'ko ro'n. Sanay naman na ako dahil laging napuputol ang tawag namin. Hindi ko alam kung ayaw niya ba ako kausap o mali lang talaga ako ng timing sa pagtawag.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang ilang luha na tumulo sa aking pisngi.
Napaisip tuloy ako, kung sakali ba na kukunin ko na siya ay sasama ba siya sa akin? May sarili na siyang buhay do'n kaya mas malaki ang tsansa na hindi siya sumama sa akin. Hindi ko naman siya pipilitin pero pakiramdam ko ay baka pagsisihan ko ang ginawa kong desisyon noon. He's my living memory of Mommy, and I cannot afford losing him. I'd lose my purpose in life without him.
He's my only family.
I sighed deeply, and continued in appreciating the view in front of me.
Tuwing natatanaw ko ang matatayog na gusali, kapag natatanaw ko kung gaano ako kalayo sa baba pakiramdam ko ay ang taas taas na ng narating ko, na naabot ko na ang mga pangarap ko. Naisip ko na deserve ko 'to dahil sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon, sa lahat ng pinaranas ng mundo, ito na 'yung kapalit ng lahat ng iyon.
ESTÁS LEYENDO
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...