Chapter 17
Dangerous
Pagpasok ko ng opisina ay mayroon agad mapangahas na luhang lumandas sa aking mga mata. Kahit pala anong galit ko sa kaniya hindi ko pa rin maitatanggi na may ganito pa rin siyang epekto sa akin. I hate him for making me feel this much! Pakiramdam ko ay hindi dapat. Lahat ng gusto ko iparamdam sa kaniya na sakit ay parang bumabanda lang sa akin tapos sa huli ako na naman ang kakawa.
Bakit ba naman kasi ako walang kaibigan sa trabaho! Kung may kasama lang ako kanina baka hindi ako nagawang lapitan ni Nicholas, baka hindi siya nagkaroon ng lakas na loob para harapin ako.
Oo nga, bakit parang mas malakas pa ang loob niya kaysa sa akin? Hindi ba dapat siya ang may takot na harapin ako kasi iniwan niya ako nang ganoon nalang, nang walang dahilan?
Pero sabagay, hindi naman pala siya yung nakaramdam ng sakit. Wala naman akong epekto sa kaniya at wala akong naparamdam na 'sobra' sa kaniya, ako lang 'tong baliw na baliw sa kaniya noon.
Ginulo ko ang buhok ko 'tsaka marahas na sinandal ang likod sa malaking swivel chair ng opisina ko. I'm very frustrated about everything. Ayaw ko humarap sa tao ngayon, nawawala ang pagiging professional ko!
Maghapon nagmukmok lang ako sa opisina, hindi ko binalak lumabas kahit nakaramdam ng kaunting gutom nang dumating ang hapon ay pinili ko nalang na hindi pansinin iyon. Sa ngayon, mas okay na mamatay sa gutom kaysa makita ako ng mga tao na miserable. Baka may maidagdag na naman sila sa mga 'conspiracy theory' nila!
Wala akong ginawa kundi ang tumulala sa harap ng laptop. Wala akong nacheck na kahit anong financial statements na ginawa ng team ko kaya wala akong naapprove na kahit anong gawa nila. Incompetent na ba ako nito?
Lalo akong na-frustrate nang maalala kung paano nag-doubt si Nicholas sa kakayahan ni Sir Leo. Paano kung ganoon na rin ang tingin niya sa akin?! Fuck, no way!
Hinintay ko ang mag-alas singko 'tsaka bumaba ng opisina. Kabang-kaba pa ako dahil baka may makasalubong na naman pero mukhang pinakinggan ako ng universe. Wala akong nakasalubong na kahit sino at payapa na nakauwi sa condo ko.
Kinabukasan maaga ulit ako sa trabaho. 6:30 palang ng umaga ay paakyat na ako sa opisina para makapagtrabaho. At sa mga sumunod na oras ay sinubsob ko ang sarili sa trabaho. This way, nakakalimutan ko ang mga bumabagabag sa akin.
Dumating ang oras ng lunch, sinigurado ko talaga na makakapaglunch ako sa tamang oras.
"Queenie, paki-order ako sa cafeteria ng lunch, yung usual. Thank you," sabi ko bago ibinaba ang telepono.
Sa trauma ko sa nangyari kahapon ay parang hindi ko na kayang bumaba ulit.
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay may kumatok na agad sa aking pintuan. Ito na siguro ang lunch ko.
"Come in," I said, clearing my table.
Pumasok ang sekretarya ko na may dalang malaki sa usual na plastic na pinaglalagyan ng lunch ko. Binaba niya ito sa aking lamesa at nakitang may apat na clear tupperwares na may laman na ibat-ibang pagkain. Ang isa ay may laman na gulay, ang kasunod naman ay karne, tapos kanin at salad na may kasamang egg.
Kumunot ang noo ko. This is not my usual lunch order! Hindi ba baka nagkamali lang ang cafeteria at baka sa iba naman 'to?
Tumayo ako at tinaas pa isa isa ang mga tupperwares para makita ng mas malinaw ang laman ng mga 'to. Hindi ako nagkakamali hindi nga akin ito, hindi ko kayang umubos ng ganito karami!
"Queenie, akin ba talaga ito?" I asked, wondering.
Napahinto ang sekretarya at nilingon ulit ako. "Ma'am 'yan po ang galing sa baba. Nakapangalan po sa inyo."

ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Wounded One
RomantizmAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...