Chapter 11

56 5 0
                                    

Chapter 11

Better

"Baby, I know you are not okay. Tell me what is it?" Mom sighed, asking.

Bakas sa mukha ni Mommy ang pagod at pag-aalala. I don't want to tell Mommy about my problems, I'm now grown-up and I want to deal with my own problems. Lalo na ang bagay na 'to. 

"Mommy, it's just little stuffs.." I sighed, tired. 

"Little stuffs? Pero natutulala ka ng ganiyan. Ano ba ang little sa 'yo, Anak?"

Unti-unti na siyang lumapit sa kama ko, kanina kasi ay nasa gilid lang siya ng pintuan ng kwarto at doon niya ako naabutan na tulala at malalim ang iniisip. Kahit anong pilit ni Mommy na sabihin ko kung ano man ang nagpapabagabag sa akin ay pinili kong isekreto na lang. Hindi niya naman maiintindihan, nag-imbento pa ako ng ibang mga pangyayari para lang makumbinsi siya na wala lang talaga ito. 

I don't know when this started, me being secretive with Mom. Though not really secretive, nevertheless, I've been secretive about Nicholas.  

Speaking of, every cliche heartbreak songs and movies about made sense. My heart felt like it fell from the cliff and died on impact. And it kept going on for days and week, along with the tears, overwhelming emotions and lack of sleep. I remember those sleepless nights that my tears were just kept on falling out of my eyes, it got to the point that I would just let myself cry so I would drift to sleep. It was worse, and I felt hopeless but I have no other choice. 

Days passing by, and I tried reaching out for him again.  

Sa lahat ng social media accounts ay hinanap ko siya, lahat ng mga kapangalan niya nagbabakasakali ako na baka siya 'yon. In an attempt to be heard and seen. Even if he blocked me on everything.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil ang gusto ko lang naman ay 'yung makausap siya kahit isang beses lang. Hindi naman niya siguro ipagdadamot sa akin 'yun 'di ba? Kahit ilang minuto lang, okay na.

Madami lang talaga akong 'bakit' na gusto itanong sa kaniya. Hindi naman ako naghahangad ng mahabang oras... kahit saglit lang. 

"Rea, wala ka ba talagang balita? Nagtext ba siya sa 'yo o kaya tumawag?" I asked, almost begging. 

It was our lunch break, hindi ko muna sinabayan si Aiana sa lunch dahil may misyon ako rito sa ibang building. 

"Wala." She sighed, dismissing our conversation. Naiintindihan ko naman dahil inexcuse ko pa siya sa gitna ng klase nila para lang itanong ang mga 'to.

I looked at her, apologetically. 

"Nakausap mo ba siya?" 

"Hindi, Serene. Wala rin akong balita sa kaniya."

Hindi pa ako kumakain ng lunch at wala rin akong gana. Malapit na ang finals kaya sigurado na ang lahat ay magiging busy at mawawalan ako ng panahon kumalap ng impormasyon. Kahit mainit nilakbay ko ang daan patungo sa Engineering Building at doon magbabakasakali. 

Sikat siya at paniguradong kilalang kilala siya ng mga tao roon. Baka may napagsabihan na siya ng mga plano niya, baka nakapagpaalam siya sa mga kaibigan niya, sa mga ka-teammate niya at lalo na sa mga profs niya. Graduating siya kaya hindi pwede na basta basta nalang siya aalis! Running for honors din siya kaya hindi talaga maaari. 

Nandito lang talaga siya, baka mali lang si Rea. 

There's uncertainty brewing within my chest.

Hindi ba baka nagkamali lang si Rea? Baka hindi naman talaga siya umalis? Baka nagtatago lang siya somewhere kasi ayaw niya na sa akin, kasi nakukulitan na siya sa akin or baka sawa na siya sa presensya ko? 

The Wounded OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang