Chapter 6

55 6 0
                                    

Chapter 6

Someone else

Napuno ng tawanan ang kainan habang ako ay tahimik lang nakikinig sa mga kwento nila. Kung minsan ay tinatanong ako kaya minsan ay nakikitawa rin. Mommy's probably fine with me, in silence, hindi rin naman ako inusisa. 

Meanwhile, Joshua was in his seat, quiet. Paminsan minsan ay napapasulyap siya saakin at katulad ko nakikinig lang din siya. Nangingiti kung may nakakatawang kwento. 

"Serene my boyfriend ka na ba?" maligayang tanong ni Tita Vergie. 

Kapansin pansin ang pagbaling ni Mommy ng tingin saakin.

I regret not really being attentive to their discussion at hindi ko alam kung paano napunta ang usapan na ito saakin.

"Naalala ko si Mommy Serenity mo noon, napakadaming manliligaw. Minsan nga nanghihingi na ako sakanya pero siya pa rin ang pinipili!" dagdag pa niya at humalakhak. Masayahin at maraming kwento si Tita Vergie kaya kung hindi ka masyadong magaling sa pakikinig baka magsawa ka. 

Ngumiti na lang ako, hindi rin naman ako nagtataka dahil a face like mom's would never be ignored.  

Boyfriend? Nicholas' face flashed on my mind. Buti na lang ay nakangiti na ako bago ko pa maisip 'yon dahil mukhang magtataka sila kung ngumingiti na lang ako bigla mag-isa. 

I shook my head, "Wala po tita."

"Well, I guess, you have so many suitors?" 

Magsasalita na sana ako nang si Mommy na ang sumagot. My lips left parted.

"Maraming manliligaw talaga ang Andra Serene ko pero buti na lang ay alam niya ang priority niya sa buhay. May disiplina, you know their age." Nagkibit balikat si Mommy.

Someone's face was repeatedly popping into my head. Hindi ko alam pero parang pumait ang panlasa ko. Wala namang mapait na putahe rito.

I know her, she's not very supportive when it comes to love life, ang mga nakikilala niya lang na manliligaw ay yung mga may lakas na loob na pumunta sa bahay. Mommy's naturally nice, however, if it's about boys, she's very strict, so my immature boys backed out, they thought Mom's rude but she just really cares for me. 

The very reason why she missed that one page of my life. I can open up to her everything except my love life, she's not just fully open minded about it at ayaw 'ko naman ipilit sakanya 'yon. I fed her what she could only take. 

Mom held my hand and gently squeezed it, "Siya at si Dashiel na lang ang mayroon ako. Hindi ko pwedeng ipamigay lang sila sa iba." 

I glanced at Dashiel na ngayon ay pinapakain ni Nanay Merlyn para makasabay sa aming lunch para sa araw na 'yon.

Tumango na lang ako at ngumiti kahit may dumaan na pait sa aking puso. Alam ko na kapag nalaman ni Mommy ang tungkol saamin  ni Nicholas ay labis na ikakadurog ng puso niya at ikakagalit. Kahit wala naman talagang namamagitan saamin, masama pa rin ang magsikreto sa magulang, lalo na siya ang gumagabay saakin, dapat alam niya ang lahat pero ano ang magagawa ko? Alam ko ang mga bagay na hindi niya kayang tanggapin at alam ko rin ang mga bagay na hindi ko kayang isuko.

I already convinced myself that this man is really something else. I'm probably going crazy!

I will not rebel against my Mom, alright, I just figured it out that Mom couldn't accept the fact that her 'baby girl' is now feeling something scary and deep.

But I wonder, if she won't really accept this part of my life, she's my mom after all. Maybe in time.

"She's too young for love, Vergie."

The Wounded OneWhere stories live. Discover now