Chapter 1

83 6 0
                                    

Chapter 1

Hello

"Are you excited?" masigla na tanong ni Mommy.

Nakatitig ako ngayon sa sarili kong repleksyon dito sa malaking salamin ng kwarto ko. It's gonna be my first day of school as a senior high school student! Kita ko rin ang repleksyon ni Mommy na nasa likod ko. Inaayos niya ang aking buhok, para akong pre-schooler na ngayon lang papasok sa paaralan.

Napangiti ako, it just shows how thoughtful and sweet Mommy is.

"My naman!" tumalikod na ko sa salamin at siya naman ang hinarap.

Kahit umarte pa 'ko na hindi excited hindi ito maitatago sa mga ngiti at mata ko. I feel like I'm finally a grown-up woman. Kung walang K-12 college na 'ko! Imagine college? mature na 'ko!

Kinurot niya ang pisngi ko. "You are still my baby girl!"

Mommy is still stunning even in her age, she is 40-ish woman but still gorgeous. Sakanya ko namana ang maliit kong mukha, ang matangos na ilong at almond shaped eyes, mas depina lang ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa kanyang edad and my features are a bit softer than hers. Also, we are different in terms of complexion, I am fair and she's morena. Ito lang yata ang namana ko kay Daddy, skin color.

I giggled. Umirap ako kay Mommy at sabay na kaming lumabas ng kwarto. Nakapag-almusal na rin naman kami bago ako maligo. At dahil first day ko ngayon siya ang maghahatid sakin kahit kaya ko naman na ang sarili ko.

"Mommy dapat hindi mo na 'ko hinatid baka magising si Dashiel!" wika ko kay Mommy na ngayon ay nagmamaneho papunta sa bagong paaralan ko.

Nakapagdecide na kasi ako na pumasok sa isang malaking university kahit senior high school palang para hindi na rin ako mahirapan sa college na mag-adjust. Luckily, I passed the admission test in one of the biggest universities here in the Philippines.

"Ano ka ba! Nandon naman si nanay Merlyn. At saka nakagawian na rin natin 'to. Ayoko mabali 'yon kahit na dalaga ka na." Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at tahimik na lang na tinignan ang mga sasakyan sa katabing bintana.

--

"Ingat baby! Good luck!" wika ni mommy at binigyan ako ng halik sa pisngi bago magpaalam nang makarating na kami sa parking lot ng school ko.

Since I'm a transferee, obviously, I am nobody here sa napakalaking paaralan na 'to! I wonder kung may magiging kaibigan ba ako ngayong araw.

Kinuha ko ang schedule ko sa aking bag at binuklat ito para malaman kung saang building ako tutungo. Habang naglalakad, napansin ko ang mga lingon ng mga kapwa ko estudyante! Ako lang ba ang bago rito? Of course not! madaming gustong makapasok dito at marami rin ang nakakapasa sa kanilang CET kaya imposible na ako lang ang bagong senior high student dito!

Sanay na rin naman ako sa mga taong nililingon ako kapag dumadaan kaya pinagkibit-balikat ko na lang, hindi na pinansin at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad.

Nang matunton ang tamang palapag at magiging kwarto ko for the rest of this semester nakangiti akong pumasok at nadatnan na kaunti pa lamang ang mga estudyante rito.

Siguro dahil maaga pa. Umupo ako sa pangatlong row at sa medyo gitnang part para hindi sobrang lapit sa harap at hindi rin likod na likod. Since I'm just an average student, this will do.

Ilang sandali dumami na rin ang mga estudyante na pumapasok sa classroom. I can't help but to be excited!

Sino kaya ang magiging bestfriend ko rito? Yung nakapink ba? Or yung nakayellow? Hmm.. it seems that they are both friendly naman but the other one, yung nakayellow, looks more studious because of her nerdy glasses.

The Wounded OneWhere stories live. Discover now