Chapter 24
Invited
We walked slowly until we've reached the door. We proceeded together at the same pace. He never walked first nor behind, he was just walking with me while never letting go of my hand.
"Are you ready? We can still buy our time," Nicholas said. Nilahad niya ang lumang tatlong stainless steel na dikit-dikit na upuan sa tapat ng pinto ni Dashiel.
"I can do this, Nicholas," I assured him.
He took that as a cue to open Dashiel's hospital room.
When we entered the room, I saw first Dashiel laying on the white hospital bed. His eyes were closed, looking pale and weak. My knees suddenly turned into jelly. At kung wala ang suporta na kamay ni Nicholas ay baka napaluhod na ako.
I felt my heart was gradually shrinking. Kusa akong napatakip sa aking bibig nang makita kung gaano siya kawalang laban, kung gaano siya kahina. Agad naman tumayo si Nanay Merlyn galing sa pagkakaupo sa silya na katabi ng kama ni Dashiel.
Yumuko ako nang marahas na lumalandas ang aking mga luha. Sabay nang pagpapaalis ko rito ay ang pag-iling ko ng ulo nang paulit-ulit.
This can't be real. Oh, God, no... please.
Pinilit kong humikbi nang walang nililikhang ingay dahil ayaw kong magising si Dashiel. I thought that it's his only way to escape from his painful reality, through sleeping. He's too young for this.
Ang lahat ng natitira kong lakas ay ginamit ko para makalapit sa kaniya. Hindi naman ako binitawan ni Nicholas na nakahawak sa aking magkabilang braso sa likod hanggang sa makaupo ako sa dating inuupuan ni Nanay Merlyn.
"Kakasaksak lang ng mga kung anong matatapang na gamot sa kaniya kaya siya nanghina at nakatulog," sabi ni Nanay Merlyn. Nilingon ko siya at nabasa ko agad ang pagod sa kaniyang mga mata at mukha.
Tumango ako at inabot ang kamay ni Dashiel. I caressed it with my thumb very gently. It's my first time to touch him after years. Malaki na ang pinagbago niya. Mas matangkad na siya at kung dati no'ng bata pa siya ay medyo chubby siya ngayon ay mas payat na siya. Ang kaniyang mukha ay mas depina na ang panga at mas lalong pansin na ang kaniyang matangos na ilong. His face is defined but it's still undeniably soft.
His complexion is a bit tan. Naalala ko sa kaniya si Mommy na minsan ko na kinainggitan ang kulay ng balat.
Inangat ko ang sarili ko kaunti para mahalikan siya sa noo. Nilingon ko naman si Nicholas na ngayon ay nakatayo na malapit sa pinto at nakahalukipkip. Pinapanood niya lang kami at nang magtama ang aming mga mata ay isang maliit na ngiti ang ginawad niya sa akin.
I cleared my already dried throat. "Ako na muna po ang magbabantay dito, Nay Merlyn. Gusto ko rin po makausap ang kaniyang Doctor," I breathed.
"Ihahatid na kita Nanay Merlyn," sambit ni Nicholas bago sumenyas sa akin para magpaalam na sasamahan niya lang si Nanay Merlyn. Tumango naman ako pinanood sila umalis sa hospital.
Maybe Nicholas was trying to give us privacy.
Nabawi naman ang atensyon ko nang maramdaman ang kaunting paggalaw ng kamay ni Dashiel na hawak ko. Agad ko siyang nilingon at nakita kung paano siya nahirapan imulat ang kaniyang mga mata.
"A-Ate..." Dashiel stuttered.
"Shh, y-you can still rest," I said, trying to keep my voice intact as much as I could. Kinusot ko rin ang aking mga mata nang maramdaman ang pangingilid ng luha rito.
I need to show him that I'm not getting weak. He needs someone to hold on, and if I am breaking too, lalo siyang manghihina. Kailangan niya ng paghuhugutan ng lakas.

ESTÁS LEYENDO
The Wounded One
RomanceAndra Serene Concepcion is living the life of a perfect woman. Everyone wished to have a life that she has. But that's just what everyone has thought. The reality is that she's miserable because of her past. She's at the top of her career, money, an...